Chapter 32

25.4K 968 694
                                    

"SHE'S back." sambit ni Ran habang kaharap niya ngayon sila Trevor, Zian at Yruma.

"Muntik ko na siyang hindi makilala kanina. Ang laki na ng ipinagbago niya. Her appearance, her attitude and the way she speaks." sabi naman ni Yruma at napayuko ito sa kaisipang hindi na ang dating Rica na minahal nila ang babaeng nakita nila kanina lang.

"I've already expected that since she's living in United States." sabi ni Zian habang iniinom ang hawak nitong beer in can.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila makapaniwala na sa nakalipas na apat na taon ay muli nilang makikita si Rica. Hindi na nila kailangan pang sundan ang dalaga sa amerika dahil ito na mismo ang umuwi sa Pilipinas. Mga isa o dalawang linggo lang raw ang ilalagi nito sa bansa kaya ngayon ay nag-iisip na sila ng paraan kung paano ito magtatagal pa sa Pilipinas.

They want to reconciliate with Rica. Alam nilang malaki ang naging kasalanan nila sa dalaga dahil sa paninisi nila dito kung bakit nasisira ang pagkakaibigan nilang apat kabilang na doon si Sage. Wala itong kasalanan sa kung anuman ang ginagawa nila. Nadala lang talaga sila ng selos, galit at inggit sa isa't-isa kung mayroon mang lumalamang para mas mapalapit lalo kay Rica.

Lahat sila ay may gusto sa dalaga. Kaya nga nagkasundo sila na pare-pareho nilang susuyuin at muling ibabalik ang tiwala ni Rica sa kanila na sila mismo ang sumira noon. Iyon ang isa sa dahilan kung bakit may balak silang puntahan ito sa amerika.

Ngayon ay magkakasama pa rin ang apat na magkakaibigan sa iisang bubong at isama na rin doon ang pumalit sa pwesto ni Sage na kapatid nitong si Trevor. Dahil na rin siguro sa nasanay na silang magkasamang magkakaibigan sa iisang espasyo lang ay nagdesisyon nalang silang samahan si Trevor sa condo unit nito kahit marami naman silang pambili ng condo unit sa bawat isa sa kanila.

Gusto rin nilang mabantayan ng maigi si Trevor na ilang beses nang nakakatanggap ng death threats mula sa sarili nitong kapatid na si Sage. Sila ang nagbantay at nag-alaga kay Trevor sa ospital ng tatlong buwan at nakita nila ang sakit at paghihirap ng lalake na muntik pang bawian ng buhay sa ospital.

Hindi nila maatim na makikipagkaibigan pa sila kay Sage pagkatapos ng ginawa nito kay Trevor. Ni wala nga itong bahid ng pagsisisi sa ginawa nitong tangkang pagpatay sa kapatid. Tuluyan nang nilamon ng galit, inggit at pagkamuhi si Sage kaya maging pati sa kanila ay nagagalit rin ito dahil naging kaibigan na nila si Trevor.

"Kahit maging mataray pa siya, masungit o inglishera, walang nagbago sa nararamdaman ko para sa kanya. Siya pa rin 'yong Rica na una kong minahal at mamahalin ko hanggang sa huli." seryoso namang sabi ni Ran.

Totoo iyon. He never expecting anything from Rica bukod sa sana ay mahalin rin siya nito. Sapat na sa kanyang makita itong maayos, nakakaangat na sa buhay at successful. She deserves that because of her kindness and great attitude since then.

"Tell me, nagselos kayo kanina nung si Wenhan lang ang inapproach ni Rica at hindi ang isa sa atin." nakangising sabi ni Yruma at humalukipkip ito.

"Sino ba namang hindi?" sagot naman ni Ran at napailing ito.

"And earlier, nakita niyo ba ang ginawa ni Rica kay Krissy? She didn't took Krissy's hand at lumapit lang siya kay Wenhan." Out of curiosity na dugtong ni Yruma.

Doon ay napaisip si Trevor. Napansin niya rin kanina ang ginawa ni Rica kay Krissy. Hindi nito pinansin ang babae. Marahil ay iniisip siguro nito na asawa niya si Krissy at siya ang ama ng ipinagbubuntis nito base sa ekspresyon nito nang makita silang dalawa ni Krissy.

Pero bakit? May gusto rin ba sa'kin si Rica kaya parang nagseselos siya sa aming dalawa ni Krissy?

Hindi maiwasan ni Trevor na magkaroon ng pag-asa para sa kanilang dalawa ni Rica kung may gusto rin ito sa kanya. Kung totoo man iyon ay hinding-hindi na niya palalampasin pa ang tsansa sa dalaga.

Wished One, But Got Five (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon