Chapter Twenty Three

305 15 10
                                        

Nadatnan ni Connor na nagbubulungan ang mga kasambahay ng pumasok siya sa kusina, biglang preno ang mga ito ng makita siya pagkatapos ay dali-daling bumalik kuno sa mga ginagawa. Tatawa-tawa siyang dumiretso sa refrigerator at kumuha ng maiinom.

Normal na senaryo na iyon sa mga kasama niya sa bahay, lahat ata ng tsismis sa buong barangay, alam ng mga ito. Hindi niya naman na pinapakialaman iyon.

"Manang, si Milan po ba, dumating na?"

"Opo, kuya. Nasa kwarto mo na." Si Dianne ang sumagot. Scholar ng foundation ng pamilya niya ang bata, anak ni Kuya Kanor, isa sa mga farmers niya.

"'Nak.." si manang iyon. "Huwag mo namang mamasamain ano, hindi ba't asawa mo daw iyong Nurse ni Ma'am Cassiel? Ay ako'y nag-tataka, mag ano kayo ni Milan?"

"Ay sa kwarto mo na natutulog, kuya eh." Dumiga pa si Isay.

"Manang, komplikado ho." Kakamot kamot siya sa ulo. "Tsaka bakit ako'y nakasali sa pinaghuhuntahan ninyo."

"Ay naguguluhan nga kami 'nak. Kawawa naman kasi iyong Carson, mukhang mabait na bata. Walang kasiya siya sa mata, parang laging may dinadamdam. Isa pa, pag ganoong luka-luka si Milan ako'y kinikilabutan. Para kayong mag-kapatid noon eh, bat ngayo'y kumikire? Kakaane!"

Ang lakas ng tawa niya. Hindi niya magawang ikwento sa mga ito na nababaliw si Milan.

"Tunay, kuya. Parang pinapasakitan talaga ang iyong asawa. Ako'y nasusura din." Segunda ni Dianne.

So apparently, Carson already won over the hearts of these ladies. Hindi naman siya nagtataka pa roon, mahusay talagang makisama si Carson. Noong isang araw nakita niyang binigyan nito si Dianne ng mga libro tungkol sa medisina. Sinadya pa nitong ipadala iyon kay Percy galing Maynila. Mag-kokolehiyo na si Dianne sa isang taon at mukang napipisil na mag-aral ng medicine.

Dianne is a smart kid. Pursigidong makatapos sa kabila ng hirap ng buhay. Nang malaman niyang patigil-tigil ito sa pag-aaral para magtrabaho sa isang kilalang fast food chain at makaipon bago ulit mag-enrol, hindi na siya nahiyang ilapit ito kay Cash at ihingi ng pabor. Impressed naman ang kuya niya sa performance ng bata kaya ipinasok itong scholar sa foundation.

Hindi naman nito kailangang magtrabaho para sa kaniya pero nag-insist ito na tutulong-tulong doon lalo kung hindi naman busy sa school. He insisted to put her on payroll, alangang namang hindi ito sumweldo gayong malaking tulong ito sa farm, pero hindi ito pumayag, ganoon din si Kuya Kanor. Sobra sobra na daw iyong nakakapag aral ito sa magandang eskwelahan, ganoon na lang din ang pasasalamat ng mga ito ng malamang sa La Salle magkokolehiyo si Dianne.

Hardworking ang bata, pulido kung tumrabaho at mana sa ama, magaling sa mga pananim at halaman. Dianne is the one who's responsible for the beautiful greenhouse. So he decided to give her a party on her eighteenth birthday. Kakuntsaba niya roon si Milan. Hindi man engrade iyon, pipilitin nilang mairaos. Nasabi na niya iyon kay Kuya Kanor, hiyang-hiya ang huli pero wala ng nagawa ng nasabi niyang nabilhan na nila ng damit ang bata at nakapag-abiso na sa caterer, nag volunteer na rin ang mga tropa nito na sila ang tutugtog ng libre, regalo na kay Dianne.

Si Dianne na lang ang walang alam. Magiging surprise party iyon, si Milan na ang bahala sa lahat.

"Kuya, yung kapatid ni Ate Cassiel, dumating pala kanina. Ang pogi pala noon, nakakaloka!" Tili ni Dianne, patalon-talon pa.

"Ipinagamit ko iyong kawartong katapat ng sa'yo 'Nak. Galing pa daw Barcelona iyong binata. Sabi ko'y magpahinga muna bago sumunod sa isla." Si Manang.

Ang laki ng ngisi niya. "Nag-kita na ba sila ni Milan?" Kibit-balikat lang ang sagot ng mga kasambahay.

Nag-paalam siya sa mga ito na pupuntahan si Milan, ngayon nila pi-pickup-in iyong damit sa isang botique sa downtown.

Leave Your LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon