CHAPTER 10

370 13 6
                                    

A/n: back to writing action business dahil medyo natanggal ang block ko. Sana mag enjoy kayo! Dont forget to leave a comment!
------------------------------------------------------------------------

"Saan ka sa tingin mo pupunta?!"

Napalunok ako habang tinitignan ko siya, nag-umpisang umarangkada ang puso ko sa kaba. Mariin niyang itinutok ang maliit na pistol niyang hawak sa ulo ko at kinalakad ako pabalik ng kwarto ko.

"I always thought you were suspicious enough." Sabi niya habang nakatutok pa din ang baril sa akin at binuklat ang dala-dala kong folder. Nakita kong pinagmasdan niya ang litrato kung saan kasama siya ni Enriquez.

"Pwes, pareho tayo ng hinala sa isa't-isa." Pilit kong tinago ang panginginig sa boses ko.

"Tsk, I'm not careful enough." Pinunit niya ang hawak-hawak niyang litrato.

"Sabihin mo sa akin ang totoo, nagtatrabaho ka para kay Enriquez hindi ba?! Hindi ako nagkakamali." Buong tapang ko siyang tinignan diretso kahit sa loob-loob ko parang makina na sa bilis ang tibok ng puso ko.

"Oh well, mukhang nabuko na ako but it's ok. Tapos ko na din namang itanim ang mga bomba dito."

Anu daw?! Bomba?! Tsk! Nasapanganib ang lahat na nandito ngayon! Iwinagayway niya ang hawak niyang device na detonator siguro ng mga bomba.

"Let's watch together the Fiamme they loved so much crumble into ashes." At tumatawa siya ng napakasama. Hindi lang ako pwedeng tumayo dito at hayaan siya sa mga plano niyang gawin. Malaki ang utang na loob ko sa Fiamme. Kung may pipigil man sa kanya, ako yun. Hindi na ako magpapadala sa takot! By instinct at sa ilang buwan din siguron pagsasanay, sinipa ko ang hawak niyang detonator pero naka-ilag siya. Agad kong pinutirya ang hawak niyang baril at nakipag-agawan sa kanya nito. Nagpagulong-gulong kami sa sahig habang pinag-aagawan ng baril. Pinilit kong abutin ang gatilyo nito at itira ang mga bala nito sa mga furniture para mabigyan ng babala ang mga tao sa labas sa mga nangyayari sa amin dito sa loob.

"You bitch!" galit niyang sigaw habang siniko niya ako sa sikmura. Napahawak ako sa tyan ko sa sobrang sa sakit at halos hindi na makagalaw. Hindi ko namalayan na nakatayo na pala siya at itinutok ang baril sa akin. Bago pa niya makalabit ang baril, kahit masakit pa ang mga kalamnan ko, gumulong ako para umilag at mabilis na tumayo. Tsk, wala akong laban sa armadong tulad niya! Hinawakan ko ang namamaga kong sikmura at pinahid ang dugo sa pisngi ko nang bumigay ang mga tuhod ko at napaluhod na lang bigla sa sahig. Tsk, bakit ngayon pa?!

"Tapos ka na." Nakangiti niyang itinutok ang baril niyang hawak sa akin. Napalunok ako. Katapusan ko na ba? Hindi ko pa nabibigyan ng hustiya ang ama't ina ko pero mukhang wala na akong magagawa. Patawad Nay, Tay. Hindi na ako makakalaban pa. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko habang ina-alala ang mga huling sandali ng idol ko na character sa paboritong libro ko.

"Go ahead...Fire!" Buong puso kong sigaw pero kasabay nito ang malakas na tunog ng bumukas na pinto. Napamulat ako ng mata.

"LAURENCE!" mabilis na bumukas ang pinto at iniluwa si Gian na may hawak-hawak na baril.

"GIAN umilag ka!!" Pina-ulanan siya ng bala ni Elle pero nakapagtago siya sa likod ng pinto.

"Elle?!" nabiglang expression ni Gian nang makita niya si Elle na may hawak na baril at nakatutok pa sa akin.

"Gian! Nagtatrabaho siya pa-" bago ko pa matapos ang sasabihin ko, pinutol niya ako sa pamamagitan ng pagsipa sa akin ulit sa sikmura. Napahawak ako sa sikmura ko sobrang sakit. Nasaan na kasi ang fats kung kailangan mo ng pansangga? Mga walang kwentang abs to! Napadura ako ng dugo.

"TAHIMIK!" galit na sigaw niya. Sa sobrang sakit na nararamdaman ko, parang ilang minuto na lang mawalan na ako ng malay sa tingin ko. Nag-uumpisa na ding maging manipis ang paghinga ko.

I Got A GUN?! [ROMANCE X ACTION X COMEDY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon