XXXVIII- Back to You (Part 2 of 2)

2.9K 83 35
                                    


David POV

Life is a matter of choices. Many people are sad. Many people are miserable because they chose to be miserable. There are things you cannot change in life. But you can change your attitude about such things.

Thus said Pastor Ed Lapiz sa kanyang book na Pitu-Pito: Seven Big Steps to Happiness and Well-Being.

The book is Maggie's gift to me, peace offering niya raw dahil sa pagmamatigas niya. Kung tutuusin, di na naman niya kailangan pang magbigay ng regalo dahil siya lang, sapat na. Kumpleto na.

Totoo naman yung sabi ni Pastor Ed. Kung hahayaan nating malungkot tayo at maging miserable, yun ang mangyayari, pero kung isusuko natin kay Hesus ang lahat ng mga kabigatang meron tayo, everything will fall in the right place. He does not say yes to everything that we desire, kasi alam Niya kung ano ang mas kailangan natin.

I closed the book before I headed to the shower.

Ako ang mas naunang nagising dahil pagod talaga si Maggie sa series of outreach programs ng church. She would always do food preparation and head the feeding program at the same time.

Yung outreach namin kahapon was really a tiring one. We had to feed more than one hundred kids. Naalala ko bigla tuloy kanina, while doing the outreach, I wanted to run to Maggie and wipe her sweat dahil tagaktak na talaga ang pawis niya kaso nakakahiya rin naman sa ibang tao. We both agreed to keep everything in private and not the PDA type para di rin naman kami maging dahilan ng pagkakatilasod ng iba.

Maggie has a way of really making kids smile. Hindi ko maexplain kung paanong napasaya ni Maggie ang mga batang di naman niya kilala, na sa unang pagkakataon nilang pagkikita eh nakagaanan na niya ng loob.

At aaminin ko, habang nagpapakain si Maggie sa mga batang tumira na sa kalye, nakita kong maaring ang plano ng Diyos sa amin ay i-consider ang adoption. I know Maggie has a big heart for kids at kahit na hindi sila galing sa sarili naming dugo, alam kong magiging mabuting mommy ang mahal ko.

"Oppa, masakit ang tiyan ko. Ako muna please."

Malakas na kinatok ni Maggie ang pintuan at naputol ang pag-iisip ko. I grabbed my towel and opened the door.

"Mahal naman, bakit ganyan ang reaction mo? Youve seen me like this several times di ba?"

Nagulat ako na parang ganoon na lang ang pagkakatitig ni Maggie sa katawan ko na parang may mga katanungan sa mga mata niya. Dumako ang tingin niya sa may bandang tabi ng armpit ko kung saan may maliit akong tattoo ng pangalan ni Minhee. Ang akala ko nakita na niya noon pa yun pero mukhang hindi pa kasi iba yung reaction niya. Patay na. Naloko na.

"Oo. Pero ngayon ko lang napansin na may tattoo ka pala dito."

Maggie moved closer to me and hinawakan yung tattoo at binasa ang nakasulat dito. Minhee is in my past, wala na siya sa puso ko, pero yun nga lang, nandito siya sa katawan ko at di na matatanggal pa.

"Ahmmm.. We were so in love with each other.. and akala ko ano we.. will.. end up together..."

Putul-putol kong sabi kay Maggie. Almost two months palang kaming nagkaayos ni Maggie and mukhang may problema na naman yata. Bakit ngayon lang ba naexpose tong tattoo ko na to? Eh matagal na kaming mag-asawa.

Ganito pala ang buhay mag-asawa. Hindi naman talaga pwedeng matawag na perfect. Sana wag maging dahilan to ng conflict sa amin.

"Why are you stuttering oppa?"

"Huh? Ahmm.. kasi ano.."

"I am not jealous or envious or mad at you. She is in your past and past is past."

Hinaplos ni Maggie ang magkabilang pisngi ko at pinisil ang ilong ko. Bakit ba laging ilong ko na lang napagdidiskitahan ni Maggie?

"Thank you Mahal. Thank you for understanding me."

"Anong gusto mong breakfast today?"

"Ako na ang magluluto mahal, matulog ka na lang muna."

"No. I want to do it."

"Mahal. Let me. Ako ng bahala."

"Sige ikaw bahala. Pero ang gusto ko Tortang talong na may cheese at chilli. Kaya mo bang gumawa nun?"

Naguluhan ako sa sabi ni Maggie. Mukhang pinagtritripan na naman yata ako ng asawa ko ah.

"Oo. I can do that."

"Yey!"

Tumalon si Maggie at biglang hinapit ang batok ko at hinalikan ako. Wala akong nagawa kung di tumugon din ng halik.

I was about to remove her dress nang bigla niya akong tinulak at sinampal.

Ano na naman bang ginawa ko?

"Mahal, what was that for?"

"Gusto ko lang. Ang cute mo kasi kapag namumula ang mukha mo eh!"

Maggie smiled and went inside the bathroom.

"Give me 10 minutes oppa ha. Ang sakit ng tiyan ko eh."

---------------------------------------------------------------------

Naks! Two chapters more to go! Hahaha. Pahabain ko pa ba or tapusin ko na? Natutuwa pa ba kayo dito? Puro kulitan na lang yata to nina Maggie at David. Hahahhaa. Sige. Good Night. Do catch my other story, Relentless.

Thanks.

***
To all the birthday celebrators:
Happy Birthday to you! May the blessings of our Lord be with you. Shine and enjoy today!

To everyone else:

Shine today! Be the best and touch the lives of people. Conquer greater heights.

Shout out to ChaiDelaCruz feel ko Lang I tag ka. Hahahahahahahah.

Hello There, DavidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon