Paghahanap at Pagtatagpo
***
Stella's POV
"Heneral!" Biglang sulpot ng boses ni Vedasto kaya napalingon ako sa kanya na nasa likod at pawis na pawis.
Itinaas niya ang kamay niya at sa isang iglap ay nawala ang intruder sa pagkakasakal sa kanya ng Heneral na para bang hinipan lang siya ng hangin. Tuluyan itong tumalsik sa loob ng bahay kasabay ng biglang pagsara ng malakas nung main door.
"Nababaliw ka na ba?!" Sigaw ni Vedasto sa Heneral na ngayon ay hinarap siya na may nakakatakot na tingin.
"Ikaw ang nahihibang dito Vedasto." Sabi ng Heneral, "Sana'y hinayaan mo akong gawin ang nararapat sa taong iyon!"
"Ang alin? Ang patayin siya?" Hindi makapaniwalang tanong ng Angel.
"Kung may mas malala pang parusa roon, iyon ang gagawin ko." Malamig na sagot ng Heneral.
Palipat lipat ang tingin ko sa kanila dahil napag gigitnaan nila ako. Ang Heneral kasi ay nasa harapan ko, habang ang Angel ay nasa likod ko. Kaya nakatagilid ako sa kanilang dalawa para pareho ko silang makita.
"Wala kang karapatan manakit ng ibang tao kahit pa gaano sila kasama!" Sigaw ni Vedasto sa kanya.
Umigting ang panga ng Heneral at nilapitan si Vedasto. "Hindi ako, ikaw."
Umayos ng tayo ang Angel tsaka hinarap ng maayos ang Heneral. Lumapit pa ito nang konti sa Heneral na akala mo'y may mas ilalapit pa sila sa isa't isa eh kulang na nga lang ay mag nose to nose sila.
"Ano?" Malamig na tanong ng Angel.
"Kung ayon ang paniniwala mo'y huwag mo akong ihalintulad sa iyo." The General said, "Hindi ako Anghel. Hindi tayo magkaparehas ng misyon. Sundalo ako. Trabaho kong parusahan ang sinomang alam kong lumalabag sa batas ng bayang ito."
"Sa kagustuhan mong mapatupad ang batas sa bayang ito, batas ng Diyos naman ang susuwayin mo." Vedasto answered. "Sundalo ka Heneral, hindi Diyos."
Napaawang ang labi ng Heneral sa naging sagot ni Vedasto sa kanya at hindi siya agad nakapagsalita. Tumingin sa gilid ang Heneral tsaka ngumisi na parang hindi makapaniwala. Maya maya pa ay ibinalik niya ang tingin kay Vedasto nang may nag aapoy sa galit na mga mata.
"Siya ang nag sulat ng buhay ko, itinalaga at binigyan Niya ako ng tungkulin na gampanan ang—"
"GOYO!" Sigaw sa kanya ni Vedasto na ikinagulat ko. Napatigil din ang Heneral sa pag sasalita at napatulala na lamang kay Vedasto. Para bang pati siya'y nagulat sa naging reaksyon nito at sa pag tawag nito sa pangalan niya.
Hindi ko pa nakita nang ganito kaseryoso ang Angel. Masyado akong nasanay na para siyang bata na tuwang tuwa lang sa mga bagay sa paligid. I've never imagine that he can be this mad.
Biglang umigting ang panga ng Heneral nang makabawi siya mula sa gulat na mas lalo ko namang ikinakaba. Bago pa tuluyang mag ka initan ang dalawa ay gumitna pa ako lalo dahil mukhang hindi nila ako napapansin dito. Baka mamaya biglang mag sabong pa 'tong dalawa at madamay pa ko. Ayos na ako sa isang sampal lang ngayong araw, wag na nilang dagdagan pa!
"Tama na!" Sigaw ko sa kanilang dalawa na ikinatingin nila sa akin. Napansin din sa wakas! "Tumawag na lang tayo ng pulis dahil walang patutunguhan pag nag away pa—"
Napatigil ako sa pag sasalita ng bigla akong hinatak sa braso ng Angel habang ang isang kamay niya ay chinecheck ang mukha ko. "A-Anong nangyari?"
Natawa naman ako sa naging reaksyon niya.
BINABASA MO ANG
Úlitimas Órdenes del General (GLO)
Historical Fiction"If this life isn't for us, then I'll pray that we meet again... in the right time... in the right place, in the right life."