8 hours earlier~
Haayy…Buhay…Panlabing siyam ko nang butong hininga. Sa sobrang walang magawa pati butong hininga, binibilang ko na para maaliw naman ako. Haay…ilang buwan na din nang iwan ko ang probinsya ko at pumunta dito sa siyudad para tuparin ang mga pangarap ko. Namimiss ko na sila Sister at ang mga bata sa ampunan. Pero hindi na ako makakabalik doon, over-age na ako at nakakabigat lang sa kanila, kaya hanggang hindi pa ako magkakaroon ng limpak-limpak na salapi at hindi pa natutupad ang pangarap ko, hindi ako babalik doon.
Gusto kong maging isang writer kaya ako pumunta ako dito. Determinado akong makapagsulat ng mga librong kakahumalingan ng karamihan. Kaya kahit ilang beses akong sipa-in pa palabas ng mga publishing company, hindi ako titigil sa pagsusulat! Hmmp! Kaya ko to!!!
Grrrttt…Haayy ayan na naman ang tiyan ko, hindi talaga nagcocooperate, kaka-agahan ko lang eh!…Ano kaya magandang kainin?! Kinapa ko ang bulsa ko nang makita isang papel na bente peso at pitong piso na lang ang natitira. Ang malas ko naman paubos na din ang pera ko. Ilang lingo ko nang tinitipid ang sarili ko sa isaw na tig-tatlong piso lang na hinahati-hati ko pa para magkasya para tatlong kainan sa isang araw. sa tingin ko papayat na ako sa ginagawa kong to. Huling timbang ko 180 kilos, pagkatapos ng tatlong lingo, ngayon 175 na lang! Yes! Ilang isaw na lang at papayat na din ako! Bwahaha!!
He was holding an almost empty gun and I was left with a single bullet. If I don’t kill him right now, he’ll kill me first. Sirens wailed outside signaling that the police are here. This might be my unlucky day. I admit it, he won this time. This might be my retribution for all the crimes I did. I threw my gun away and raised my arms at the air. At least, let me die with dignity.
“Go ahead…Fire!”
Binasa ko ang huling linya ng paborito kong libro. Napakagaling na manunulat ang gumawa nito. Pangarap kong maging tulad niya balang araw. Kung sinuswerte nga naman ako, baka nga makita ko pa siya ng personal.
Wala pang nakakikita ng mukha ng misteryosong manunulat na to. Gaya ng mga mystery novels niya, He was known to write his book as the “anonymous author”. Yep, walang nakasulat na pangalan sa mga libro niya. But right now, he posted a challenge kung sino man ang makakacrack ng code nga libro niya, he will meet him/her in person, will sign his/her book, and grant one of his/her wish. And the only clue he left was the last sentence of his latest book, “Black and Red”
“Go ahead…Fire!”
Paulit-ulit ko nang binasa ang buong libro pero wala pa din akong mahagilap na clue na makakapagturo kung sino siya, magaling nga siyang manunulat.
“Waahh~ Ayoko ko na!!” Hinagis ko ang hawak kong libro at aksidenteng natamaan ang remote ng TV at biglang bumukas ang TV.
“At para sa ating star paparazzi! Isang sikat na banda na kinababaliwan ng karamihan! Magcoconcert na ngayong gabi! Eto na ang 4th Dimension!!!”
Kahit na hindi ako interesado napahinto na lang ako at pinanood ang TV.
“And this is Gian Anico Fontana! Lead singer ng 4th Dimension!”
Wait…Gian Anico Fontana?! Nakasuot siya ng isang plain na Tshirt but what caught my attention was the bold letter written on it. GAF. Must be his initials…
“Go ahead…Fire.”GAF. Ilang ulit kong binabasa para siguraduhin ang mga nakita ko.
BINABASA MO ANG
I Got A GUN?! [ROMANCE X ACTION X COMEDY]
De TodoLaurence Rodriguez, madaldal, shunga at may sayad, madalas pagkamalang lalaki sa pangalan niya at laki ng katawan. Yep, Malaki siya. She is also an optimist writer na uma-asang makikilala niya ang hinahangaan niyang mystery novel author balang araw...