Pic: Z De Vera
Hindi ko ineexpect na makaksurvive ako sa dalawang linggong training ko kay Gian. Eto ako ngayon, parang lantang gulay at namamaga na ang buong katawan. Ah Oo, friendship na kami ni Gian! Hindi ko pa rin nakakalimutan ang promise ko dun sa gwapong Gray na yun noh. Sa dalawang linggo ko dito, away-bati pa rin ang status ng friendship namin. At sa tuwing mag-aaway kami, kawawa ang Ate niyo sa training niya.
"Tama na ang break...Bumalik na tayo sa training." Hinagisan niya ako ng maliit na baril.
"M9..." Tinuro niya ang baril na hawak-hawak ko.
"Magpapraktis ka ngayon ng target shooting." Tinuro niya ang nakahilerang mga lata 300 ft. mula sa kinatatayuan naming dalawa.
"Yan lang pala eh. Sisiw yan." Confident kong sabi kahit wala akong idea kung paano gamitin tong baril.
"Ah. Talaga?" Kinuha niya ang baril at inasinta ang limang lata sa harap gamit ang isang na kamay lang habang hindi sumasablay. Napanganga ako sa sobrang pagkamangha. Edi siya na ang genius!
"K-kaya yan!" Napalunok ako. Inagaw ko sa kanya ang baril at nag-umpisa nang magpraktis.
After 30 minutes...
"BAKIT?!!! BAKIT WALA AKONG MATAMAAN KAHIT ISA MAN LANG?" Humagalpak akong nakayuko sa sahig at umacting na parang umiiyak for dramatic effect.
"Ano ba?! Hindi kasi ganyan ang paghawak ng baril..." Lumapit siya sa akin, pumwesto sa likuran ko at hinawakan ang kamay kong may hawak ng baril. Sa sobrang lapit niya, nararamdaman ko na ang hininga niya sa batok ko. Naaamoy ko din ko din siya. Hmmm! Ang bango-bango niya!
"Dapat ganito.." Hindi na ako nakikinig sa kanya. Busy ako sa kakasinghot sa kanya. Technically, parang nakayakap na siya sa akin sa sobrang lapit niya. Bumilis na naman ulit ang tibok ng puso ko at that mere thought.
"At hwag mong ipipikit ang isang mata mo, dapat nakabukas silang dalawa. Ok. Get's mo?" Nagumiti siya, showing his deep dimples. Gwapo naman talaga siya pero ba't ata mas ang gwapo niya ngayon?
"Ah...Oo." Iniwakli ko ang mga distorbong imahinasyon ko.
"You seem out of it today. Masama ba ang pakiramdam mo?" Nilapitan niya ako at nilagay ang kamay niya sa noo ko. Hindi ko maitago ang pamumula ng pisngi ko sa kanya.
"Ah hindi.Ok lang ako." Pilit lang akong tumawa.
"Then why don't you try shooting this." Tumayo siya sa harap ko at nilagay ang lata sa ulo niya. Sinenyasan na niya akong magpaputok at tinuro ang lata. Confident ako kahit na sa-sablay-sablay ako kanina, pero biglang nanginig ang kamay ko nang tumayo na siya sa harapan ko.
"H-hindi ko kaya. Baka matamaan kita." Delikado tong pinapagawa niya sa akin! Hindi kaya ng konsensya kong makasakit o sobra pa, hwag naman sana, ang makapatay.
"Why are you hesitating?! I trust you Laurence!" Nabigla ako sa mga sinabi niya pero hindi yun sapat para tumigil ang panginginig ng kamay ko.
"Well, I don't trust myself enough!" Nangingig ang boses ko habang sumisigaw. Hinintay kong magalit siya at sigawan niya ako tulad ng dati pero bumuntong hininga lang siya.
"Tama na muna siguro to para sa araw na to." Lumapit siya sa akin at nilagay ang kamay niya sa ulo ko. Naglakad siya papalabas ng shooting range at nasa likuran naman niya ako na sumusunod. Humigop muna ako hangin bago ko siya hinabol. Hinablot ko ang damit niya at napatigil naman siya ng pagalalakad.
"I'm sorry." Nakayuko kong bulong.
"It's Ok." He ruffled my hair.
~~
BINABASA MO ANG
I Got A GUN?! [ROMANCE X ACTION X COMEDY]
De TodoLaurence Rodriguez, madaldal, shunga at may sayad, madalas pagkamalang lalaki sa pangalan niya at laki ng katawan. Yep, Malaki siya. She is also an optimist writer na uma-asang makikilala niya ang hinahangaan niyang mystery novel author balang araw...