PAGKALABAS ni Trevor sa loob ng kanyang kotse ay napangiti siya habang tinitignan ang condo building kung saan ay nandito ang unit ng kanyang nakababatang kapatid na si Sage. Ngayon lang siya nagkaroon ng bakanteng oras sa trabaho niya para man lang mailibang ang sarili.
Kapag may bakante siyang oras ay awtomatikong magpupunta siya sa bar at maghahanap ng babaeng magpapainit sa katawan niya pero ngayon ay may isang babae siyang gustong makita na walang katumbas sa mga babaeng mahihila lang niya sa bar at ibibigay ang sarili nila sa kanya.
He didn't stop liking Rica. Simula nang makita palang niya ito na nagtatrabaho sa restaurant ni Sage ay kaagad nang napukaw ang atensyon niya rito. Liligawan sana niya ito pero talaga ngang gago si Sage at ayaw siya nitong malamangan kaya noong nakatunog ito na gusto niya si Rica ay kaagad nitong niligawan ang babae para lang maungusan siya.
Hindi lang niligawan kundi pinagsamantalahan at binuntis pa kaya hindi talaga deserving si Sage para kay Rica. Mabuti at hiwalay na ang dalawa. Ang pagkawala rin siguro ng anak nila Sage at Rica ang isa sa mga dahilan para maputol na ang relasyon na hindi na dapat ipagpatuloy pa.
Sage is a selfish brat. Kaya noon palang ay namumuhi na siya sa sarili niyang kapatid ay dahil alam naman nito ang mga hakbang na ginagawa para lang maging panghuli siya at hindi niya makuha at magawa ang mga nais niyang gawin.
Nagrerebelde si Trevor sa pamilya niya dahil kung itatro siya ng mga ito ay parang hindi siya nanggaling sa dugo ng mga Dela Vega. Ang tingin sa kanya ng pamilya at mga kamag-anak nila ay isa siyang troublemaker at walang magandang maidudulot sa angkan nila.
Pinanindigan nalang ni Trevor iyon kaya kung kani-kanino nalang rin siya nakikipagbasag-ulo at lumilikha ng gulo para ipakita ang gusto nilang makita sa kanya. Wala na siyang pakialam sa iisipin ng mga ito sa kanya dahil bata pa lang siya ay alam niyang hindi na siya itinuturing na Dela Vega ng sariling pamilya at mga kamag-anak.
He choose to live alone and work to his college friend, Marlon's company. He's earning enough para buhayin ang kanyang sarili. Hindi na niya kailangan ang tulong ng pamilya niya. He wants to be free kaya nagdesisyon siyang tumayo sa sariling mga paa after he graduated Civil Engineering in college.
Papasok na sana si Trevor sa loob ng condo building nang may mahigip ang mga mata niya. Nakita niya ang paparating na kotse ni Calvin at ipinark ito sa parking na kung saan ay ipinarada niya rin doon ang kotse niya. Pagkalabas ni Calvin sa loob ng kotse nito ay nagulat pa ito nang makita siya.
"Trevor? What are you doing here?" tanong ni Calvin.
I want to see Rica. Iyon ang gustong sabihin ni Trevor pero hindi niya magawa dahil alam niyang may interes si Calvin sa ex-girlfriend ni Sage. Inamin na mismo ni Calvin sa kanya na si Rica ang babaeng tinutukoy nito sa Coron noong binanggit nitong gusto na nitong magkaroon ng girlfriend dahil may natitipuhan na itong babae.
Of all the girls out there, bakit si Rica pa?
"Ah, d-dalawin ko lang sana si Sage para tignan dito ang kalagayan niya." nautal pang sabi ni Trevor at lumunok ito sa nerbyos na nararamdaman.
Kapag nalaman ni Calvin na may gusto siya kay Rica ay paniguradong magagalit ito sa kanya at baka nang dahil do'n ay masira pa ang pagkakaibigan nila kaya sa ngayon ay ililihim muna niya ang pagkagusto rin niya kay Rica.
Ngumiti naman si Calvin kay Trevor at inakbayan ito. "Is that so? Then sabay na tayong pumunta sa unit ni Sage. I want to see Rica that's why I went here. This day is our day off and I want to spend my time by looking at her beautiful face."
Calvin is in love. Ayon ang nakikita ni Trevor sa mga mata ng para na rin niyang nakatatandang kapatid. Ngayon lang rin niya nakitang ngumiti ng totoo si Calvin.
BINABASA MO ANG
Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)
عاطفيةRica was a cheerful, sweet, and family-oriented young lady until something unexpected occurred in her life that devastated and saddened her. Sage, her boyfriend, rescued her and offered a temporary residence in his condo unit with the company of his...