A/N: Thanks @JanieChibe_09 sa dedication! Basahin niyo ang book niya na Aphrodite series! Sorry sa short UD!
---------------------------------------------
Hanggang ngayon hindi ko pa din nakakalimutan ang mga nakita ko noong araw na yun. Si Gian at si Elle... May kung ano sa dibdib ko na parang sinasaksak. Hindi to pwede, bakit ako nagkakaganito? Kung hindi lang sana akong usyusera. Tsk, sinisisi ko talaga ang sarili ko. Sinampal-sampal ko ang sarili. Umayos ka Laurence! Anong nangyayari sa iyo?! May kumatok sa pintuan ko kaya kaagad ko namang binuksan to. Okay, act normally Laurence. Hwag mo akong bibiguin. Nakangiti pa ako ng buksan to pero nang makita ko si Elle pala sa ang sa harapan, sumimangot ang inner goddess ko.
"Hello! Hindi pa pala ako nagpapakilala sa iyo, ako nga pala si Elle." Nakangiti niyang inilahad ang kamay niya sa akin.
"Laurence...Laurence Rodriguez." Inabot ko naman ang kamay niya at ngumiti.
"How odd. Magka-apelyido pala tayong dalawa. I'm Elle Rodriguez. Hindi naman siguro tayo long lost sister ano?" natatawang sabi niya.
"Hindi naman siguro. Nag-iisang anak lang kasi ako eh." Naki-tawa din ako. Anubayan ang plastic ko! Ang dami ko nang kasalanang ginagawa ah. Napatigil siya sa pagtawa at biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.
"Diretsahan ko tong sasabihin para maintindihan mo...Layuan mo si Gian." Seryoso niyang salita. Nabigla ako sa mga narinig kay Elle.
"A-anong ibig mong sabihin?" Baka may nakakahawang sakit yung isa? May TB, pneumonia, o EBOLA ba yung kumag na yun?! Aba kahit wala pa, hindi na ako lalapit dun kahit kailan.
"Nauna ako sa kanya.Remember your place here." Tinignan niya ako ng masama. Sa tingin pa lang niya alam ko na ang pwede niyang gawin sa akin, at mas malala pa, alam kong wala akong binatbat sa kanya.
"Ayy!!Ang drama!! Ano ito marathon?! Eh di sa yo na! Aanhin ko namang kumag na suplado na yan? Maiistress lang ako diyan! Naku...magkakawrinkles ako ng disoras. Sayo na siya buong-buo! Wala akong interest sa kanya noh! Never. Sayo na! No return no exchange ha!" Naka-half smile ko pang tawa pero sa loob-loob ko...Ayy! Ano ba tong mga pinagsasabi ko?! Baka mainis pa to at itsugi ako mamaya! Nakacross fingers ang mga daliri ko nakatago sa likod ko.
"Good. Mukhan madali ka namang kausap eh." At tumawa na siya ulit. Maganda siya sana pero may itinatagong inner bruha! Pag nalaman kaya to ni Gian baka-ay bahala siya! Basta hindi na ako lalapit sa kanya kung gusto ko pang mabuhay.
"So I just came here to tell you that. Remember it. Bye Laurence!" Agad din siyang umalis. Nakahinga ako ng maluwag.
"Bye Elle!" Minadali kong isinara ang pinto ko nang nakalabas na siya. Mabuti na yan at hindi na naming kailangang mag-usap. Bwahaha! Pero, ano itong nararamdaman ko? Napahawak ako sa dibdib ko. Kaba, sakit, may kung anong bumabagabag sa akin.
~~
So ang kwento ng bruha kung bakit siya nawala ng three years ayon sa kanya; pagkatapos silang maambush noon, iniwan na lang siya basta-basta ng mga kalaban habang nagpapanggap na patay nang hinahabol siya ng mga ito. Nang maka-alis na nga sila, tinangka niyang bumalik sa grupo nila Gian, pero dahil sa sugat niya, nawalan siya ng malay. Paggising niya, nakalimutan niya kung sino siya. Tatlong taon din siyang nanatili sa mga kumupkop sa kanya. Yan ang sabi niya with matching drama, facial expression, action, at kung ano pang kaek-ek-kan.
BINABASA MO ANG
I Got A GUN?! [ROMANCE X ACTION X COMEDY]
AléatoireLaurence Rodriguez, madaldal, shunga at may sayad, madalas pagkamalang lalaki sa pangalan niya at laki ng katawan. Yep, Malaki siya. She is also an optimist writer na uma-asang makikilala niya ang hinahangaan niyang mystery novel author balang araw...