Chapter 34

24.2K 896 700
                                    

PAGKATAPOS kumain ni Rica ng tinolang manok na niluto para sa kanya nina Wenhan at Ran, sa huli ay kasama niya ang limang lalake na mag-inuman sa loob pa rin ng hotel room niya.

Tama nga si Wenhan, hindi naman ganoong nakakalasing ang iniinom nila ngayong San Mig Light. It has a mild flavor at kaunting alcohol mixture lang siguro ang inilagay dito ng manufacturer. It taste good actually kaya matapos nilang maubos ang sampung bote ng alak na ito ay muling bumili sina Wenhan at Ran ng panibago.

Tahimik lang silang umiinom. Hindi na naman maiwasan ng mga lalakeng kasama niya na titigan at pagmasdan siya. Awkward man iyon para sa kanya ay unti-unti na rin siyang nasasanay sa mga ito.

She's gorgeous and sexy kaya sino ba namang lalake ang hindi siya titignan at pagmamasdan?

About what happened earlier, naaalala na naman niya ang sinabi sa kanya nina Yruma at Trevor. Ayaw niyang maging marupok but what she can do about that?

Polyamous relationship was not a bad thing naman, 'di ba? As long as you love them and they also love you. Wala naman kaming matatapakang ibang tao kahit weirdo man sa paningin ng iba ang klase ng relasyon na iyon.

She loves these guys, at sa mga nagawa nitong kasalanan noon sa kanya, they're already forgiven dahil matagal na rin naman iyon at hindi pa sila gaanong nagmatured that time. Nabawasan na rin ang galit niya nang nalaman pa niya kay Wenhan na balak sana siyang pigilan ng mga ito sa pag-alis niya papuntang amerika pero hinarang lang iyon ni Sage.

Speaking of his ex-boyfriend, ano na kaya ang nangyari do'n? She can't believe na magagawa nitong balak patayin ang sariling kapatid nang dahil lang sa kanya.

"How's your real score between that american blonde guy?"

Rica look at Trevor na biglang nagtanong sa kanya. He's obviously pertaining to Essam na nakilala na nito 4 years ago dito sa Pilipinas.

Rica bit her lip and sigh. "He's now my fiance." sagot niya.

Kailangan niya iyong aminin sa mga ito. Naging mabait sa kanya si Essam sa nakalipas na apat na taon. Malaki na rin ang ipinagbago ng ugali nito kumpara noong una niya itong nakilala. Hindi na ito arogante, maselan at mataas ang bilib sa sarili. Malaking epekto siguro sa lalake na minahal siya nito.

Yes, he's still possessive and selfish when it comes to her pero hindi siya nito kailanman sinaktan o pinilit sa isang bagay na ayaw niya which is kiss and sex.

Halos nahalikan at nahawakan na ni Hudson ang buong katawan niya pero si Essam ay hindi, tila manhid na rin ito kapag nakikitang kahalikan niya si Hudson sa bar at halos magtalik na rin sila ng binata.

Rica knows na nasasaktan niya si Essam. Nagmamahal lang rin ito sa kanya but she doesn't deserve him in the first place. Sinabi niyang tigilan na siya nito at wala siyang balak magpakasal dito pero masyado na talagang bulag si Essam sa pagmamahal sa kanya. Wala siyang magawa doon, hindi niya ito kayang mahalin katulad ng inaasahan nito sa kanya.

Because her heart only belongs to five.

Narinig niya naman ang mahinang pagmumura ni Trevor nang dahil sa sinabi niya.

Tinaasan naman niya ng kilay ang binata. "But wait, sigurado ka bang hindi ikaw ang ama ng ipinagbubuntis ni Krissy? Ano 'yong nakita kong picture ninyong dalawa na magkayakap?" tanong niya at muling tumungga ng hawak niyang San Mig Light.

Kumunot naman ang noo ni Trevor sa tanong niya at mukhang naguluhan ito doon. "Picture? May nakita kang picture namin ni Krissy na magkayakap?"

She nodded at nang maalala niya ang picture na iyon ay biglang dumaan ang sakit sa dibdib niya.

Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon