LUMIPAT na si Rica sa kwarto nina Wenhan at Ran. Hindi naman niya magawang mailang sa dalawang binata kahit makakasama na niya ito sa iisang kwarto dahil sa maikling panahon na nakilala niya ang mga ito ay sobrang gaan na ng loob niya sa dalawa at pinagkakatiwalaan na rin niya ang mga ito.
Nakita niya ang pagiging concern nina Wenhan at Ran sa kalagayan niya maging pati na rin sina Zian at Yruma at hindi nila pinaburan ang maling ginawa sa kanya ng matalik nilang kaibigan na si Sage.
Nang dahil sa nabanggit ni Sage kanina na kung nag-ingat lang raw siya ay hindi sana mawawala ang baby nila ay lubos siyang naapektuhan doon.
May punto kasi ito at napagtanto niyang hindi lang si Sage ang may kasalanan sa lahat kung bakit siya nawalan ng anak. Masyado siyang nabigla at hindi na naisip na buntis siya nang malaman niyang pinagtataksilan siya ni Sage kaya tumakbo siya papalabas sa condo unit nito at humandusay siya sa sahig dahilan para makunan siya.
Huli na para magsisi si Rica sa ginawa niya. Wala na ang baby niya at kahit masakit ay tatanggapin nalang niya ang mapait niyang kapalaran at magpatuloy ulit sa kanyang buhay.
"Are you comfortable there?" tanong ni Ran nang sinilip nito si Rica na nakahiga na sa kama niya. Pinalitan na rin nito ang bedsheet at throw pillow cases para sa kanya.
"Komportable na ako dito, Ran. Ikaw ba? Hindi ka ba nalalamigan diyan sa lapag?" tanong naman ni Rica kay Ran. Sanay na raw itong half naked kapag natutulog at kailangan niya na ring sanayin ang sarili niyang masilayan ang maganda nitong pangangatawan sa tuwing matutulog sila.
Ngumiti si Ran sa tanong ni Rica. "Yes. I'm comfortable here. May foam naman sa hinihigaan ko kaya hindi sasakit ang likod ko sa paghiga ko. Do you need anything else, Rica?" tanong nito.
Umiling lang doon si Rica. "Wala na. Salamat nga pala sa pagpapatuloy niyo sa akin ni Wenhan dito sa kwarto niyo, ah?" sabi ng dalaga.
Inayos naman ni Ran ang unan sa tabi nito at inilagay sa pagitan ng mga hita niya. "N-no worries. Matulog ka na. I know you were already tired from Sage's shit. Goodnight, Rica!" nagmamadaling sabi nito at kaagad nang tumalikod sa pagkakahiga.
Tumango nalang doon si Rica kahit hindi na nakita pa iyon ni Ran. Sandali naman niyang sinulyapan si Wenhan na kanina pa nakatulog sa kama nito saka siya pumikit hanggang sa makatulog na rin siya.
Kinabukasan ay tinawagan ni Rica ang kaibigan niyang si Emily kung may alam ba itong pwede niyang pag-applyan na trabaho. Mabuti nalang raw at may bakante pang pwesto bilang cashier sa flower shop na pagmamay-ari ng magulang ng nobyo ni Emily at pwede siyang ilagay sa posisyong iyon.
Alas siyete palang ng umaga ay nakagayak na si Rica para makipagkita ngayon kay Emily kasama ang nobyo nitong si Maru.
Alas sais nang umalis na rin at nagpunta na sa kanya-kanya nilang mga trabaho sina Wenhan at Ran. Si Yruma naman ay mukhang tulog pa sa loob ng kwarto nito at ngayon ay siya nalang ang mag-isa sa loob ng kwarto nina Wenhan at Ran.
Nagpunta si Rica sa kusina para magtimpla ng kape. Hindi na niya pwedeng asahan si Sage sa ikabubuhay niya dahil naghiwalay na sila at kailangan na niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Pag-iipunan na rin niya ang gastos sa pag-aaral niya next year para ipagpatuloy ito.
Mabuti at may matitirhan siya kahit papaano kaya wala siyang poproblemahin sa upa sa bahay pero hindi naman pwedeng habangbuhay siyang tumira sa condo unit ni Sage. Wala na ang tanging daan para magkonekta sa kanilang dalawa kaya wala na ring saysay na makasama pa niya ang binata.
Nang matapos nang magtimpla at uminom ng kape si Rica sa kusina ay nakita niya sa sala si Sage na nakaupo sa sofa at hinihilot ang sintido nito. May hang over pa yata dahil sa matinding kalasingan nito kagabi.
BINABASA MO ANG
Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)
Любовные романыRica was a cheerful, sweet, and family-oriented young lady until something unexpected occurred in her life that devastated and saddened her. Sage, her boyfriend, rescued her and offered a temporary residence in his condo unit with the company of his...