Si Heneral at si Angel
***
Stella's POV
Nang makapag park na kami ay niyaya ko na si Heneral na bumaba. Nauna na kasi bumaba si Vedasto kahit hindi pa maayos ang pagkakapark ko. Naeexcite na daw kasi siya dahil bagong bago na raw ang mga suotan ngayon.
"Tara na, Heneral." Yaya ko sa sundalo.
Tinignan niya lang ako at sinubukang ibuka ang bibig, para bang may sasabihin pero hindi niya tinuloy. Maya maya pa ay napakamot siya sa ulo at bumuntong hininga.
"May problema ba?" Tanong ko sa kanya.
Umiling naman siya sa akin bago tipid na ngumiti.
"Oh sige.. tara na at bumaba." Yaya kong muli bago bumaba ng kotse.
"Grabe ang daming magagandang sasakyan binibini!" Si Vedasto na kulang na lang ay pumalakpak.
"May pera ka ba?" Tanong ko sa kanya out of nowhere.
"Wala, bakit? Para saan?" Balik niyang tanong sa akin.
Sinimangutan ko naman siya.
"Ang lakas mo magyaya ng shopping wala ka naman palang pera!" Sumbat ko sa kanya.
Naningkit ang mga mata niya at sinimangutan kami.
"Wala namang pera sa langit!" Masungit niyang sabi.
"For sure may ginto doon, sana nangutang ka muna kala San Pedro!"
"Huwag ka na nga mag reklamo, binibini! Ibabalik ko rin sa'yo ang magagastos mo ngayon balang araw!" Sabi niya pa sa akin. Talagang sure na siyang manlilibre ako today ah?
"At paano?!" Bulyaw ko sa kanya. Pasaway na Angel 'to, hindi marunong mag please!
"Sagot kita pag namatay ka! Sa langit ka mapupunta promise!" Makapag salita naman to akala mo Diyos!
"Paano, aber? Eh ikaw nga hindi makabalik ng langit!"
"Makakabalik din ako! Pinapaalis mo na ba ako? Oh gusto mong paunahin na lang kita doon?! Ikaw ang manghiram kala San Pedro!"
Angel ba talaga 'to? Iba tabas ng bibig eh!
Inilingan at inirapan ko na lang siya bago bumaling ulit sa kotse. Bakit ba ang tagal lumabas ng Heneral?
Idinukdok ko ang mukha ko sa window na malapit kay Heneral para makita kung ano ang ginagawa niya.
Halos lumuwa ang mga mata ko nang makitang hirap na hirap siyang kumawala sa seatbelt! Hindi niya siguro alam kung paano tanggalin ito kaya halos mag bending na ang heneral makaalis lang dito.
"Hoy tignan mo si Heneral!" Sabi ko kay Vedasto at hinablot siya agad.
"Aray naman huwag mo ako idukdok, mas—HALA HINDI KO NASABI KAY HENERAL PAANO TANGGALIN YON!"
Nang makaalis si Heneral Goyo sa seatbelt ay pinunasan niya ang sariling pawis mula sa kanyang noo. Bumuntong hininga at tumingin sa salamin.
Halos magkagulatan kaming tatlo dahil sa pagtama ng mga mata namin. Jusko Heneral, gulat ka ghorl?
Agad agad ko namang binuksan ang pintuan para makalabas si Heneral.
"Heneral, tara na.." Yaya ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin bago bumaling ng masama kay Vedasto. Bumuntong hininga naman siya bago ibinalik ang tingin sa akin at tumango.
Lumabas na rin naman ang Heneral at nag simula na kaming maglakad papunta sa entrance ng mall.
BINABASA MO ANG
Úlitimas Órdenes del General (GLO)
Historical Fiction"If this life isn't for us, then I'll pray that we meet again... in the right time... in the right place, in the right life."