CHAPTER 2

680 17 3
                                    

A/N: Hello there! Thanks you sa 68 reads! Salamat sa nagbabasa nito! Comment naman kayo tungkol sa story! Enjoy!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“IKAW?!”

“Ah masamang panaginip” Napaupo ako mula sa pagkakahiga. Mukhang pinagpawisan ako ng sobra sa masamang panaginip na yun. Di bale, minus fats naman. Grabeh naman kasi yung panaginip na yun. Sumasakit ang ulo, parang tunay ang lahat na nangyari kasi sa sobra linaw at detalye.

“Paubos na ang pera ko pero nakilala ko na ang idol kong author,  isang palang rakista, myembro ng isang banda pero itinanggi nyang siya nga ang sumulat ng libro at pinagkamalan pa akong lalaki na nalaman ko palang mamatay tao na muntik na akong ipahamak pagkatapos nakidnap ako pagdating sa apartment at nagising na nakatali at muntik na ulit mamatay nang umatake ang mga lalaking nakaitim na siya ulit ang leader. Ah…Masamang panaginip nga.” Kumbinsi ko sa sarili. Napapahid ako sa noo ko  ng pawis.

“Anong nililitaniya mo dyan ha?” Biglang bulong ng isang lalaki sa tabi ko. Muntik na akong mapatalon sa pagkapraning.

“Ay Anak ng—Aray!” Tumama ang ulo sa mababang bubong ng kwarto ko ng bigla akong napatayo. Nakalimutan kong napakaliit pala ng bahay. Ahahaha. Ang tanga mo talaga Laurence. Agad na akong bumaba ng kama.

“Pshh. Ang tanga.” Sabi ng lalaki kanina na ngayon naghihiwa ng kamatis at sibuyas sa katabing kusina lang ng kwarto ko.

“Oh. Kumain ka na.” Sabi niya habang nilalatag ang huling plato ng ulam sa mababang mesa.  Pumwesto na ako sa harap ng mesa at nagcross sit sa sahig.

“Waah. Salamat sa pagkain.” Hindi ko alam kung saan niya kinuha to dahil wala naman laman ang ref ko pero mukhang masarap ang niluto niya. Naguumpisa na akong maglaway. Pang first class tong niluto niya ah, sa TV at restaurant mo lang makikita ang mga pagkain na tulad na to! Ang swerte ko naman!

“Kainan na!!!” Wait…Teka lang. Kailan pa ako nagkaroon ng katulong?!

“WHAAAATTT?!” Sinampal ko ang sarili ko para siguraduhing nanaginip lang ako.

“ARAY! Hindi nga ako nanaginip!” Halos mamaga ang pisngi ko dahil sa sampal na ginawa ko. Walang imik pa rin siyang nakatingin sa akin.

“Sino ka?! Anong ginagawa mo dito?!” Nakasuot siya ng itim na hood at nakasalamin. Sa pananamit palang nakakapaghihinala talaga. Baka assassin to o ninja. Pero wala naman siyang dalang kahit ano maliban sa itim na jacket niya. Inabot ko ang pisngi niya para siguraduhin kung tao siya pero tinabig niya lang ang kamay ko.

“Tsk. Kagabi lang mukhang desperado at gulat na gulat ka ng makita ako ngayon nakalimutan mo na ako kaagad?!” Ha? Anong pinagsasabi ng isang to? Baka takas to sa mental at napadpad sa bahay ko? Hmm…Pwede.

I Got A GUN?! [ROMANCE X ACTION X COMEDY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon