CHAPTER 13

240 7 3
                                    

A/n: I just love writing an author's Note every chapter kaya tulad ngayon maglalagay ako ng author's note kahit wala lang talaga akong masabi. Patayin na ang author na yan! Author's note na lang ang babasahin namin!,
-------------------------------------------------------------------------------------------------------

"This whole time...I wanted to figure out...Why don't you remember me?" Malungkot siyang ngumiti at mahinang hinaplos ang pisngi ko. Wala akong ideya sa mga pinagsasabi niya. Maliban sa pangyayari matapos kong lumabas ng ampunan, wala na talaga akong ma-alalang importanteng bagay na may kinalaman sa kanya.

"A-anong..." Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla niya akong hinalikan. Naramdaman ko ang sobrang init ng pisngi ko sa marahang pagdikit ng mga malambot niyang labi. Nabobobo ako ng disoras sa mga pinagagawa niya sa akin. Idinikit niya ang noo niya sa noo ko at tinignan ng diretso sa mga mata. Pakiramdam ko parang matutunaw ako sa mga tingin niya.

"Remember it or I'll kiss you over and over again..." Mahina niyang bulong. Sheeet!! Paano ko ma-aalala kung ganito kabilis ang tibok ng puso ko at kagulo ang pag-iisip ko!?

"Remember that promise eighteen summers ago..."

~~
."Laurence, halika..." tawag sa akin ni Daddy habang papasok kami sa isang malaking mansion.

"Anong ginagwa natin dito Daddy?"Tanong ko sa kanya habang pinagmamasadan ang paligid. Napaganda nito at napapalibutan pa ng iba't-ibang bulalak ang daan papasok dito at may malaking fountain din sa harap.

"May kakausapin lang ako sa loob. Hintayin mo ako dito sa labas ha? Hwag kang maglilikot. Baka mawala ka." Ngumiti siya at hinawakan ang ulo ko.

"Ok Daddy..." Pumasok na si Daddy sa loob at naiwan naman ako dito sa labas. Umupo ako sa swing habang hinihintay siya.

"Hoy bata! Anong ginagawa mo dito?" Biglang may sumulpot na bata sa harap ko.

"Bata? Eh bata ka din naman ah!" Sagot ko.

"Hindi na bale. Anong ginagawa mo dito?" Mukhang hindi na siya galit.

"Hinihintay ko si Daddy? Eh ikaw?" Tanong ko sa kanya.

"Naglalaro..." Mahina niyang sagot.

"Naglalaro? Eh ba't mag-isa ka lang?"

I Got A GUN?! [ROMANCE X ACTION X COMEDY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon