Chapter 38

26.9K 924 569
                                    

HINDI makapaniwala si Rica sa mga sinasabi sa kanya ni Maru. Mukha rin itong may pinagdadaanan dahil bukod sa nakikita niya ang galit sa mga mata nito ay nandoon rin iyong sakit.

"Watch your words before I ended up beating you." may diin namang saad ni Essam habang nakatitig na ito ng masama kay Maru.

Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Maru sa buong flower shop na para bang may nakakatawa sa sinabi sa kanya ni Essam.

"You want to beat me up? No worries, just do it now! Pero hindi mo ba alam na niligawan ko noon si Rica but in the end ay binasted niya lang ako at pinaasa? Are you still hoping na mamahalin ka niya? Alam mo sa sarili mo na hindi ka niya gusto dahil paasa siya!" sigaw ni Maru saka ito bumaling kay Rica na nagulat naman sa sinabi niya.

Why is he bringing up this right now?

Ang tagal na nang mangyari iyon at wala naman talagang nararamdaman na kung ano si Rica kay Maru noon pa lang. Alam niyang gusto na rin ito ni Emily simula pa nung una kaya mas lalo lang na hindi niya ito pwedeng payagang manligaw sa kanya. Ayaw niyang masaktan si Emily.

"Shut your mouth! Hindi ka pa titigil?" hindi na rin napigilan ni Essam na sumigaw at akmang susugurin na sana nito si Maru nang napigilan siya ni Rica.

"He's drunk. You don't need to do that, Essam." pakiusap niya kay Essam.

"But he's talking nonsense-"

"Kakausapin ko siya nang kaming dalawa lang. I think he has a problem." sabi naman ni Rica na ikinailing kaagad ni Essam.

"No. Hindi ko hahayaan na mag-usap kayong dalawa. Paano kung saktan ka niya? Look at his state, he's drunk and wasted!" nag-aalalang sabi ni Essam na napahawi na sa buhok niya.

Rica sighed and he face Maru again.

"Let's talk inside to your mini office, Maru." seryoso niyang sabi kay Maru.

"Sure." sagot naman ni Maru at ngumiti ito.

Tinanguan lang ni Rica si Lillian na mukhang natatakot sa kung anong mangyayari kung silang dalawa lang ni Maru ang mag-uusap. Si Essam naman ay akmang sasamahan siya nang pinigilan niya ito at pinandilatan ng mata.

Napailing nalang si Essam at tinignan nito ng masama si Maru. "If anything bad happens to her, you'll taste your own medicine, later." banta nito.

Ngumisi lang si Maru saka nito sinenyasan si Rica na sumunod sa kanya papasok sa loob ng mini office ng flower shop nila.

Nang makapasok na sila sa loob ay prenteng umupo si Maru sa pahabang couch na kulay itim. Nakita naman ni Rica ang mga basyo ng alak sa table ng binata at mga nagkalat na basura sa tiles na sahig ng office. Para bang ilang araw o linggo nang umiinom si Maru at tila napapabayaan na rin ang sarili.

Magulo ang buhok nito at may tumutubo nang kaunting bigote at balbas. Kilala si Maru sa pagiging clean decent guy sa unibersidad nila noon at ngayon lang niya nakita ang rough and edgy look nito kapag napapabayaan ang sarili. Ganon pa man ay hindi iyon kabawasan sa angking kakisigan nito.

"What is happening to you, Maru? Alam kong may problema ka kaya ka nagkakaganyan. Nag-away ba kayo ni Emily?" hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Rica at kaagad na siyang nagtanong kay Maru.

"Hey! Easy lang, tumabi ka muna sa akin at sasagutin ko 'yang mga tanong mo." nakangiti namang sabi ni Maru and he motioned to seat Rica beside him.

Tumabi naman si Rica sa binata na nakangiti pa rin sa kanya. Nag-iba na ang mood nito at nawala na ang kaninang galit at sakit na nakikita niya mula sa mga mata nito.

"Emily and I already broke-up." kaswal na saad ni Maru na ikinabigla naman ni Rica.

"B-bakit?" gulat na tanong ng dalaga.

Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon