NANG masundan ni Rica si Yruma sa loob ng resthouse ay nagdire-diretso si Yruma hanggang sa makapasok sila sa kwarto na tinutuluyan nito.
Umupo si Yruma sa kama at nailamukos nito ang mukha gamit ang dalawang palad. Hindi naman maiwasan ni Rica na maawa sa bagong kaibigan dahil napahiya ito kanina sa mga pinagsasabi ng nakatatandang kapatid nito na si Calvin.
"Yruma?" pagtawag ni Rica sa binata.
Doon lang napatingin si Yruma kay Rica. Hindi na niya napansin ang dalaga na sinundan pala siya hanggang sa makarating siya sa loob ng kwarto niya.
"W-Why are you here? Bumalik ka na do'n at baka hinahanap ka na nila." sabi ni Yruma sa mababang boses.
Bumuntong-hininga naman si Rica saka ito umupo sa tabi ni Yruma.
"Alam mo, isa ka sa pinakamabait na taong nakilala ko bukod sa mga magulang ko at kay Lola Pacita." nakangiti nitong ani.
"Why?" tanong ni Yruma.
"Dahil kahit ilang beses ka nang pinapahiya at sinasabihan ng masasakit na salita ng kuya mo ay hindi mo pa rin siya magawang labanan at saktan. Nirerespeto mo siya dahil nakatatanda mo siyang kapatid." sa sinabi ni Rica ay malungkot na napangiti doon si Yruma.
"I love my brother and sister and I don't want to disrespect them. I admitted that I am weak and I have no strength to defend myself from Kuya Calvin. He's already a successful Licensed Engineer at maraming achievements sa buhay samantalang nag-aaral pa ako at walang maipagmamalaki. I am burden to my parents." malungkot nitong sabi.
Hindi man expressive ng nararamdaman niya si Yruma at tahimik lang ito madalas ay alam ni Rica na sobra na itong nasasaktan sa mga nangyayari.
Hinawakan naman niya ang balikat ni Yruma at hinaplos ito na ikinagitla pa nito sandali. "You are not weak because you know how to control yourself and respect him but your brother is weak. Why? Because he wants to look down on you and that's his only way to the jealousy he feels to you. Oh, ano? English 'yon, ah?" tumawa si Rica matapos sabihin iyon na ikinangiti na sa wakas ni Yruma.
Ang gwapo-gwapo ni Yruma lalo na kapag nakangiti pero palagi nalang itong pinapalungkot ng kuya nitong pinaglihi yata sa sama ng loob.
"You make me happy right now, Rica. Thanks for following and joining me here." seryosong sabi ni Yruma at hinawakan nito ang isang kamay ni Rica.
May sasabihin pa sana si Rica nang kaagad siyang niyakap ni Yruma nang mahigpit na parang ayaw na siyang pakawalan pa sa mga bisig nito.
"Please don't leave me, Rica. I can't stand up for myself without you anymore..."
Bumilis ang pagtibok ng puso ni Rica pagkatapos sabihin ni Yruma iyon. Itanggi man niya o hindi ay nararamdaman rin niya ang nararamdaman niya para kay Zian na ngayon ay iniiwasan na siya.
Nang bigla niyang maisip si Zian ay niyakap nalang niya pabalik si Yruma.
"Oo. Hinding-hindi kita iiwan, Yruma." buong puso niyang pangako.
"Thank you," mahinang sambit ni Yruma.
Ang hindi alam ng dalawa ay sinundan sila ni Wenhan na nakasilip lang sa nakaawang na pintuan na hindi gaanong naisara ni Yruma.
Bumilis ang paghinga ni Wenhan sa bigat na nararamdaman niya ngayon at mariing ipinikit ang kanyang mga mata nang dahil sa eksenang ayaw niyang nakikita ngayon.
Pagkamulat niya ng mga mata ay sumama ang tingin niya kay Yruma na nanatili pa ring nakayakap kay Rica. Naikuyom nalang niya ang magkabilang kamay niya.
Dahan-dahang naglakad papaalis si Wenhan sa tapat ng pintuan ng tinutuluyang kwarto ni Yruma at nagtungo siya sa balcony ng resthouse para pahupain ang masama niyang pakiramdam.
BINABASA MO ANG
Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)
Lãng mạnRica was a cheerful, sweet, and family-oriented young lady until something unexpected occurred in her life that devastated and saddened her. Sage, her boyfriend, rescued her and offered a temporary residence in his condo unit with the company of his...