A/N: Sorry for the long wait!!! Waah! New year na! Hindi pa din ako nakakapagstart mag-aral para sa exams. Ang hilig talaga ng teachers magbigay ng exam after vacations. Namiss nila kami siguro sobra! O baka namiss nila magbigay ng exam. Haay ewan.
Deeh. One year na pala ang naka lipas ng simulan ko ang book one nito hanggang umabot dito! Yay! Thanks sa support, sa lahat ng votes at comments! You know who you are!
Haay. Sana matapos ko na silang lahat this year XD I hope, kasi mukhang magiging super busy na kami pagdating ng fourth year. XD Haha. Pasensya na sa mahabang A/N. Eto na siya!!!
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------"Uhh..guys...I hate to break this to you but..." Bigla na lang may malakas na pagsabog ang nangyari sa ilalim. "Napapalibutan tayo ng kalaban."
Napatayo kami bigla ni Gian.
"Gi! Ang dami nila! Mukhang mahihirapan tayo nito! Andie's preventing them from advancing." Biglang sumulpot si Z na may hawak-hawak nang baril.
"Alex, take Laurence to the car! Susunod na lang ako. Z sumunod ka na din sa kanila." Sabi ni Gian. Inabutan siya ni Z ng baril niya.
"Teka! Tutulong ako!" Hindi man ako magaling sa baril o pakikipaglaban pero sa tingin ko handa na ako. Ayoko ko ng maging pabigat pa sa kanila.
"This is not practice anymore Laurence! Muntikan ka nang mamatay doon." Nag iba ang ekspresyon ni Gian. Mukhang nag-alala nga siya.
"Pero—"
"Just trust me Laurence, I won't let them get you... Here's an M16." Inabutan niya ako ng isang maliit na baril.
"Alex, you go ahead if Andie and I can't make it." Tumango lang si Alex sa kanya.
"Halika na Laurence!" Sigaw ni Alex at hinatak na ako papalabas.
Lumingon ako ng huling pagkakataon sa kanya habang nagsusuot siya ng isang bulletproof vest.
"Gian, mag ingat ka!"
"I won't die. I promise." Huli kong nakita ang ngiti sa mukha niya para sa akin.
Malakas na ang palitan ng putukan ng makarating kami sa sasakyan sa likod ng Cabin. Pinaandar na ni Alex ang makina ng sasakyan.
"Teka! Hindi ba natin sila hihintayin?" Hinawakan ko ang kamay niya na nakakapit na sa manibela.
"Wala nang oras Laurence! Maabutan na nila tayo!" Galit na sigaw niya.
"Pero nandun pa sila sa loob!" Paki-usap ko sa kanya.
"Tama siya, Laurence. Hindi natin pwedeng ikompromiso ang sakripisyo nila Gian at Andie." Hinawakan ni Z ang kamay ko. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito si Z ka seryoso. Tinignan ko lang si Alex.
"Tawagin niyo akong selfish pero nag-aalala ako sa kanila! Hindi ka ba nag-alala para sa kanila o sa kakambal mo man lang?!" Sigaw ko kay Alex. Hindi niya ako sinagot. Natahimik siya ng ilang segundo.
"They're tough. I know they can make it that's why we'll wait a bit for them." Nabuhayan ako sa narinig ko mula sa kanya.
"Salamat Alex." Niyakap ko siya ng mahigpit.
"It's still too early to thank me, Lory." Sagot ni Alex habang kinakasa ang hawak na baril.
"May papalapit na kalaban!" sigaw ni Z at binaril ang lalaki sa ulo.
"Shit! Ang bilis ata. Ba't wala pa sila Gian?!" mura ni Alex habang nakapwesto din at pinagbabaril ang mga kalaban na sumulpot.
"Ayan na sila!" Nakita ko si Gian mga sampung metro pa ang layo sa amin at si Andie na nakasunod sa likuran niya nang biglang may isang lalaking akma siyang babarilin mula sa kaliwa niya.
BINABASA MO ANG
I Got A GUN?! [ROMANCE X ACTION X COMEDY]
De TodoLaurence Rodriguez, madaldal, shunga at may sayad, madalas pagkamalang lalaki sa pangalan niya at laki ng katawan. Yep, Malaki siya. She is also an optimist writer na uma-asang makikilala niya ang hinahangaan niyang mystery novel author balang araw...