Pic: Alex Montreal
"HOY BUMALIK KA DITO!!!" Pagbukas ko pa lang ng pinto ng mansion, agad nitong inuluwa ang isang taong tumatakbo at nagmamadali na animo'y may gustong pumatay sa kanya. Hindi ko siya namukahaan ng matagal pero mahaba ang itim niyang buhok na hindi nakatali, but it surprisingly looked good on him.
"NICO EUANNE REYES!!! BUMALIK KA DITO!!!" Ah. So yun pala ang pangalan ng gwapong lalaking yun. Agad naman akong na OP dito sa mansion na to. Lahat sila mukhang mga diyos at diyosa, ako naman, mukhang diyosa din, Diyosa ng kusina nga lang. At eto din ang isa pang biniyayaan ng kagandahan. Teka, mukhang nakita ko na siya ah. Kamukha niya si Gray. Ah! Siya yung babaeng kakambal ni Gray! Siya siguro tong sinasabi nilang supermodel na si Gia? Ohmayghad! Si GIA! Fan niya ako!
"GIA! PAPICTURE! PENGE DIN NG AUTOGRAPH MO!!! AHH!!" Sinalubong ko siya. Hindi ko napansin na may hawak-hawak siyang mahabang shot gun habang tumatakbo. Napa-atras ako ng disoras kaya natumba ako at nagpagulong-gulong sa sahig. Napahinto siya sa pagtakbo at tinulungan akong tumayo. Ang bait niya!
"Oops. Sorry! Later! May Fiance pa akong kailangan habulin. Bye!" At nireload na niya ang hawak niyang shotgun at tumakbo papalabas ng mansion.
"NICO!! BUMALIK KA DITO!!" Maririnig mo dito ang putukan mula sa labas. Kawawang lalaki. Sana walang mangyaring masama sa kanya. Sayang ang genes niya no!
"You must be Laurence?" An old but a goodlooking man approached me. Hindi ko na kailangan pang malaman pa kung sino siya. He looked like an older version of a Fontana. Siya malamang ang ama nila.
"Ah. Opo."
"I'm Don Miguel Giussepe Fontana. Ninth Boss of Arma Fiamme Morte." Inabot ko ang kamay niyang nakalahad sa akin.
"Why don't we have tea inside? I know you have so many questions." Nakangiti lang siya. Mukhang mabait naman siya at wala naman siyang sigurong gagawing masama sa akin no? At isa pa, tea...siguradong may pagkain doon! Pagkain nandiyan na ako!
Sinundan ko siya at pumasok kami sa loob ng isang kwarto. Puno ng mga libro ang loob nito. Parang isang malaking library sa loob ng isang malaking bahay. Naupo ako sa sofa sa gitna habang may naka-upo siya sa harap ko. May pumasok na lalaki at inilagay ang tsaa sa mesa at iba't-ibang sweets at dessert na kasama nito. Wala nang hiya-hiya to. Inumpisahan ko na silang papakin lahat. Nag-umpisa na din siyang magkwento.
"Nagretire na ako pero bumalik ako dahil ayaw na ng isang anak ko na maging Boss. I know he never wanted to become one pero pinilit ko pa din din siya. Pero ngayon ok na naman, mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ang pamilya niya..." Mula sa seryoso, biglang nag-iba ang ekspresyon niya.
"...at napakacute kong mga apo! Magk-indergarten na si Raye pero pinag-aagawan na ng mga kaklase niyang babae. Ang Kambal naman na si Mikael at Gabriel, mana sa tatay nila noong maliit pa, sobrang kulit! Pero sing talim din ng bunganga nila ang nanay nila. At ang bunso nilang babaeng si Mina, genius sa edad na dalawang taon, nagbabasa na ng libro! Sa wakas tinawag din niya akong Lolo kanina may Matandang Hukluban nga lang na kasama. Ang cute talaga nila! Ewan ko ba kung kailan ako bibigyan ng apo ng iba ko pang mga anak."
"Ehem...enough of the story telling. So do you have anything to ask?" Bumalik na din siya sa pagiging seryoso.
"Ahh...pwede niyo po bang maexplain kung anong klaseng organisasyon ang Fiamme?" Yeah. Matagal ko nang iniisip to pero hindi ko pa din magets kung anong klaseng organisasyon to.
"We are a bunch of killers. That, I'm sure, you know." Dire-diretso niyang sagot habang nakatingin nang direkta sa mata ko. Seryoso na talaga siya. Tumango na lang ako.
BINABASA MO ANG
I Got A GUN?! [ROMANCE X ACTION X COMEDY]
RandomLaurence Rodriguez, madaldal, shunga at may sayad, madalas pagkamalang lalaki sa pangalan niya at laki ng katawan. Yep, Malaki siya. She is also an optimist writer na uma-asang makikilala niya ang hinahangaan niyang mystery novel author balang araw...