Chapter 4.1

399 13 4
                                    

A/N: First part of Chapter 4. Yeah. I know. Sorry for almost a month of waiting. Summer School busy pa din forever. Sisihin tong utak na to! Grabeh ang writers block ko. May mga panahon ding nawalan ako ng ganang magsulat. Inuumaga na ako kakamarathon ng anime para lang

Next part maybe tomorrow. Or if not, within this week.

-------------------------

"Ha one...Ha two...ha ha...thr-AYOKO NA!!!"

Malakas na lumagapak ang malabot kong katawan sa sahig. Hinahabol ko na ang hininga ko at punong-puno na ng pawis ang katawan ko.


"Kakaumpisa pa lang natin at jumping jacks pa lang hindi ka man lang umabot ng lima?!" Etong trainer ko naman, hindi na naawa sa akin. Kitang baguhan lang ako eh. Newbie pa lang po! Anong inieexpect mo?! Magkungfu exhibition ako gaya ni Jackie Chan sa harap mo?!

"Ahehehe". Napahalf-smile ako ng disoras.Sa katunayan, kaka-umpisa ko pa lang ng training, oo, ngayon lang mismo, wala pang limang minuto. Okay happy ka na? So back to the topic. Bale, warm-up pa lang tong ginagawa ko. Determindo kasi akong sunugin ang lahat ng taba na nakakapit sa katawan ko no. Hehe, pero ang hirap talaga nitong jumping jacks. Nakikisabay pa sa talbog tong bilbil ko eh. Ano ba yan. Nakakahiya.

"Pero..." I pouted. Pagpapa-cute ko dito sa trainer ko. Mark daw ang pangalan niya. Hihi. Ang gwapo kasi. Pero mukhang atang suplado ang lahat ng lalaking nakatira dito eh. Hmmp! Minus pogi points ka saken Kuya!

"No buts in here.. Now, give me ten push ups." Singit ng isang babaeng blonde mula sa likuran niya. Kasama din siya sa training ko. Yellow daw ang pangalan niya. Aba, mukhang badmood ata tong si Ate eh. Magkadikit na halos ang kilay niya. Anong na naman ginawa kong masama?

"What?!" Napanganga ako. Jumping jack nga lang di ko na kaya, push up pa kaya?! Ilagay niyo na lang kaya ako sa dram at pagulong-gulongin? Mukhang kaya ko pa yung gawin eh. On second thought, mukhang di din ako kasya sa dram. Hehe.

"Nagrereklamo ka? plus fifty push ups. Hala, sige umpisahan mo na." SIge,pagtulungan niyo pa akong dalawa.

Ahh! Bakit ba ako umabot sa ganito!?

3 hours earlier~


"Gusto ko silang ipaghiganti."


Tahimik lang ang buong kwarto. Gin was staring at me intently. Pinag-aaralan ng husto ang magiging reaksyon ko. Inilagay ko ang lumang journal na hawak-hawak ko sa mesa at huminga ng malalim.

"...Ang gusto kong sabihin pero mukhang wala naman akong laban sa kanila, at isa pa, hindi ko din kayang pumatay ng tao...Ah! Humingi kaya ako ng tulong sa inyo? Teka, wala din akong perang pambayad sa inyo pag ganun...Ah! Pumasok kaya akong maid dito sa inyo para magkapera? Ah teka, mukhang matagal pa at mapag-ipunan ko yun, baka puti na ang buhok ko nun. Teka, ano ba ang trabaho dito na mahal ang sweldo? Ah yun! Papasok akong member niyo! Wooh! Tiba-tiba ang pera dun sigurado, pero sabi ko nga hindi ko din kaya pumatay. Ah! Anong gagawin ko! Teka, ba't ang tahimik niyo?" Nilibot ko ng tingin ang kwarto at nakitang nakatingin lang silang lahat sa akin.

"Ohh! Amazing paano niya ginawa yun Alex?! Hindi huminga habang nagsasalita ng mabilis. " Siniko ni Z si Alex na busy sa kakalaro sa cellphone niya.

"Uhh...Wala akong naintindihan sa sinabi niya sa sobrang bilis." Siniko ni Alex si Andie na may pasak naman ng headphones ang tenga at nakikinig sa music.

"Hwag mo nang problemahin yan. Wala din naman yung kwenta eh." Napaface palm na lang si Andie.

"Tapos ka na?" Tanong ni Gin sa akin.

I Got A GUN?! [ROMANCE X ACTION X COMEDY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon