Chapter 37

24.1K 871 489
                                    

SINAMAHAN ni Essam si Rica sa restaurant ng Lolo Perry niya. Maagang nagising ang binata sa pagkakatulog nito. May mga binili na itong breakfast meals pagkagising pa lang niya na sa tingin niya ay binili lang nito sa lobby area ng 5-star hotel na tinutuluyan nila ngayon.

Essam is taking care of her. Ginagawa talaga nito ang duty bilang fiance niya at hindi inintindi ang sinabi niya kahapon na nililigawan na siya ng limang magkakaibigan.

Hindi na muna niya sinasagot ang texts at tawag ng mga ito dahil panigurado na uulanin lang siya ng mga tanong at pag-aalala ng mga ito sa kanya lalo na't kasama niya ngayon si Essam.

Maybe she will talk to them tomorrow at maglalaan muna siya ng oras para kay Essam at dahil na rin sa pinapagawa nitong pagpapaganda sa libingan ng mga yumao niyang grandparents at mga magulang na kailangan niyang tignan. They will going to visit her grandmother's tomb later at sa loob ng apat na taon ay ngayon lang ulit makakadalaw si Rica sa puntod ng Lola Pacita niya. She missed her so much.

Sila Thalia at ang mga empleyado sa restaurant ay malugod silang binati ni Essam pagkapasok nila sa loob ng restaurant. Ang mga babaeng empleyado naman ay tila napako ang mga mata kay Essam habang nakangiti ang binata sa kanila.

She can't blame these girls, Essam is a handsome and hottie guy.

Rica monitor the restaurant at maayos naman ang lagay nito. Wala nang aberya ang nangyayari at nang sinunod ni Thalia ang opinyon niya na dagdagan ng tamis ang mga desserts na sineserve sa restaurant nila ay nagustuhan raw ng mga customer ang pagbabago ng lasa ng mga pagkain kaya mas lalo pang nadagdagan ang mga taong kumakain sa restaurant nila.

Inumpisahan na rin pala ang expansion sa second floor ng restaurant at ngayon lang niya ito nakita makalipas ng isang linggo dahil naging busy siya sa panliligaw stage sa kanya nila Trevor, Zian, Wenhan, Ran at Yruma.

Pagkatapos niyang bumaba galing sa second floor ng restaurant ay nakita niya si Essam na nakaupo sa isang table habang abala ito sa paggamit ng cellphone. Hindi naman napapansin ng binata na kanina pa siya tinitignan at pinag-uusapan ng mga estudyanteng babae na nasa kabilang table lang nito.

Napailing si Rica nang lumapit kay Essam at umupo sa bakanteng upuan sa tapat nito. Awtomatiko namang itinigil ni Essam ang paggamit ng sariling cellphone saka ito itinabi sa gilid ng lamesa at nginitian siya.

"This restaurant is doing well. I like the environment and ambiance here. Thalia and the employees are nice, too." nakangiting sabi ni Essam sa kanya.

Narinig pa ni Rica ang mahinang pagtili ng mga estudyanteng babae nang makita nilang ngumiti si Essam.

Ang lakas talaga ng karisma ng lalakeng ito lalo na pagdating sa mga babae. Sa amerika pa lang ay napansin na niya iyon. May mga dati pa nga itong amerikanang girlfriends na hanggang ngayon ay naghahabol pa rin sa binata pero hindi na ito pinapansin pa ni Essam dahil tuluyan na talaga itong nagbago simula nang makilala siya.

Kahit si Rica ay nanibago rin kay Essam. Nang isang linggo niya itong nakasama sa Pilipinas bago sila magtungo sa amerika ay mayabang ito kung magsalita, maarte at masyadong mataas ang bilib sa sarili. He reminds her of Sage simula nang lumabas ang tunay na kulay ng lalakeng iyon.

But now is different, after a months in america four years ago ay napansin niyang minsan nalang kung magsalita si Essam. Palagi na itong tahimik at nahuhuli niyang nakatitig lang sa kanya. Then later he admitted that he fell in love with her.

Essam knew her answer. He agreed sa fiance thingy na gustong mangyari ng Lolo Perry niya sa kanilang dalawa. Essam was so desperate to have her. Naging ultimo'y stalker niya ito at umaaktong boyfriend niya na ipinagkakalat sa lahat ng mga kakilala nila sa amerika ang balitang iyon.

Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon