Chapter 33

25.4K 1K 726
                                    

WALANG makapang sabihin si Rica sa pitong lalakeng kasama niya ngayon sa loob ng hotel room na tinutuluyan niya. Nakatitig lang ng masama ang mga ito sa isa't-isa.

Maaga na yata siyang tatanda sa kunsomisyon dahil sa mga ito. Hindi rin niya alam kung bakit nandito ngayon sila Trevor, Zian, Wenhan, Ran at Yruma.

"Wala ba kayong balak umalis dito? I just want to be alone and I'm tired too kaya gusto ko nang matulog at magpahinga." pag-imik niya sa mahaba nilang katahimikan.

"Bakit mo ba pinapatuloy sa loob ng hotel room mo ang dalawang lalakeng 'to?" may bahid pang inis na tanong ni Ran at itinuro nito sina Calvin at Marlon na tahimik lang sa isang tabi.

Rica rolled her eyes. "I'd met them at my grandfather's restaurant at nagmagandang loob silang ihatid ako dito sa hotel room ko kaya papapasukin ko muna sila dito para alukin man lang ng coffee or juice." naaasar na niyang sagot.

Ano ba naman sa kanila kung may iba siyang kasamang lalake? Hindi na rin naman naiiba sa kanya si Calvin dahil ito pa nga ang nagbayad ng upa niya bukod kay Trevor apat na taon na ang nakakalipas sa apartment na tinuluyan niya. Mabait ang lalake sa kanya at wala naman itong ikinikilos na weirdo o masama.

"But still, hindi mo pa rin dapat ginawa 'yon. Paano nalang kung may gawin silang masama sa'yo? Babae ka pa man din!" segunda naman ni Wenhan na parang batang sinesermunan lang siya.

"What do you think of us? An assholes to do something bad to Rica?" pagsabat naman ni Calvin saka nito sinamaan ng tingin si Wenhan at prenteng humalukipkip.

"And why not?" sagot pa ni Yruma at sa kanya naman sumama ang tingin ni Calvin.

"Don't interfere here, Yruma. Kahit kapatid pa kita ay kayang-kaya kitang patulan ngayon." madiing sabi ni Calvin.

Oh no! Mukhang hindi pa nga nagkakaayos ang magkapatid. For pete sake! Four years na ang nakakalipas pero wala pa rin silang balak na magkaayos man lang alang-alang sa pamilya nila?

"And do you think I'm threatened to you? As you wish!" sagot ni Yruma kay Calvin at umikot ang mga mata nito.

Kaunti nalang talaga at susuko na si Rica sa mga lalakeng ito. Ang tatanda na at ang lalaki ng katawan pero kung kumilos at makitungo sa isa't-isa ay parang mga teenager brats. Hindi talaga nasusukat sa pisikal na kaanyuan ng isang tao ang ugali kaya nga may kasabihan na looks can be deceiving.

"Ayaw niyo pa talagang umuwing lahat? Then fine! Ipagluto niyo nga ako dahil nagugutom ulit ako para man lang may pakinabang ka-"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang kaagad nagtaas ng kamay sina Wenhan at Ran para magpresintang magluto ng kakainin niya.

"Kami na ang bahala sa pagkain mo, babe. Ano ba ang gusto mong kainin?" nakangiting tanong sa kanya ni Ran.

Nag-isip naman si Rica kung ano nga ba ang gusto niyang kainin. Namimiss na niyang kumain ng tinolang manok kaya iyon na lang ang isa-suggest niya.

"Hmm.. I want tinolang manok." sagot niya na kaagad ikinatango ni Ran.

"Right away! Bibili muna kami sa palengke ni Wenhan ng mga ingredients para sa tinolang manok mo. Let's go, bro!" ani Ran at hinatak na nito papalabas sa hotel room niya si Wenhan na nagthumbs-up lang sa kanya hanggang sa makaalis na sila.

Malaki na nga ang improvement ng ugali ng mga ito kaysa noon. Sana lang ay hindi na maulit iyong dati dahil kapag nangyari iyon ay hindi na alam ni Rica ang gagawin niya.

Mahal niya pa rin ang limang lalake at walang nagbago doon. Pilit man niyang ibaling ang kanyang atensyon kay Hudson sa amerika ay alam ng puso niya na ang limang lalake pa rin ang kailangan niya.

Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon