She was greeted by the smell of breakfast. Dali daling bumaba si Carson ng hagdan habang nilalanghap ang amoy ng pritong tuyo at tinapa, sigurado siyang naipagpisa na rin siya ng ina ng sili at bawang sa suka.
Her excitement vanished when she saw the table set up. Pang isahan lang iyon. Bihis na ang nanay niya kahit alas otso pa lang ng umaga. Her father was out of sight and Percy was no where to be found.
Their house used to be loud and lovely. The table was always full of laughter and stories and it really makes her sad because it's been a while. Isang buwan na silang hindi nakukumpleto sa hapag at dahil iyon sa kanya. Her father avoids her. Minsan siya na lang ang nagdadahilan para hindi ang mga ito makasabay sa hapag dahil nagwo-walk out ang tatay niya.
"Anak, gising ka na pala, nakaluto na ako." Hinalikan niya ang ina sa pisngi at niyakap ito ng mahigpit. Nagpapasalamat siya na kahit kailan, hindi ito nagalit. She looked disappointed, pero saglit na saglit lang iyon. Buong pang unawa nitong tinanggap at pinatawad ang mga pagkakamali niya.
"Si Papa po?"
"Ihinatid si Percy sa basketball camp. Kailangan na daw pumayat ng kapatid mo." Sabay silang natawa.
"Ma, thank you." She teared up. Inilayo siya ng ina mula sa pagkakayakap at pinunasan ang tutulo pa lang niyang mga luha.
"Wag mong intindihin ang Papa mo, nahintakutan lang iyon dahil bumabalik na sa kanya ang mga katarantaduhan niya." Mahina siyang natawa. Hindi naman lingid sa kaalaman nilang magkapatid na babaero ang tatay niya noong binata pa. Hindi rin biro ang mga nakayang tiisin ng Mama niya. Pero sabi nga ng lola niya nagbago daw ang lahat ng malaman ng Papa niya na babae daw ang ipinagbubuntis ng Mama niya at siya iyon.
"May inventory kami sa restaurant kaya maaga ako. Ikaw na ang bahala sa bahay." Pinaupo na siya ng ina sa hapag. "Aalis ba kayo ni CJ?" Biglang tanong nito habang nag aayos na ng mga dadalhing gamit.
"Wala naman po kaming usapan." Nagkibit siya ng balikat at sumandok na ng sinangag.
"May condom doon sa ibabaw ng ref, dalhin mo pag aalis kayo."
Nanlaki ang mata niya. "Mama!"
"Aba graduating ka na Carson Athena. Ayaw kong aakyat ka ng stage ng malaki ang tiyan. Mabuti na ang maingat." Tatawa tawa ang nanay niya. "Isilong mo ang mga sinampay at baka abutan ng ulan. Aalis na ko." Hinalikan siya nito sa pisngi bago umalis na.
Nakalahati niya ang sinangang na nasa serving plate. May ginayat na spam at itlog iyon. Nakaubos din siya ng limang pirasong tuyo. She always have a big appetite. Nag hugas siya ng pinggan pagkatapos ay nagsinop ng mga sinampay. Inilagay niya iyon sa sofa bago isa isang tiniklop at inilagay sa kanya kanyang cabinet.
She microwave some popcorn and browse on netflix. Lumabas na daw ang part two ng The Kissing Booth kaya pinanood niya muna ulit ang part one for some recap. Nangangalahati na siya sa pelikula ng may kumatok. Baka ang Papa niya iyon dahil ihahatid lang naman daw nito si Percy sa Subic kung saan gaganapin ang basketball camp.
Ganoon na lang ang gulat niya ng makita si Cassiopea Beatrice sa harap ng bahay nila.
Pia had always looked so glamorous. Aside from that, intimidating. Wala ito nung isang linggo sa pamamanhikan at hindi niya ineexpect na makikita niya ito ngayong araw. Walang pakundangang pumasok ito sa loob kahit hindi pa naman niya pinatutuloy.
Wala na siyang nagawa kung hindi ang isara ang pinto.
"Anong kailangan mo?" Ni hindi ito nag abalang umupo kaya alam niyang hindi ito magtatagal. Obviously, she wants something from her and she'll leave as soon as she gets it.
BINABASA MO ANG
Leave Your Lover
Romance"Set my midnight sorrow free. I will give you all of me, just leave your lover. Leave him for me." -Sam Smith Connor Young's Story.