David POV
We were both wet when we got in my unit at wala akong pinagsisihan doon. Masaya ako na nakasama ko siya at pareho kaming nagpaulan. Kapwa namin miss ang isa't isa.
Napakatagal din ng five years pero sulit ang lahat ng paghihintay ko. Ngayon alam kong kami talaga ang para sa isa't isa. Yung saya nang nakita ko siya ay katulad ng saya nang nakita ko siya the first time na tinarayan niya ko sa tutorial center. Noon palang pala, nabihag na niya ang puso ko.
"Ingat ka Maggie, nabasa mo na yung......"
Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil nadulas na si Maggie sa nabasang flooring ng unit ko, mabuti na lang nasalo ko siya bago pa siya tuluyang tumama sa semento. Ako ang naunang bumagsak at napapatong siya sa akin.
"Maggie."
"David."
Maggie calling my name while she is on my top sent sensation to my body. Hindi ko napigilan ang sarili kong halikan siya.
"David."
"Maggie."
Nagulat ako sa sumunod kong ginawa. Dahan dahan kong inikot si Maggie at ngayon ay nasa ilalim ko na siya. We continued kissing each other, deeper and deeper. Hinaplos ni Maggie ang likuran ko at mas lalo akong naengayong halikan siya. Maya maya pa ay tumaas na ang suot kong polo.
"Maggie."
"David."
I slowly unbuttoned her blouse and started nibbling her neck. I was so much overwhelmed with the intensity of being with Maggie na hindi ko na alam ang ginagawa ko. Mas hinigpitan ko ang yakap ko kay Maggie.
"David. Are we really doing this?"
Maggie looked into my eyes and asked me in between our kisses.
Thank God. Nagising ako sa panandaliang sensasyon.
Dahan dahan kong binalik ang butones ni Maggie at inalalayan siya para tumayo.
Ano tong nagawa ko? Ano?
"Im sorry Mahal."
"Ako rin. Im sorry."
Niyakap ko si Maggie at hinalikan sa noo.
"Darating din ang right time. In God's time mahal."
***
Maggie POV
We were both quiet ni David kahit na kaninang kumakain kami. Walang nagsasalita sa amin. Pareho kaming nagulat kanina. We almost did it without marriage na pareho naming pinahahalagahan ni David. Muntik na kaming magpadala sa nararamdaman namin. Pero masaya akong pareho naming nakontrol yun at nagising sa realidad.
"Tomorrow morning, we will find a unit where you can stay. I don't think you can stay here. Hindi na tayo gaya ng dati."
Si David na ang bumasag ng katahimikan namin. Mabuti naman kasi binging bingi na rin ako at di ko din naman alam ang sasabihin ko.
"Sige. Pero siguro dun sa malapit sa school ko. Mag-eenrol na rin ako ulit."
"Sure. Hind na muna ako papasok sa office para I can help you."
"Talaga?"
"Oo naman."
"Paano kung ano.. ahm.. Di natin mapigilang maging intimate ulit tapos ano.."
"Dont worry. The Holy Spirit is with us. Saka di na tayo yung magsasamang tayong dalawa lang na walang ibang tao. Tayo na lang lalayo sa tukso. We will endure this."
"Yes. We will."
I smiled at David at hinawakan ko ang kamay niya at pinaglapat ko ang mga palad namin.
"Maggie."
Alam kong nagulat ko si David pero di ako nagpatinag. Kinuha ko ang ginawa kong singsing na gawa sa crochet na ginawa ko habang nasa eroplano ako pauwi ng Pilipinas. Kanina ko pa sana ibibigay pero wala akong chance.
"David Kang, oppa, will you marry me?"
----------------------------------
MaggieKang proposes to mynameisdavidkang Hahahahahahaha. Ano masasabi niyo?
BINABASA MO ANG
Hello There, David
RomanceMaggie's love story might seem the typical one. Yung tipong loving someone who deeply loves her too, they could be a perfect pair and almost ended up together, di nagkatuluyan noong una, pero naging sila rin and then all of a sudden, at the end of t...
