Chapter 25

28.8K 923 439
                                    

TRIGGER WARNING! ⚠︎

"I'M breaking-up with you. Nagsasawa na ako sa'yo."

Isang malakas na sampal ang natamo ni Sage mula kay Krissy. Umiiyak na ang babae habang may galit ang mga mata nitong nakatingin kay Sage.

"Pagkatapos kong ibigay lahat sa'yo, Sage? Makikipaghiwalay ka na kaagad sa'kin? Ginawa ko naman ang lahat para mapaligaya kita sa kama tapos aayawan mo na ako?" sigaw ni Krissy habang umiiyak ito.

Ngumisi lang naman si Sage at marahang hinimas ang pisngi niyang sinampal ni Krissy. "Krissy, in the first place ay hindi na kita mahal. I only used you to satisfy my needs as a man. Simula nang nakipaghiwalay ka sa akin ay 'yon na ang katapusan ng relasyon nating dalawa kaya 'wag ka ngang mangarap ngayon na mahal pa rin kita-"

Muling sinampal ni Krissy si Sage at sa kanang pisngi naman ng binata tumama ang sampal nito. Doon na sumama ang tingin ni Sage sa kanya.

"You're such a jerk! Sinamantala mo ang nararamdaman ko sa'yo para gamitin ako. Bakit? Dahil 'yong Rica na 'yon ang mahal mo at hindi na ako?" sigaw ni Krissy.

"Nagtatanong ka pa, e alam mo naman pala ang sagot. Oo, si Rica lang ang mahal ko at tanging sa kanya lang ako. Napapaligaya mo lang ako sa kama pero hindi ibig sabihin nun na mamahalin ulit kita. Kumpara kay Rica ay marumi ka na, Krissy. Ilang beses ka bang ginamit ng kapatid ko? Maraming beses na, 'di ba? Kaya hindi na ako mag-aaksaya ng panahon sa basurang katulad mo." panunuya pa ni Sage na kung pagsalitaan ang dating nobya ay para bang hindi niya ito minahal at kinabaliwan.

"I hate you, Sage. I hate you so much!" umiiyak na sabi ni Krissy bago ito tumakbo papalabas sa loob ng opisina niya.

Itinuloy nalang ni Sage ang pag-inom niya hanggang sa maisip na naman niya si Rica. Kahit pala gumamit pa siya ng ibang babae para punan ang pangangailangan niya bilang isang lalake ay si Rica pa rin ang tanging hinahangad niya.

Ginawa niya noon ang lahat para lang angkinin ito kahit pa ang traydurin si Trevor dahil talaga namang nagustuhan niya si Rica. Gumamit na rin siya ng maruming paraan para makuha ito. Nagbunga nga ang ginawa niya pero nawala rin ang anak nila ni Rica nang dahil kay Krissy.

Si Krissy talaga ang may kasalanan kung bakit nawala ang anak nila ni Rica at wala siyang kasalanan doon. Kung hindi nagpakita ang babae sa kanya ay hindi sana siya malilito sa nararamdaman niya kaya tama lang na saktan niya ito at makipaghiwalay na sa relasyon nilang tawag lang naman ng laman ang tanging nagkokonekta sa kanila.

Nang maubos na ni Sage ang isang bote ng beer na kanina pa niya iniinom ay kaagad na siyang lumabas sa loob ng opisina ng restaurant niya at tinignan ang lagay ng mga empleyado niya.

Maayos naman ang pagtatrabaho ng mga ito at medyo marami rin ang customer nila ngayong araw kaya nagbilin nalang siya sa itinalaga niyang manager na si Nate na kung may kailangan ang mga ito sa kanya ay tawagan nalang siya.

Ngumiti ng mapait si Sage at tinignan muna ang restaurant niya bago siya nagmaneho papaalis. Sa restaurant rin kasi niya mismo unang nakilala si Rica.

"Bro, who's that chick? Is she an american?" nakangiting tanong ni Trevor kay Sage at itinuro nito ang isa sa mga empleyado ni Sage nang bumisita ito sa restaurant niya.

Ang bago niyang hinire na waitress na si Rica ang tinutukoy ni Trevor. Amerikana raw ang ina ni Rica base sa ikwinento nito sa kanya kaya mahahalata sa dalaga ang may halong pagkabanyaga nitong itsura dahil sa kulay asul na abuhing mga mata, brunette na buhok at maputing balat.

"She's Rica. My employee. Half american siya. Her mother is an american. Sinabi niya 'yon nang ininterview ko siya sa job opening ko dito kahapon." sagot naman ni Sage sa kanyang kapatid.

Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon