It's been a week since her stay at the farm and in that seven days, she never had a chance to talked to Connor. It almost felt like he was avoiding her. Plus the fact that Milan was there and she cling onto him like a koala bear.
Parang kapit tuko ang babae, walang balak hiwalayan si Connor. They are even staying in one room.
Six nights in a row, they never let her sleep, it was bad enough that she's going insane thinking what are they doing, but Milan was crazy to feed her insanity and proved that the voices inside her head was right. The walls are so thin, she could hear them banging. Milan would loudly moan his name, asking him to fuck her harder, deeper. Sometimes he would shut her up by covering her mouth with his hands, she could tell with the muffled sound.
She never had a decent sleep since then, knowing how insatiable CJ is when it comes to sex, Milan Ledesma is one lucky girl.
"You're here?" She jumped on her seat when she heard CJ's baritone voice. Nakakunot ang noo nito ng lingunin niya, malamang na nagtataka na naroroon siya sa greenhouse habang nagkakape gayong walang tao sa bahay. Umalis ito kanina para ihatid si Milan sa sakayan ng bus dahil ihinatid lang ito ni Conan doon ng unang araw na dumating sila.
Hindi niya nga malaman sa bayaw kung bakit dinala ang babaeng iyon doon gayong plano nilang magkabalikan sila ni Connor. Ang nakakainis pa, magiliw si Nay Kamil sa babae, panay ang pasasalamat sa pag-aalaga daw nito kay Connor. Apparently, Conan Andrew told Nay Kamil everything about the girl. Feel na feel naman ni Milan ang mga papuri ni Nay Kamil, tagilid na tagilid siya.
"Bawal ba?" Nakangiwing tanong niya. Matagal na niyang gustong bisitahin ang greenhouse pero naging busy siya kay Cassiel dahil bumuka ang tahi nito at kinailangang ulitin. Parati din siyang kalaro ni Ariana kaya hindi pa siya nakakapaglibot sa farm. The little miss always demanded her presence and she couldn't be any happier to play with the little girl. Siguro kung hindi siya nakunan noon, tatlo silang naglalaro doon.
"Hindi naman." Sagot nito bago kumuha ng mga gagamitin sa pagdidilig. "Akala ko kasama ka nila Ate sa isla."
"Family trip iyon eh, nakakahiya naman." Dumating si Cash kagabi at nagdesisyon iyong mag-asawa na doon mamalagi ng dalawang araw. Kasama nila si Ate Glenda na siyang titingin sa kambal.
"Gusto ni Ariana doon kasi may pool iyong villa. You should have joined them, marerelax ka doon." Binuksan nito ang gripo at isa isang sinalinan ng tubig ang lagadera bago mano manong diniligan ang mga halaman. Iyong maseselan, ginamitan nito ng timba at tabo para banayad ang wisik ng tubig gamit ang kamay. She was just mesmerized while looking at him doing all those things she never imagined he would do.
"Relax din naman ako dito, ang ganda ng greenhouse mo. Matagal ko ng gustong punatahan ito kaya lang nabusy ako sa pamangkin mo. Ang kulit! Ayaw akong tantanan." She giggled a little.
Ang sabi ni Cassiel pagpasensiyahan niya na lang daw ito at sabik sa kalaro dahil home schooled. Wala namang problema sa kaniya iyon. She genuinely find the little girl charming and adorable.
Bahagyang tumawa si CJ. "Ganoon talaga iyon. Buti nga hindi pa naiisipang sumama sa akin sa manggahan. Mag-aacid reflux na naman iyon sa katakawan sa maasim."
Patlang. Katahimikan.
Carson felt the urge to continue talking. Kahit siguro gamitan niya si CJ ng pick up line, magtuloy-tuloy lang ang usapan nila.
"Umalis pala si Nay Kamil." Naalala niyang sabihin. Sa kaniya na lang nagpaalam ang biyenan na luluwas ng maynila dahil busy daw si CJ sa pag-aani. "May pupuntahan daw silang event ni Tay Jeron, tapos sabay silang babalik dito."
Natigilan si CJ, hindi niya mawari kung nagulat o hindi nagustuhan ang narinig. Gusto niya tuloy itanong kung kamusta ang relasyon nito kay Tay Jeron, pero hindi niya naman mahanap ang lakas ng loob na itanong iyon. Wala na siyang narinig mula dito pagkatapos nitong tumango.
BINABASA MO ANG
Leave Your Lover
Romance"Set my midnight sorrow free. I will give you all of me, just leave your lover. Leave him for me." -Sam Smith Connor Young's Story.