Chapter 17

28.4K 955 850
                                    

Warning: Some scenes are inappropriate for young readers.

PAGKATAPOS ng tatlong araw na bakasyon nila Rica, Zian, Sage, Wenhan, Ran, Yruma at sina Emily at Maru sa Coron ay umuwi na rin sila sa Maynila. Kahit papaano'y naenjoy rin naman ni Rica ang bakasyon nila doon dahil nakasama nito ang kaibigan niyang si Emily.

Sabado ngayon at nasa condo unit ang limang magkakaibigan. Marahil ay napagod rin sila sa layo ng byinahe nila mula sa Palawan pabalik sa Maynila at gusto munang makapagpahinga ng mga ito ngayong araw.

Nakaupo sa sofa sa sala sila Wenhan, Ran at Yruma habang lumabas muna si Sage para bumili ng take out dinner nila. Wala na rin kasi silang lakas na magluto pa kaya nagpresinta nalang si Sage na ito ang bibili ng pagkain nila.

Nakita naman ni Rica na nagpunta kanina si Zian sa may balcony kaya sinundan niya ito para makausap.

Nang makarating na si Rica sa balcony ay nadatnan niya doon si Zian na nakatanaw lang sa tanawin at tila may malalim na iniisip habang parehong nakakrus ang mga kamay. Napansin kaagad nito ang presensya niya kaya tumingin siya rito.

Katulad nang kahapon ay wala pa ring nagbago doon. Malamig na ang bawat tingin ni Zian sa kanya hindi na katulad noong una niya itong makilala.

"Zian, pwede ba kitang makausap?" tanong ni Rica habang unti-unti itong lumalapit kay Zian.

Hindi sumagot si Zian at tinitigan lang niya si Rica na lumalapit sa kanya. Hindi man niya aminin kay Rica ay may pakiramdam na si Rica na baka may nagawa siyang kasalanan sa binata kaya ngayon ay tinatrato nalang siya nitong parang hindi nag-eexists sa paligid nila.

"M-may problema ba tayo? May nagawa ba akong kasalanan sa'yo kaya ngayon ay iniiwasan mo na ako?" malungkot na tanong ni Rica kay Zian.

"Are we that close para itanong sa'kin 'yan?"

Nagulat si Rica sa sinabi ni Zian na may tunog sarkasmo. Mas lalo siyang nanlumo sa narinig dahil mukhang nag-assume lang siya na magiging isa sa malapit na kaibigan niya si Zian.

"I only saved you from danger because I'm just a concern citizen." sagot pa ni Zian saka ito umiwas ng tingin kay Rica at tinanaw nalang ang view mula sa itaas ang condo unit.

"H-hindi ba tayo magkaibigan?" nautal pang tanong ni Rica dahil gusto niyang malaman kay Zian kung kahit ba papaano'y itinuring siya nitong kaibigan.

Muling tumingin sa kanya si Zian sa malamig nitong mga mata. "Never."

Sa sinabi nito ay nakaramdam ng kirot sa dibdib si Rica. Yumuko lang siya kay Zian at pagkatapos ay dahan-dahan na siyang naglakad papaalis.

Hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit sobra siyang nasasaktan dahil hindi sila magkaayos ni Zian. Umasa siyang magiging malapit sila sa isa't-isa dahil pareho silang may pinagdadaanan na mabigat sa buhay. Napaka assuming talaga niya para makipagkaibigan kay Zian na mayaman at malayo na ang narating sa buhay.

Sinamahan nalang niya sa sala sila Wenhan, Ran at Yruma para hintayin si Sage sa pagkaing bibilhin nito para sa dinner nila. Nang dumating na si Sage dala ang mga pagkain ay tahimik silang kumain.

Wala ni isa sa kanila ang balak magsalita. Maging pati na rin sina Wenhan at Ran na hindi mauubusan ng sasabihin ay tahimik lang. Baka marahil talagang pagod lang ang mga ito sa biyahe at wala nang lakas pa para magsalita.

Nang matapos na silang kumain na hindi kasama si Zian ay sina Rica at Sage na ang nagpresintang magliligpit at maghuhugas ng mga pinagkainan nila. Wala namang angal doon sina Wenhan at Ran na kaagad nang pumasok sa loob ng kwarto nila habang si Yruma naman ay tinanguan lang si Rica at sinabing magre-review pa ito para sa darating na exam nila bukas.

Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon