CHAPTER 3

709 18 3
                                    

A/N: hello there! Thanks for the 300 plus reads. Hwag mahiyang magcomment :)

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sampalin niyo na ako! Nasa langit na ba ako?! Gate pa lang ang lapad at ang laki na! Ang lapad pati ng lawn! Ilang football field ba ang kasya dito?! May sarili pang garden at forest dito sa loob! Ay ayun oh! May swimming pool at golf course din! At itong mansion na to...Akala ko sa Princess Sarah ko lang to nakikita, may ganito bang klaseng kayaman na artista ngayon! Ba't hindi to nakasulat sa mga mapa to?! Isang rehiyon ata ang laki nito eh!

Panira lang nga mood at ganda ng bahay ang hindi mabilang na mga lalaking naka-itim at may hawak na mga baril. Halos lahat ng sulok hindi sila mawawala. Sobrang ata higpit ng mga bantay dito, kahit kakamot lang ako ng ulo masakit ang mga tingin nila sa akin na animo'y may masama akong binabalak. Wala naman akong masamang plano maliban sa angkinin tong mansion na ito at siguradong naman ako na wala akong kalaban-laban kung sabay-sabay nila akong babarilin.

"B-bahay mo to?! Anong ginagawa natin dito?" Namangha ako sa na kita. Nakadisenyo ang bahay nila tulad ng mga old englsih house na pangmayaman sa London. Yep, yung parang dinadausan ng ball ni Cinderella ang peg ang bubungad sa iyo pagpasok mo. Nakaframe isa-isa ang mga mukha nila sa mga pader at may isang malaking painting sa center mismo na magkasama silang lahatna makikita mo pagpasok mo pa lang. Maliban sa mga painting, may mga baril ding nakasabit at nakadisplay sa bawat sulok. Mga warfreak bang nakatira dito?

"Gusto mo bang malaman kung anong kinalaman mo sa mga humahabol sa iyo o hindi?!" Ayan na naman siya. Nag-uumpisa na namang magsungit to sa akin. Akala mo kung sinong matandang babaeng nagmemenopause.

"Relax lang. Masayado ka namang high blood eh..."

Sinundan ko lang siya kung saan papunta. Ayoko kong mawala sa pagkalapad-lapad na bahay na to noh. Hindi ko na napapansin kung saan na kami umabot sa kakalakad sa napakahabang pasilyong to nang napasok kami sa isang kwarto. Napakalapad ang napasukan naming kwarto, mukhang kasya nga dito ang isang bahay kung titignan, kumpleto din sa mga gamit, may living room, kusina at sariling banyo din. Pero what caught my attention was the musical instruments sa center. Kumpleto, may piano, acoustic at Stratocaster na guitar, drums at iba. May mga trophy din at medals na nakasabit sa dingding ng kwarto. Patuloy ko lang na sinundan si Gian kung saan sa papunta.

"Oi, andito na ba ta-A-anong ginagawa mo?!" Hindi ko inaasahan na bigla na langa siyang naghuhubad sa harap ko. Wala na siyang damit maliban sa boxers at kitang-kita ang pangmodel, deh talo ang mga model dito, na mga muscles at abs. Napalunok ako dahil mukhang natutuyo ang lalamunan ko sa mga nakita ko. Pinahiran ko na din ang noo ko na malabutil na ang pawis.

"Anong problema mo?!" Sabi niya nang akma na sana niya ibababa ang boxers niya.

"Bakit ka naghuhubad?!" Sigaw ko habang tapal-tapal ang mga mata ko, daw. Hihi. Sulitin na natin. Minsan lang to. Ah! Laurence! Ang sama mong bata ka! Hindi yan tinuro sa iyo ni Sister sa ampunan!

"Malamang magbibihis." Blankong ekspresyon na at magpapatuloy na sa paghuhubad.

"Ahhh!! Ba't ngayon mo pa naisip na magbihis!!" Napatigil siya sa ginagawa niya at tinitigan lang ako mula ulo hanggang paa. Napatakip naman ako ng katawan ko. Hindi lang pala to mamatay tao, manyak pa! Ano pa tong pinasok ko!

"Wala akong planong atakehin ka. Sinong naman sa tingin mo ang matinong papatol sa iyo? Tss..."

Binato ko siya ng tsinelas ko bago pa siya may masabing hindi ko pamagustuhan at dali-daling tumakbo sa pintuan.

I Got A GUN?! [ROMANCE X ACTION X COMEDY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon