RICA finally came back to the Philippines after 4 years. Pagkalabas pa lang niya ng NAIA airport ay kaagad na siyang nanibago sa mainit na klima ng Pilipinas kumpara sa malamig na klima sa amerika. Hindi niya mapigilang magmura dahil namamawis na ang kanyang leeg sa init ng panahon.
Nasa labas siya ng NAIA airport habang hinihintay ang magsusundo sa kanyang isa sa Manager ng lolo Perry niya sa branch ng restaurant nito sa Novaliches, Quezon City. Babaeng nasa 40's na ang edad na nagngangalang Thalia ang susundo sa kanya ngayon na nameet niya na rin noon nang magpunta ito sa Kensington 2 years ago para personal na makausap ang lolo niya tungkol sa dine-in restaurant business nila sa Pilipinas.
Ihahatid siya nito sa hotel na pansamantala muna niyang tutuluyan na malapit lang sa branch ng restaurant nila sa Novaliches. Habang naghihintay pa rin si Rica sa sundo niyang si Thalia ay napansin niya na napapalingon sa kanya ang mga taong nasa labas lang ng NAIA airport.
Of course, she's the center of attention dahil bukod sa may maganda siyang mukha at sexy na katawan ay marunong rin siyang magdala sa sarili niya. She wants to be fashionable and trendy always at minsan nga ay nagpapart-time model rin siya sa amerika as one of her hobbies aside from going to the gym.
She's wearing a peach crop top sando, faded high waist jeans and designer ankle boots from Dior. Nakasuot rin siya ng shades at color navy blue cap habang nakahawak sa kulay pula niyang maleta.
Mas lalong pumuti ang dalaga at nagpakulay rin ito ng buhok na kulay dark red na. She's beautiful before but she's more beautiful and gorgeous now at bulag nalang siguro ang hindi makaka-appreciate ng mala Megan Fox-a-like beauty niya.
Rica waited for 15 minutes outside the airport hanggang sa dumating na rin si Thalia na sundo niya. Kaagad naman siya nitong pinasakay sa dalang kotse nito at ihahatid na siya sa 5-star hotel na tutuluyan niya ngayon ng isa o mga dalawang linggo siguro.
"You need to rest for a while, Ma'am. Bukas ng umaga na lang kita susunduin sa hotel room mo para ipakita ko sa'yo ang kailangan mong ayusin sa restaurant niyo sa Novaliches. We only need your opinion bago kami gumawa ng hakbang to settle the problems." nakangiting sabi ni Thalia habang nagmamaneho ito sa driver's seat.
"No problem, Ms. Thalia. Thank you po pala sa pagsundo niyo sa akin sa airport." pasasalamat naman ni Rica sa ginang.
Nagbago man si Rica ay hindi pa rin mawawala sa kanya ang likas na pagiging appreciative at magalang sa mas nakatatanda sa kanya. Bilin sa kanya ng kanyang Lola Pacita niya noon na kailangan niyang maging marespeto at magalang sa kahit sinong tao na nakatatanda sa kanya ng doble sa edad niya.
"You're always welcome, Ma'am Rica. Napakabait nila Ma'am Marianne, Sir Perry at Ma'am Felicity sa aming mga empleyado niya kaya kailangan naming alagaan at ingatan ngayon ang prinsesa nila." sabi ni Thalia.
"You know my Mom?" tanong ni Rica habang nanlalaki ang mga mata sa gulat nang binanggit ni Thalia ang namayapa niyang ina.
"Oo naman. Nasa college palang si Ma'am Marianne ay nagtatrabaho na ako bilang waitress sa restaurant ng lolo mo bago niya ako i-hire na Manager. Pati ang kasintahan niya noon na ama mong si Ricardo ay nakilala ko na rin noon. Napakabait nila sa amin lalo na ang mga magulang mo, Ma'am Rica. Kitang-kita kung saan ka nagmana ng kabutihang loob." nginitian siya muli ni Thalia at dahil sa sinabi nito ay hindi na nakapagsalita pa doon si Rica at ngumiti nalang rin ito.
Natuwa siya nang malaman na likas na mabait pala talaga ang mga magulang niya. Kahit hindi na niya nakasama ang mga ito habang lumalaki siya ay sapat nang marinig niya sa ibang tao na mabuting tao pala talaga ang mga ito.
Mahigit isang oras rin bago sila nakarating sa 5-star hotel na tutuluyan muna niya pansamantala. May Cafeteria at restaurants naman raw sa lobby ng hotel kaya hindi na siya mamomroblema kung saan kakain ng breakfast, dinner and lunch. Kung gusto niya raw ay pwede siyang lumabas ng hotel at maglibot muna sa kabuuan ng Quezon City.
BINABASA MO ANG
Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)
RomanceRica was a cheerful, sweet, and family-oriented young lady until something unexpected occurred in her life that devastated and saddened her. Sage, her boyfriend, rescued her and offered a temporary residence in his condo unit with the company of his...