A/N: Ano!? Fillers na naman?! Pasensya na..Wala lang maisip pang plot tong author na to. Patayin na ang author na yan! Walang kwentang Author! Asan na ang twist namin!? Pasensya na din sa pagkausap ko sa sarili ko. Sorry if this chapter sucks.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------"Laurence..." Mangiyak-ngiyayak ang lalaki sa harap ko..Teka...Teka...Shakes! Hindi ako pwedeng magkamali! Siya nga!
"KUYA CLIFF?" Nagulat ko ding sigaw habang turo-turo siya.
"LAURENCE!!!" Bigla na lang sumulpot mula kung saan si Gian at sinapak si Kuya Cliff na tumilapon sa ilang mga column ng mga groceries.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?!" Galit niyang sigaw habang hawak-hawak si Kuya Cliff sa damit.
"Sandali! Ako dapat ang nagtatanong sa iyo niyan Gian!" Pang-aawat ko sa kanilang dalawa. Mabuti at dumating na din sina Z, Andie, at Alex at tinulungan akong awatin silang dalawa. Tinulungan ko si Kuya Cliff na makatayo. Pinatinginan kami ng ilang mga mamimili sa loob ng convenience store. Tumatakbo na din ang may-ari papunta sa amin.
"Pare, ano bang problema mo?!" Pinunasan ni Kuya Cliff ang dumudugong labi niya na sinutok ni Gian.
"You." Masakit na tinignan siya ni Gian na pinipigilan ni Andie na atakehin siya ulit.
"GIAN!" sigaw ni Alex.
"Fine, I'm the bad guy here! Happy now!?" Itinabig ni Gian ang kamay ni Andie na nakahawak sa kanya at nagdabog papalabas. Hinabol ko siya bago pa siya makalayo.
"Teka! Kababata ko siya sa ampunan!" Hinawakan ko ang braso niya pero itinabig din niya to.
"Magsama kayong dalawa!" Sigaw niya nang hindi ako tinitignan.
"Ah ganun." Bulong ko. Eh di sana magsama din kayo ng Elle mo na yon! Letche! Ang gusto ko sanang isumbat sa kanya pero pinanood ko na lang siyang maglakad papalayo. Hindi na makakatulong kung dadagdagan mo pa ng pangatong ang apoy ika nga nila. Napabuntong hininga na lang ako.
"Laurence. Anong nangyari?" Tanong ni Alex habang habol-habol kami. Lumabas na din sila sa mula sa convience store.
"Hayaan mo na yung supladong yun. Malaki na yun."
"Icheck up lang namin si Gian. Mag-usap na muna kayong dalawa." Sabi naman ni Andie. Nagkatinginan lang kaming dalawa ni Kuya Cliff. Dalawang taon na din mula nang umalis siya mula sa ampunan para magtrabaho at ngayon lang ulit kami nagkita na sinira naman ng supladong Gian na yun. Aamin ko, crush ko siya noon nang sa ampunan pa kami pero ngayon, sa dami-dami ba naman ng nangyari, hindi ko na alam.
"Pasensya na sa nangyari." Wika niya para basagin ang katahimikan na namumuo sa gitna namin.
"Naku, ako pa dapat ang humihingi ng tawad sayo Kuya. Talagang sumpungin yung lalaking yun." Napahalf-smile ako. Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko. Awkward. Natahimik naman ulit kaming dalawa.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Laurence matagal na kitang hinanap mula nang umalis ka ang ampunan. Sumama ka sa akin." Seryosong sabi niya habang tinitignan niya ako ng direkta sa mga mata. Hawak-hawak niya ang dalawang braso ko.
"Ha?" Ang nagawa ko lang masabi. Ba't ambilis ata? Sumama kaagad? Ano ito, tanan?! Deeh. Sinampal ko ang sarili ko. Masyado kang assuming Laurence!
"Mukhang ambilis ata ng gusto mong mangyari Ku-Kuya." Ayan tuloy pati ako naguguluhan na din. Hinintay ko ang magiging reaksyon niya.
"Hwag mo na akong tawaging Kuya. Cliff na lang. At wala nang oras. Ilalayo kita sa pahamak Laurence...Sumama ka na sa akin." Wala akong maintindihan sa pinagsasabi niya ngayon. Anong ba minamadali niya? Ako lang o atat na siya na itanan ako? Yep, ako lang talaga.
"Pasensya na Ku-Cliff. Hindi ko magagawang sumama sa iyo ngayon. Nasa sitwasyon din ako kung saan pati ako, hindi ko din maintidihan." Sa dinami-dami ba naman ng nangyari, ngayon pa niya napiling sumulpot at malala, dumagdag pa siya sa mga pinoproblema ko.
"Mukhang wala na akong magagawa." Malungkot niya sabi habang tinatangal niya ang pagkahawak-hawak sa akin.
"Pasensya na." Malungkot din akong ngumiti sa kanya. Kung sa ibang sitwasyon kaya to nangyari, sasama kaya ako sa kanya?
"Sa oras na magbago ang isip mo, eto ang number ko." Binigyan niya ako ng isang maliit na business card.
"Ate Laurence!!" sigaw ni Z mula sa sasakyan. Napalingon ako sa umaandar na sasakyan naming.
"Hoy! Bilisan mo diyan! Iiwan ka na naming mamaya!" Sigaw naman ni Andie. Tinignan ko Gian, mukhang iniiwasan niya ako.
"Sige Ku-Cliff! Mauna na ako. Bye!"
~~
"Boss, natagpuan ko na siya..."
"Opo...kung papaano ko na lang siyang dadalhin sa inyo ang problema."
"Ako na po ang bahala Boss."
"Makakaasa kayo."
~~Matapos ang ilang oras ding biyahe, umabot kami sa tagong safehouse dito sa gitna ng kagubatan sa ilalim ng bundok. Safehouse nga pero bongga! Mukhang bahay bakasyunan ang dating! Ang gara at ang laki pa. Cabin sa loob ng kagubatan ang dating niya. Hindi nga kami madaling matutunton dito ng mga humahabol sa amin.
"Ahhh...Napagod ako dun ah." Sambit ni Z na himas-himas ang pwet niya.
"May makakain ba dito?" si Alex naman na dumiretso kaagad sa kusina.
"Oy! Maligo at magbihis na kayo pagkatapos niyan." Sigaw ni Andie na talo pa ang nanay kung mag-asikaso sa amin.
Mula kanina pang biyahe hanggang ngayon, hindi pa din ako kinakausap ako ni Gian. Nang tinignan ko siya...Aba! Umiwas ng tingin ang loko! Eh di walang kausapan! Kung batang isip siya, mas batang isip ako, walang urungan to!
"Sige, titignan ko na muna ang mga kwarto." Pa-alam ko kay Andie at lumayo na sa lokong Gian na yun.
Umakyat na ako sa second floor. Bongga! Pangmayaman nga tong safehouse! Ang daming mga kwarto. Binuksan ko ang isang kwarto para silipin nang bigla na lang may tumulak sa akin sa loob.
"Ah!" Muntik na akong madapa mabuti na lang may humatak sa akin papa-upo sa kama. Huli na ng marealize ko kung nasa anong posisyon kami ngayon ng humatak sa akin. Nang lumingon ako para tignan kung sino yun...
"Gi-Gian?!" Naka-upo ako ngayon sa harap niya. Bigla na lang bumilis anng tibok ng puso ko. O poste! Nasaan ka ba kung kailangan ko iumpog ang ulo ko?!
"Relax. We need to talk" Ipinulupot niya ang braso niya sa akin na parang nakayakap. Nanghina ang tuhod ko nang nagpumilit akong tumayo, hindi ko magawang manlaban man lang. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang init ng hininga niya sa batok ko. Unti-unti akong nanghihina sa sobrang lapit niya.
"Talk! Ilang beses ba nating kailangang mag-usap ha?! Ayoko na!" O mas tamang sabihin na ayokong harapin ang anumang katotohanan na sasabihin niya. Ayokong masaktan, ayokong umasa.
"Why can't you remember?" Mahinang bulong niya habang humihigpit ang yakap niya. Nararamdaman ko din ang mabilis na tibok ng puso niya.
"Huh?"
"That time when I said I like you, that time when we first met. Ilang beses ko bang dapat ipa-alala sa'yo? Manhid ka ba o ano?" Hindi ako manhid! Tina-try ko nga ang best ko na kausapin ka ng hindi nauutal. Nasaktan din ako ng nakita kitang hinalikan mo si Elle. Hindi ko magawang sabihin sa kanya to sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Laurence. Ang tagal kitang hinintay." Hinawakan niya ang pisngi ko at tinignan ako ng diretso sa mga mata. Ang bahid ng lungkot sa mga mata niya...ako ba ang dahilan?
"A-anong pinagsasabi mo ha?" Hindi ko man lang kayang umiwas ng tingin sa kanya.
"This whole time...I wanted to figure out...Why don't you remember me?" Malungkot siyang ngumiti at mahinang hinaplos ang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
I Got A GUN?! [ROMANCE X ACTION X COMEDY]
De TodoLaurence Rodriguez, madaldal, shunga at may sayad, madalas pagkamalang lalaki sa pangalan niya at laki ng katawan. Yep, Malaki siya. She is also an optimist writer na uma-asang makikilala niya ang hinahangaan niyang mystery novel author balang araw...