XXXVI- Loving Maggie

4.1K 108 54
                                    

Maggie POV

"Everything works together for good for those who believe in the Lord."

Ito ang isa sa mga pangako ng Diyos na kapwa naming pinanghahawakan ni David for the past 8 years that we've been married. Parang kelan lang, I was a teenager trying to overcome the lost of my mother and now I have my own daughter to take care of.

And yes, just like what God promised to those who will put their trust in Him, our married life has been a blissful one. We have become each other's everything.

Araw-araw gumigising ako ng maaga at naghahanda ng masasarap na pagkain para sa aking mag-ama,nagluluto ng specialty na tinuro sa akin ni Ate Naina, pati na rin ng iba ko pang mga naging kaibigan na sina Ate Rea, Hayley, at Jenn.

Being a full time mom and wife is the path I chose. Hindi ko na rin natapos ang college kasi nga we got married three months after I got back from Dubai and after we got married, I got pregnant to my daughter. It was more of my choice. David offered to get me a helper after I gave birth to Blueberry pero mas feel ko ang ako ang mag-alaga sa anak namin.

Wala nga akong diplomang matatawag pero meron akong pamilyang biyaya sa akin. Kaya wala akong pinagsisihan dahil nakita kong lumalaki si Blueberry ng maayos. Kuntento na akong pinagsisilbihan sila ng buo kong makakaya habang patuloy din akong naglilingkod sa Diyos.

***

Watching my daughter from afar playing with the other kids is just overwhelming. We named her Blueberry dahil isa yun sa mga sweetest memory naming mag-asawa. Sabi ni David, noon pa man, may crush na raw siya sa akin. Kahit na raw hindi ako qualified sa standards niya ng mga magagandang girls, eh ako raw yung bumihag ng puso niya. Aaminin ko sa tuwing kinukuwento niya yun, kinikilig pa rin ako. Masaya lang na secured akong mahal ako ng asawa ko at ang pagmamahal namin sa isa't isa ay pinangungunahan ng Diyos.

Now that my daughter has turned 7, I know that I cannot do everything to make her happy. Soon she will grow up fast but I know I have David with me and the Lord to guide us, lalo at solong anak lang namin siya. I was told by our family doctor that I wont be able to give birth anymore dahil sa hindi na kakayanin ng ovaries ko.

"Bagay ang mga bata ano? Ang cute nilang tingnan. Magiging mabuting asawa si Markus kay Blueberry."

"Brian, my child is just 7 and your son is just 12. Pinagpe-pair mo agad sila?"

Yes. Brian, David and I are still good friends together with his wife. Sila rin ang nagkatuluyan.

Three years ago, they chose to settle here in the Philippines para asikasuhin ang mga negosyo nila and since then, si Markus na ang naging "tagapagtanggol" at "bodyguard" ng anak ko at sa tuwing birthday nga niya eh si Markus and escort.

"Why not? Malay mo, kaya pala tayo di nagkatuluyan kasi sila ang para sa isa't isa hindi ba?"

Napangiti ako sa sinabi ni Brian. Kung sa bagay, may point siya. Who knows? Di naman natin talaga alam kung ano ba ang plano ng Diyos sa buhay natin. May mga bagay tayong hindi natin agad naiintindihan. Malay mo nga naman, ang mga anak pala namin ang para sa isa't isa.

"Hindi natin alam. Pero kung mangyari man yun, I will be happy for both of them."

"Yeah. Tama ka. God has plans for each of us. Ikaw ay para kay David at ako, mahal na mahal ko rin ang asawa ko. She is heaven's gift to me."

"Obvious naman eh. Ang dami pang sumunod sa panganay niyo eh."

"Ang dami ko na yatang na miss sa usapan niyo ah. Isali niyo naman ako."--Lucy, my bestfriend has not changed at all. Siya pa rin ang nag-iisa kong kapatid. Siya pa rin ang lagi kong kakwentuhan sa lahat ng bagay. Ngayon ay may sarili na rin siyang studio at kapag Saturday eh nagtuturo ng photography sa isang university.

Hello There, DavidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon