A/N: Sarreh If it sucks! Sumasakit ang ilong sa sobrang tagalog XD hehehe. Patawarin niyo sana itong kabanata.
--------------------------------------------------
"Sasama ako sa iyo..."
Hindi maipinta ang mga naging ekspresyon nila sa mukha. Sino ba naman ang hindi mabibigla sa desisyon kung yun no?
"Ano?! Laurence nababaliw ka na ba?!" Hinawakan ni Sis-este Maria ang braso ko nang tangka niya akong pigilan.
"Hindi mo ba siya kilala?!" galit naman na sumbat ni Gian sa akin.
"Siya si Raymond Enriquez Jr. Mayor nitong lugar at may hawak ng lahat ng mga illegal na bagay dito. Kalaban siya!"
"Siya ang dahilan kung bakit ka ipinabantayan ni Alphonse sa akin! At ngayon, gusto ka na niyang kunin." Bakit ba? Ano ba talaga ang kailangan nitong lalaki sa akin? Mayor, ni hindi nga tayo close para magka-atraso ako sa iyo no.
"Now, now. Don't scare her. I'm not that bad you know." Nakangiti pa rin siya, ang ngiti ng nasisiraan ng bait at mamatay tao.
"Laurence..." Hinawakan ni Gian ang kamay ko. Itinaas ko ang isa kong kilay na parang nanunumbat, alam na niya ang ibig sabihin nun. Agad niyang binitawan ang kamay ko.
"Come to me my little kitten." Agad akong lumapit kay Enriquez. Hinatak niya ako na parang walang paki-alam kung baka mabali ang kamay ko at itinutok ang baril sa ulo ko habang kinakaladkad ako papuntang gate.
"Walang susunod! Men!! Kayo na ang bahala sa kanila." Nagsisulputan ang walong tauhan niya na nagsipasok na sa bahay ampunan.
"Take care of this filthy kitten for me." Ibinigay niya ako sa isang tauhan niya habang siya nagsanitizer at pumasok na sa kotse niya. Umandar ang kotse niya at umalis na. Akama din nila akong ipapasok sa kabilang kotse. Kung nakiki-ayon nga ang tadhana sa akin. Akala nila ha! Pagkakataon ko na para gamitin ang mga natutunan kong self-defense. Sinipa ko ang lalaki mula sa likuran ko at hineadbutt. Hindi pa ako nakuntento, nakayuko na siya ngayon at hawak-hawak ang kanyang ulo at tuhod, hinawakan ko ang ulo niya at sinipa ang tyan niya ng tuhod ko at saka inagaw ang hawak-hawak niyang baril. Yan ang napapala niyo!
Yung nga ang plano kanina pa. Senyas yun kanina na kami lang dalawa ni Giana ng nakaka-alam. Yun kasi ang itinuro niya noong nagt-training pa lang ako. Hehehe. Ang galing kong estudyante no?
Wala akong sinayang na pagkakataon. Tumakbo agad ako sa kinaroroonan ng mga bata. Pagdating na pagdating ko doon, tumambad agad ang isang lalaki na doble pa sa laki ko. Hindi, hindi siya mataba, puro muscles lang ang laman ng katawan niya. Lumunok muna ako ng lakas ng loob at ipinagdasal na sana mapatumba ko siya nang bigla na lang...Natumba nga siya!! Tumambad sa likuran niya si Sis-este Maria na may hawak na baril.
"Wag mo nang sayangin ang oras. Kumilos na tayo." Tinuro niya ng hawak niyang baril ang pinto ng kwarto kung saan ang mga bata. Ibang-iba na talaga si Sis-este Maria sa pagkakakilala ko sa kanya. Ang dating di makabasag pingan, ngayon mamatay tao pala!?
Agad naming binuksan ang kwarto ng mga bata, dinala sila ni Maria sa pansamantalang ligtas na lugar. Akakain mo, ang malikot na bata na gaya ko, hindi ko nakita na may underground pala tong ampunan na to?! Doon niya muna dinala ang mga bata. Kungsabagay, sponsored kasi ng mga Mafia eh. Baka pagawaan to ng mga batang assassin na mamaya? Deeh, mukhang di naman mangyayari yun.
"Nasaan si Gian?"Agad kong tanong sa kanya nang napasing hindi pala sila magkasama.
"Naiwan siya doon para kalabanin ang iba pang mga tauhan ni Enriquez." Umalingawngaw ang putok ng bala mula sa building na pinangalingan naming kanina. Bigla akong kinabahan. Baka anong nangyari kay Gian.
BINABASA MO ANG
I Got A GUN?! [ROMANCE X ACTION X COMEDY]
LosoweLaurence Rodriguez, madaldal, shunga at may sayad, madalas pagkamalang lalaki sa pangalan niya at laki ng katawan. Yep, Malaki siya. She is also an optimist writer na uma-asang makikilala niya ang hinahangaan niyang mystery novel author balang araw...