MADALING araw na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin makatulog si Rica ng maayos sa loob ng kwarto ni Trevor. Sandali niyang sinulyapan ang lalake sa ibaba ng kama na nakahiga sa nilatag nitong matresses sa sahig.
Mahimbing ang tulog nito habang nakatakip ang isang braso sa mga mata. Nakasuot ng pulang t-shirt at itim na jogging pants si Trevor. Malamang ay iyon ang isinuot nitong damit para hindi siya mailang sa maganda nitong pangangatawan kung sakaling magsando lang ito o half naked dahil magkasama lang sila sa iisang kwarto.
Nakaramdam ng pagkauhaw si Rica kaya dahan-dahan siyang bumangon at naglakad papalabas sa loob ng kwarto ni Trevor para uminom ng tubig sa kusina.
Nang makalabas na siya sa loob ng kwarto ay nadaanan pa niya sa sala si Calvin na nakaupo sa sofa habang nakayuko ito. Gising pa ito at hindi rin siguro makatulog ng maayos. Dumiretso nalang si Rica sa kusina para uminom ng tubig at pagkatapos nun ay naglakad na siya papaalis at muling nadaanan si Calvin sa sala.
Akmang maglalakad na sana siya ulit papaalis nang bigla itong magsalita.
"Rica, can we talk?"
Tumingin naman si Rica kay Calvin at lumapit sa kinaroroonan nito. "Ah, sige po." sagot niya.
Imwinestra naman ni Calvin na maupo si Rica sa tabi niya na sinunod naman ng dalaga.
"I know there's a lot of going on to you. I don't want to judge you too dahil kahit ako ay may pagkakamali rin especially on how I treated my younger brother." bumuntong-hininga si Calvin.
"Sana magkaayos na kayo ni Yruma. Wala siyang sama ng loob sa'yo kahit ilang beses mo na siyang sinasaktan nang dahil sa mga sinasabi mo sa kanya. Nirerespeto ka pa rin niya bilang nakatatanda niyang kapatid kaya ayaw ka na niyang patulan. Sana maisip mo rin na mahal ka niya bilang kapatid niya." malungkot na saad ni Rica nang maalala na hindi magkaayos sina Yruma at Calvin.
"You still care for him kahit kanina ay hindi ka niya ipinagtanggol nang pinagsalitaan ka ni Sage ng masama?" hindi naman makapaniwalang sabi ni Calvin.
"May kasalanan naman kasi ako kung bakit pati si Yruma ay nagalit rin sa akin. Sa tingin niya ay pinapaasa ko si Ran tapos h-hinalikan ko pa pabalik si Zian dahil katulad niya at ng iba pang mga kaibigan ni Sage ay may nararamdaman rin ako para kay Zian." pag-amin nito.
Sinabi na ni Rica ang totoo niyang nararamdaman kina Trevor at Calvin. Mukha namang naiintindihan siya ng mga ito at hindi siya hinuhusgahan sa mga nalaman nila patungkol sa nararamdaman niya.
"Tsk! They are lucky bastards." mahinang bulong ni Calvin na narinig naman ni Rica.
Bumalot ang katahimikan sa dalawa hanggang sa magsalita ulit si Calvin. "Do you still want to stay in Sage's condo unit? I know they are all mad at you at kung mananatili ka pa rin sa kanila ay hindi mo alam na baka may gawin pa silang masama sa'yo." nag-aalala nitong tanong.
Desidido na si Rica sa desisyon niya, kailangan na niyang umalis sa condo unit ni Sage at maghanap ng bagong malilipatan. Hindi na maganda para sa kanila na magsama pang anim sa iisang bubong dahil sa mga nangyari kanina. Hindi na maaatim ng konsensya niya na mag-away pa ulit ang matalik na magkakaibigan nang dahil sa kanya. Panggulo lang siya sa buhay ng mga ito at ginulo rin nila ang puso't-isipan niya.
"Aalis na ako bukas. Magpapatulong nalang ako sa mga kaibigan ko na maghanap nang bagong apartment o boarding house na pwede kong malipatan." sabi ni Rica na ikinatango naman ni Calvin.
"Ahm.. sige na, matulog ka na at alam kong pagod ka dahil sa mga nangyari kanina. You need to rest." sabi naman ni Calvin na napahawak nalang sa batok niya.
Ngumiti naman si Rica sa kanya at tumayo na ito mula sa pagkakaupo. "Goodnight sa'yo, Kuya Calvin." paalam nito hanggang sa nakaalis na ito.
"Psh! Kuya Calvin? I'm only 28 years old!" naiinis namang bulong ni Calvin sa sarili niya at ginulo nito ang kanyang buhok.
BINABASA MO ANG
Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)
RomanceRica was a cheerful, sweet, and family-oriented young lady until something unexpected occurred in her life that devastated and saddened her. Sage, her boyfriend, rescued her and offered a temporary residence in his condo unit with the company of his...