Chapter 36

25.4K 863 774
                                    

NAKANGITI lang kay Sage ang lalakeng kilalang-kilala niya habang kaharap niya ito. This guy suggested to him na balakin niyang patayin si Trevor apat na taon na ang nakakalipas at hanggang ngayon ay inuudyok pa rin siya nito para ulitin ang ginawa niya noon na muntik na ngang ikapahamak ng kapatid niya.

Walang kaso sa kanya kung mapapatay niya si Trevor dahil sa ginagawa nitong pang-aagaw sa babaeng mahal niya. Maging pati na sa mga dati niyang kaibigan ay nagagalit rin siya dahil minahal na ng mga ito si Rica at nahulog na din ang loob ng dalaga sa kanila.

Hindi siya makapaniwala na magkakagusto si Rica kay Trevor at sa mga kaibigan niya. Kung hindi lang sana niya dinala ang dati niyang nobya sa condo unit niya at doon ay patirahin malamang ay hindi nito makikilala ang mga kaibigan niya.

Kasalanan niya ito at masyado siyang nagtiwala sa mga taong ang akala niya ay hindi siya magagawang traydurin at ahasin.

"How's your meet-up with her?" nakangising tanong ng lalake kay Sage.

"As I expected, pinagtabuyan niya ako. She doesn't love me anymore but I don't care." sagot naman ni Sage.

The guy crossed his arms and legs. "Ganyan ka na ba talaga kabaliw kay Rica? Na maging pati ang sarili mong kapatid ay kaya mong patayin para lang sa kanya?"

Tinignan lang naman ng seryoso ni Sage ang lalake. Sa totoo lang ay may pag-aalinlangan naman talaga siyang patayin si Trevor dahil kahit ano pa man ang mangyari ay kapatid at kadugo niya ito pero mas lalo lang dumadagdag sa pag-uudyok sa isipan niya na tuluyan na itong mawala sa landas nila ni Rica nang dahil sa lalakeng kaharap niya ngayon.

Hindi siya makapaniwala na gusto rin nitong mamatay na si Trevor. Naiinggit rin pala ito ng palihim sa lalake dahil maging pati ito ay may gusto rin kay Rica.

This guy was his rival for Rica's heart pero kailangan niya nang kakampi ngayon dahil ang mga kaibigan niya ay trinaydor lang siya at hindi na siya itinuring pang kaibigan nang dahil sa walanghiya niyang kapatid.

Sage smirked. "Yes. I'm crazy and obsessed with Rica at ikaw rin nanan kaya ano ba ang pinagkaiba natin?"

The guy just laugh on what he said. "Sage boy, love is very intoxicating and perilous. Pareho nating nararamdaman ang pagmamahal na 'yon kay Rica kaya ginagawa natin ang bagay na 'to para lang tuluyang mawala isa-isa ang mga lalakeng gusto siyang angkinin at kunin. What we've feel about her is love and obsession. Fine, aaminin ko na ring obsessed ako sa kanya but I'm not like you na padalos-dalos sa mga hakbang na ginagawa para lang makuha siya. I'm using my brain than yours at sana 'wag ka namang kumilos na parang bata!" he insulted Sage na sinamaan naman siya ng tingin.

"Then what can I do? I'm so desperate to have her right now. She's way more gorgeous and sexier than I saw her before at mas lalo lang talaga kaming naging bagay dahil parehong nag-improve ang mga itsura namin." Sage hissed in annoyance.

Sa tuwing naaalala niya ang maganda at sexy na mukha ni Rica nang makita niya ito isang linggo na ang nakakalipas ay gustong-gusto na niya itong sunggaban sa hotel na tinutuluyan nito at angkinin ulit sa pangalawang pagkakataon pero pinigilan niya ang sariling gawin iyon.

Katulad nga ng sinabi ng lalakeng kaharap niya ay hindi siya dapat magpadalos-dalos sa mga plano at hakbang nila. May tamang timing para dito.

"Yeah, whatever. Nag-improve ka nga sa itsura mo pero hindi ka naman niya mahal at ayaw na niyang bumalik pa sa'yo so paano na 'yan?" The guy said teasely and drink his cappuccino coffee.

"It doesn't matter if she loves me or not, ang mahalaga ay makuha ko siya ulit at sa akin lang siya." madiing sabi ni Sage.

Matagal na niyang alam na hindi na siya kailanman na mamahalin pa ulit ni Rica dahil sa laki ng mga kasalanang nagawa niya rito. May naging kalandian pa itong ibang lalake sa amerika at hindi hamak na mas gwapo at maskulado pa siya kaysa sa kanong iyon.

Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon