Chapter 26

31.1K 974 564
                                    

SINABI na ni Trevor kay Rica ang lahat ng mga nalalaman niya. Ayaw na niyang magtago pa ng lihim sa dalaga dahil may karapatan naman itong malaman ang katotohanan sa kung anong ginawa ng kapatid niya rito.

Inamin na rin niya ang kasalanang ginawa niya noon, ang pangungumbinse kay Sage para hiwalayan si Rica dahil sa mga maling akala niya patungkol dito maging pati na rin na siya ang nagpadala ng larawan na kung saan ay hinalikan ni Krissy si Sage sa cafe shop.

Tahimik lang na umiiyak si Rica nang sabihin niya ang lahat ng iyon. Hindi niya rin ito masisisi kung tuluyan na itong magagalit sa kanya at hindi na siya muling papansinin pa.

"Are you mad at me, Rica?" Trevor asked softly to Rica.

"H-hindi naman ako galit sa'yo, Trevor. Kung hindi mo nga ginawa 'yon, malamang ay nakakulong pa rin ako kay Sage. 'Y-yung baby namin, bunga lang pala 'yon ng pananamantala ni Sage sa akin." mahina namang sabi ni Rica at napahikbi ito.

Trevor feel sympathy for Rica. Marami na itong hirap at sakit na pinagdadaanan ngayon. Nalaman pa nito ang mga ginawa ni Sage kaya kailangan nito ng karamay at siya iyon kahit na may nagawa rin siyang kasalanan sa dalaga.

"Maybe God has a purpose kung bakit hindi pa niya binuhay sa ngayon ang baby mo." ngumiti si Trevor at hinawakan nito ang isang kamay ni Rica.

"Naalala ko tuloy bigla ang sinabi ni Zian sa akin noon dahil sa sinabi mo," si Rica naman ay ngumiti ng mapait nang maalala nito si Zian.

Nawala naman ang ngiti ni Trevor nang mabanggit ni Rica ang isa sa mga kaibigan ni Sage.

"Why?" Trevor asked.

"Isipin mo nalang rin na hindi pa siguro tamang panahon na mabuhay sa mundo natin ang baby mo, na bumalik ulit siya kasama si God at ang iba pang anghel doon. I'm not a religious person but I still believe in God and heaven."

Tanda-tanda pa ni Rica ang mga sinabi sa kanya ni Zian na tumatak sa isipan niya. Isa si Zian sa dahilan kung bakit kaagad niyang natanggap ang pagkawala ng anak niya at ngayong hindi sila magkaayos ni Zian ay labis siyang nalulungkot doon.

"He said that? Zian was never like that. Hindi ko pa nga 'yon nakakausap ng seryoso at masinsinan ever since we're a kids. He's a quite type of guy like Yruma." sabi naman ni Trevor nang sinabi sa kanya ni Rica ang sinabi raw noon ni Zian.

Nakumpirma na niyang may nararamdaman rin sina Zian at Yruma para kay Rica. Lalo na si Yruma na umakto ng kakaiba kanina sa flower shop nang marinig at makita niya ang sinabi at ikinilos nito sa harapan ni Rica.

Mukhang marami siyang magiging karibal sa puso ni Rica pero hindi siya magpapatalo sa mga ito lalo pa't malapit na sila ni Rica at kaunti nalang ay baka pwede pang mag level-up ang pagkakaibigan nila.

"Ganon ba? Mabait si Zian at nagustuhan ko rin siya dahil doon kaya nga hindi ko na napigilan na halikan rin siya pabalik. Pero ngayon, alam kong galit pa rin siya sa akin dahil iniisip niyang ako ang dahilan kaya nasisira ang samahan ng pagkakaibigan nila-"

"No. It's not your fault, Rica. Pwede bang itigil mo na 'yang paninisi mo sa sarili mo? Isa pang ganyan at hahalikan na talaga kita." pananakot ni Trevor na ikinalaki naman ng mga mata ni Rica.

"A-ano?"

Ngumiti lang naman ng nakakaloko si Trevor. "Hahalikan kita kapag hindi mo pa itinigil ang paninisi mo sa sarili mo kako." pag-uulit nito.

Bigla namang namula doon si Rica at umiwas nalang ito ng tingin kay Trevor dahil sa hiyang naramdaman sa sinabi nito. Sumeryoso na ulit ang mukha ni Trevor at tumikhim ito.

"So, do you want my brother to put in jail? Hindi ibig sabihin na nakababata ko siyang kapatid ay tama lang na kunsintihin ko siya sa maling ginawa niya sa'yo. Kailangan niyang magbayad sa ginawa niya at handa kitang tulungan na ipakulong siya." sabi niya na kaagad namang ikinailing ni Rica.

Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon