Chapter Seventeen

371 17 8
                                    

"You sure you're coming with me?" Kunot na kunot ang noo ni CJ habang itinatanong sa kanya iyon. Natawa lang siya bago tuluyang isinuot ang puting sneakers na itinerno niya sa yellow na sundress.

Sinabi niya sa asawa na sasama na lang siya rito sa BGC branch dahil nababato siya sa bahay. Ilang linggo pa ang hihintayin niya bago lumabas ang resulta ng board exams at ayaw niyang pakaisipin iyon dahil hindi niya maiwasan ang nerbyos. She's done watching Alice in Borderland on netflix and Sweet Home as well. Wala pang season two ang parehong series at wala na ring palabas na nakakuha ng atensyon niya. Besides, she missed having a productive day, hindi iyong nakahilata lang siya sa kama at nanonood ng kung ano sa laptop niya.

"Oo nga. Tsaka pag nainip ako tatambay na lang ako sa fully booked." She waggled her brows and put her phone and purse inside her bag. Backpack iyon mula sa D&G regalo ni Nay Kamil.

"It's weekend and you know how tough it gets. Hindi kasi kita maaasikaso roon." Ginagap nito ang kamay niya bago iginiya siya palabas ng condo.

"I'm not a baby. I can take care of myself you know." Pinisil niya ang kamay nito bago niya pinindot ang elevator button.

"And I like taking care of you." Mabini ang boses ni CJ. Walang pagpapahiwatig na nambobola, para bang nasabi ang mga salitang iyon dahil iyon ang totoo. She felt the familiar warmth enveloped her being.

Kuntentong kuntento siya. She felt fulfilled.

Ilang minuto pa binabaybay na nila ang traffic sa kamaynilaan. May kalahating oras ang inabot ng biyahe nila. Marami ng tao noon sa restaurant kaya naging busy agad si CJ. She went inside his office and settle herself there. She's browsing in the internet when Jacko entered her husband's office. May dala itong plato na naglalaman ng fruit pies. Amoy na amoy niya ang raspberry at strawberry pero pinakanagibabaw ang amoy ng mangga.

"Ma'am padala ni Sir CJ, baka daw po nagugutom na kayo." Inilapag nito iyon sa mesa sa harap niya, mainit-init pa. Nagpasalamat siya bago ito umalis. Walang limang minuto naubos niya iyon.

She felt bored so she went downstairs and told CJ she'll walk around. Hinalikan siya nito sa labi bago sinabihang mag-ingat. That simple gesture made her heart skip a beat.

Lumabas siya ng restaurant na parang lumulutang sa ere. She went straight to Fully Booked and rummage through the shelves. Madalas siyang tambay roon ng highschool. Hindi niya masabing bookworm siya dahil romance genre lang naman talaga ang gusto niyang basahin pero tandang tanda niya pa kung paano niya pinagipunan ang bawat libro na nasa shelf niya.

She even remembered her father was so against it, kababasa daw kasi ng ganoon ng Mama niya noon kaya nakipagtanan ito agad sa ama. Her mom could only laugh. Her mother just made sure that the novels she would read would be upon her approval and supervision. College na siya noong hinayaan siya nitong mamili ng librong babasahin. There she discovered erotic fiction and she pretty much enjoyed it. Iyon nga lang mas kaenjoy enjoy pala kung ikaw na ang gumagawa ng mga eksenang noon ay sa libro mo lang nababasa.

She was on her third year when she stopped reading the romance genre. Mas nafocus na kasi siya noon sa librong may kinalaman sa pag-aaral niya and now is the perfect time to distract herself from the painfully long wait for the results of her exam.

After searching through the shelves and contemplating what tittle to buy, nakapagdesisyon din siya. She picked Love and Gelato by Jenna Evans Welsch and took it to the counter to pay for it.

After that she went to an ice cream parlor to grab some snack. Doon niya na rin sinimulang basahin ang libro. It was past five pm when she noticed that the sky went darker from earlier. She was so engrossed to the book that she actually forgot about time. It was beautiful.

Leave Your LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon