Chapter 31

25.8K 983 802
                                    

NAGTATAKA si Rica kung bakit siya dinala ni Wenhan sa condo unit ni Trevor. Naaalala pa rin naman niya ang unit ni Trevor nang minsan na siyang dinala dito ng binata nang magpatulong itong magpalaba ng mga damit nito at nagtulungan pa silang magluto ng pagkain.

"Why did you bring me here-"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya kay Wenhan nang tuluyan na siyang makapasok sa loob ng condo unit ni Trevor. Nagulat naman siya nang makita na nakaupo sa sofa ng sala sila Zian, Ran at Yruma na seryosong nag-uusap. Hindi pa siya napapansin ng mga ito.

Nang tumikhim si Wenhan ay saka lang lumingon ang mga ito sa kanila. Katulad niya ay bakas rin ang gulat sa tatlong lalake nang makita siya.

"R-Rica?" gulat at hindi makapaniwalang sambit ni Ran habang nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

Katulad noon ay gwapo pa rin si Ran. Lumaki rin ang pangangatawan nito at napansin niyang humaba ng kaunti ng buhok nito na parang hairstyle lang noon ni Yruma.

Si Yruma naman ang umikli ang buhok at mas lalo pa yata itong tumangkad nang huli niya itong nakita. Nakatitig lang ito sa kanya at animo'y sinusuri siya ganoon rin si Zian na mas naging prominente at istrikto lalo ang itsura.

Anong ginagawa nila dito sa condo unit ni Trevor?

Nag-uumpisa na namang bumilis ang tibok ng puso ni Rica pagkakita sa tatlong lalake. Katulad noon ay wala pa ring pinagbago sa nararamdaman niya para sa mga ito pero alam rin niya na kailangan na niyang pigilan ang nararamdaman niya lalo pa't may boyfriend slash fiance na siya sa amerika kahit self-proclaimed lang iyon ni Essam.

"She's back so we don't need to follow her on america." nakangiting sabi ni Wenhan at hinila siya nito paupo sa katapat na mahabang sofa ng tatlong magkakaibigan.

Kung pwede nga lang ay gusto nalang lumubog ni Rica sa kinauupuan niya dahil sa mariin at seryosong titig sa kanya nila Zian, Ran at Yruma. Sinusuri siya ng mga ito at dahil na rin siguro iyon sa kakaibang itsura niya ngayon kumpara noon na para na siyang si Maria Clara sa pagiging mahinhin at conservative.

At ano raw? Balak siyang sundan ng mga ito sa amerika?

Napagitla naman si Rica nang bigla siyang nilapitan ni Ran at tinabihan sa sofang inuupuan niya. Kaagad siya nitong niyakap nang mahigpit sa tuwang nararamdaman nito.

"Shit! I can't believe that you're here, Rica. I missed you so badly," sambit ng binata.

Sa sinabi nito ay pilit niyang pinipigilan ang sobrang pagkamiss niya rin dito pero matagal nang natapos ang ugnayan niya sa mga kaibigan ni Sage. May bago na siyang buhay at higit sa lahat ay may nobyo na rin siya.

Mahinang itinulak ni Rica si Ran mula sa pagkakayakap nito sa kanya. "I only went here to the Philippines para sa business ng lolo ko. Babalik rin ako sa amerika after I settled that." sabi niya at nag-cross arms pagkatapos.

Napanganga naman si Ran dahil nagulat yata ito sa pagsasalita niya ng Taglish hindi katulad noon na pwede na yata siyang sumali sa Tagalog spoken poetry sa lalim ng pagtatalog niya kapag nagsasalita siya.

"Really? You've changed a lot, Rica. Even your wardrobe and the way you speak, just wow!" manghang sabi ni Ran at akmang aakbayan sana siya nang tinabig niya ang kamay nito.

"Hindi na ako katulad ng dati, Ran. I'm more matured, smarter and stronger than before. Kung sa tingin niyo ay makikipag close ulit ako sa inyong magkakaibigan then it's a no." mataray niyang sabi pero ang damuhong si Ran ay mas lalo lang napangiti sa sinabi niya.

"Mas lalo ka ngang nakaka-attract sa pagbabago mo ngayon. Ganon pa rin naman, Rica. We still love you." pag-amin ni Ran dahilan para pamulahan ng mukha si Rica.

Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon