After 4 years
Kensington, Philadelphia PA, USA
22:15 ESTHINDI na mabilang ni Rica kung ilang cocktail drinks ang nainom niya. She's enjoying the ambiance of The International Bar in N Front St. Philadelphia na limang minuto lang ang layo mula sa bahay nila sa Kensington.
Sunday is gimmick time for her. Kasama niya ngayon sa bar ang mga college alumni friends niya na sila Hudson, Nolan at Laurie. Parehas silang apat na magkakaibigan na nakapagtapos nang kursong Bachelor of Science in Secondary Education sa Temple University isang taon na ang nakakalipas.
Hindi rin nagamit ni Rica ang kursong natapos niya dahil tinulungan nalang niya ang kanyang lolo Perry na magmanage ng dine in restaurant business nila sa Kensington at sa iba't-ibang branches nito sa amerika.
Eh di sana related sa business nalang ang kinuha niyang kurso nang magtransfer siya ng bachelor's degree sa Temple University para naman nagamit niya ang matututunan niya sa pagpapatakbo ng business nila. But she loves to study education by the way, baka balang araw ay magamit rin naman niya ang tinapos niyang kurso sa oras na magkaroon ng emergency in the future.
"You're drinking too much, Rics. Just stop it already," suway sa kanya ni Hudson habang ang kasama naman nilang sina Nolan at Laurie ay naghahalikan na parang wala nang bukas sa kabilang table.
Sanay na sanay na sila sa PDA ng dalawang college friends nila. Hindi na rin bago ang PDA sa amerika dahil liberated halos ang mga tao rito kaya nga sa apat na taong nakatira si Rica sa amerika ay nabago na ang klase ng kilos, pananamit at pananalita niya. Medyo revealing na ang suot niyang mga damit at inglishera na rin siya.
"Let me drink for a while, Hudson. Ayoko pang umuwi sa bahay dahil makikita ko lang doon ang pagmumukha ni Essam!" tumatawa namang sabi ni Rica habang patuloy lang ito sa pag-inom. Beer naman ang tinarget nitong inumin.
Hudson Finley is a half Filipino/ half American like her. Nakakaintindi ito ng tagalog at marunong rin itong magtagalog katulad ni Essam. Mas buo at malinaw pa nga ang pronunciation ng pagtatalog nito kaysa sa self-proclaimed boyfriend/fiancé niya.
Tinaasan naman siya ng kilay ni Hudson habang nakangisi ito. "He's crazy over you, Rics. I can't blame him tho, you're gorgeous and hot." he said at pinasadahan pa nito ng tingin mula ulo hanggang paa si Rica na nginitian lang siya ng matamis.
Hindi naman nababastusan si Rica sa ginagawa ni Hudson. Sa katunayan nga ay ilang beses na rin silang naghahalikan at nagme-make out sa tuwing nalalasing sila pareho pero hindi naman umaabot sa punto na nakikipag-sex siya rito. Ayaw niya nang makipagsex sa ibang lalake matapos nang ginawa ni Sage sa kanya noon.
She and Hudson are good friends. Sa gandang lalake ni Hudson ay marami na itong babaeng amerikanang nakarelasyon. Parang magkapatid na rin ang turingan nila sa isa't-isa.
"I know, Hudson!" confident pang sabi ni Rica na mahina namang ikinatawa ni Hudson.
Nang maramdaman niyang medyo nahihilo na siya ay itinigil na rin niya ang pag-inom. Napayapos nalang siya sa binata na hinawakan naman ang bewang niya at magaang hinahalikan ang tuktok ng ulo niya.
"Let's heat ourselves? Of course, no sex involved. Just a little make out." bulong ni Hudson sa tenga ni Rica. Alam na nito ang ayaw na mangyari ng dalaga.
Kaagad namang tumango doon si Rica at nagpatangay nalang kay Hudson hanggang sa nakarating na sila sa parking area ng bar at isinandal siya nito sa kotse mismo ng binata.
Inumpisahan na siyang halikan sa labi ni Hudson na ginantihan rin niya ng halik. Nalalasahan pa niya ang margarita at beer na ininom nilang dalawa habang naghahalikan sila.
BINABASA MO ANG
Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)
RomanceRica was a cheerful, sweet, and family-oriented young lady until something unexpected occurred in her life that devastated and saddened her. Sage, her boyfriend, rescued her and offered a temporary residence in his condo unit with the company of his...