Pic: Andie Montreal
"...AT...FIFTY!!!" Hinihingal na ako at parang isang baldeng pawis na ang tumulo mula sa akin pagkatapos kong magpush up ng limapung beses.
"AHH!! TAMA NA! AYOKO KO NA! PAGOD NA AKO!" Reklamo ko sa dalawang trainer ko pero mukha atang di sila kumbinsido sa performance ko. Aba,himala nga at naka fifty push up pa ako, hindi nga ako marunong niyan eh.
"HA?! Hindi ka pa nga naka sampung minuto pagod ka na?!" Pasensya na po Madam Yellow, hindi po ako kasing sexy at athletic ng katawan niyo, taba po ang laman ng tyan ko. TABA.
" May plano ba kayong patayin ako ng maaga?!"
"Hindi maghihintay ang mga gustong pumatay sa iyo kapag napagod ka." Sabagay may point tong gwapong Mark na to. Anubayan, hehe, magaganahan akong magpraktis sa kanya kapag ganito eh. Huy Laurence! Umayos ka!
Nagpout na lamang po ang Lola niyo nang biglang tumunog ang metal na pinto nang bumangga ito sa dingding pagbukas nito. Tumambad ang, Shakes! Ang sexy niya! Walang suot kundi itim na jersey shorts at puting cotton shirt na si Gian. Sinampal ko ang sarili ko. Baka naman nanaginip lang ulit ako.
"Mark, Yellow. Tama na muna yan. Makaka-alis na kayo." Woo! Para siyang perperktong model habang nakangiti. Kahit anong suotin niya, siguradong bagay sa kanya. Hindi mai-alis ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko nga napansin na umalis na pala ang dalawang trainer ko. Teka...umalis na sila?!
"GIAN!!!" Umarangka ako at tumakbo papunta sa kanya.
"O? Ba't parang nakakita ka ng pagkain?!" Nabigla ata siya sa ginawa ko kaya napa-atras siya bigla kaya nadapa kaming dalawa at ako, oo, ang mabigat na ako ang nasa itaas niya.
"My savior!" Pero walang akong pake, patuloy ko pa din siyang inatake ng yakap.
"Bitawan mo ako." Tinulak niya ako papalayo at nag-umpisa na namang magbanggaan ang mga kilay niya.
"Anong savior?! Ako ang magt-train sa iyo. Mag-umpisa ka nang magpush up ulit. Give me 100. Pagkatapos nun, tatlumpung laps ng jogging, training sa basic ng martial arts, syempre walang break..." Hindi ko na narinig ang iba pa niyang sinabi.
"ANO?!" Nanay at Tatay ko na nasa langit. Akala ko anghel, yun pala, demonyo! Ano ba tong pinasok ko?! Kung nandyan man kayo, paki-resbak naman oh
~~
"ARAY! ANG SAKIT SAKIT NG KATAWAN KO! HUMANDA KANG GIAN KA!" Maluluha kong hinagod ang likuran ko at mga binti at braso na namamaga sa sakit.
"Ok lang yan Laura. First day mo pa lang naman eh. Masasanay ka din." Oo, sanay na akong palagi mong kinakalimutan ang pangalan ko. Sabi ni Z natural lang daw yun, kapag apat na oras na hindi kami nagkikita ni Alex, may posibilidad talagang makalimutan niya ang pangalan ko. Tinignan ko lang siya. Kawawang babae. Tinapik-tapik niya ang likuran ko. Mabuti naman at hindi niya nakakalimutang huminga.
"Ate Alex, Laurence ang pangalan niya, hindi Laura." Sabi ni Z na pinapakintab ang hawak niyang baril. Kanina niya pa tong pinupunansan. Pwede mo na ngang gawing salaaming ang hawak niyang baril eh, pero ayaw pa din niyang tumigil. Malamang inaatake na naman ng pagkaOCD niya.
"Ano ka ba Y, alam ko no." nahihiyang tawa ni Alex at saka pinapak ang hawak niyang chocolate bar para sa hapunan niya daw.
"Ate, Z ang pangalan ko, hindi Y." blankong wika ni Z.
"Ehe. Ganun ba?" Naghalfsmile at nagpeace sign lang si Alex.
"Eto, hot compress at ibuprofen para sa pananakit ng katawan mo. Baka nagkakamali ka nang akala, pinadala lang sa akin ni Yellow yan." Eto namang isa, sabi naman nila Alex at Z, mabait namang tao tong si Andie, hindi lang daw niya alam kung papaano ipakita, kasi mahiyain daw siya at yan lang ang alam niya para iexpress ang sarili niya kaya ayan, napagakakamalang suplado.
BINABASA MO ANG
I Got A GUN?! [ROMANCE X ACTION X COMEDY]
DiversosLaurence Rodriguez, madaldal, shunga at may sayad, madalas pagkamalang lalaki sa pangalan niya at laki ng katawan. Yep, Malaki siya. She is also an optimist writer na uma-asang makikilala niya ang hinahangaan niyang mystery novel author balang araw...