PROLOGUE

2K 28 3
                                    

A/N: Hello! Welcom to my new book! Si Gian naman at si Laurence at Bida. Syempre hindi pa din mawawala sina Red at Gray. They'll make an appearance later sa ibang mga chapter. Kaya kung hindi niyo pa sila kilala, basahin niyo din ang Book 1 nito, My Girl Got a Gun?! Thank you! Enjoy!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

                Aray! Anak ng!  Joke lang. Hindi ako marunong magmura, baka sabihin niyo BI (bad influence) ako. Hindi ah. Hehe. Pero FC lang ako. Oo feeling close. Kaya naman…

Friend~! Tulungan mo naman akong tumakas dito! Hindi ko alam kung nasaan ako! Nakatali ako at hindi makatakas! Waah! Parang awa mo na!

Masang-sang na patay na isda at parang bulok na medyas ang amoy na bumabalot dito sa loob. Natitibag na din ang malumot at naninilaw na pader at kasalukyang may tumutulong hindi ko alam kung tubig o---ayoko ko nang isipin pa kung ano, sa mukha ko kaya naman pamulat ko ng mga mata ko, tumambad agad ang hindi kanais-nais na tanawin na ito sa mukha ko.

Malay ko bang pagising ko nakatali na ako dito sa kina-uupuan ko at may tatlong lalaking gurang ang may pulang nanlilisik na mata ang nakatingin sa akin!? Oo, na try ko na silang banatan, makipagFC, tarayan at kung ano-ano pa pero wala eh takot ako sa hawak nilang baby…baby armalite. Wala naman akong kasalan sa kanila, kinaladkad lang nila ako papunta dito. This is it! Puno na ako! Nalabag na ang human rights ko!

Hoy manong! Tatawag ako ng abogado! Pag-usapan nating mabuti to!”

Napatingin sa akin ang isang mamang may hawak na baril. Ang dalawa niyang kasamahan busy pa din sa paglalaro ng baraha.

“Hmmp.” Napangisi lang siya habang tinitignan ako.


                 “Hindi ako titigil sa kasisigaw!  TULONG! TULONG! TULONG!!!”

“Walang makakarinig sa iyo dito. Nasa gitna tayo ng kawalan.”

 

“Wala akong paki-alam! TULONG!!! Tulungan niyo ang kawawang, walang laban at minaltrato na katulad ko!!!! TU-

Wala pa ngang isang minuto akong sumisigaw, umalingaw-ngaw na agad ang malakas na putukan sa labas. Umarangkada na naman ang tibok ng puso ko. Eto na baa ng katapusan ko?! O bakit!? Hindi ko pa nga nakikita ng personal ang idol kong writer tapos kukunin na ang buhay ko?! Hindi ba’t napaka-unfair?! I’m too young to die!!!

“Walang kikilos!” Tumalsik ang pintuan at tumihaya ang dalawang lalaking nagbabantay. Isang grupo ng mga naka-itim at nakamaskarang mga lalaki na  may hawak ng baril ang pumasok sa pinto.

“Nalintikan na! AHH!!—“

Parang huminto ang takbo ng isipan ko nang makita kong paano barilin at tumagos ang bala sa bungo ng mama sa harap ko mismo. Hindi ko napigilan. Kahit walang laman kahit konti ang tyan ko, nasuka pa rin ako sa nakita ko. Nangingisay na humagalpak ang bangkay sa sahig habang tumalsik sa mukha ko ang dugo niya.

Hindi ko alam kung mabilis ba ang paghinga ko o humihinga pa ako lagay na to. Napuno ng putukan ang loob ng kwarto. Isa-isa nilang pinatumba ang mga lalaki kanina, at ngayon, halos mapuno na ng dugo ang buong silid.

“I found the target!” Sigaw ng kasamahan ng mga naka-itim na lalaki nang makita niya ako.

Ganito ba magtatapos ang buhay ko?! Palapit na akin ang kasamahan niya. Wala na bang palugit gaya sa mga bibitayin na pinapakain muna ng mga paborito nila bago isilya elektrika? O nasobrahan lang talaga ako sa pagbabasa ng mga libro?

“Waag! Parang awa mo na! Ayoko pang mamatay! Gagawin ko ang gusto niyo! Wag niyo lang akong patayin!”

“What the hell are you saying?!” Napatigil ako ng hubarin na niya ang itim na masakara na suot niya. Pakiramdam ko nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

“IKAW?!”

I Got A GUN?! [ROMANCE X ACTION X COMEDY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon