Home
***Stella's POV
"Binibini....." I heard a whispered from the man who covered my mouth.
Mabilis ko itong nilingon at nakitang ang Heneral lang pala ito. Para naman akong mangiyak ngiyak dahil sa kabang naramdaman ko, tapos ang Heneral lang pala!
Dahan dahan niyang tinanggal ang kan'yang kamay sa bibig ko at doon ako bumuga ng hangin. Sunod sunod ang ginawa kong paghinga dahil sa kabang nararamdaman. Halos mag luha pa ang mata ko dahil sa takot pero pinigilan ko iyon dahil ayaw kong mag alala ang Heneral.
Wala rin kasi akong balak sabihin sa kan'ya ang natanggap ko ngayong box. Pakiramdam ko bibigyan ko lang sila ng aalalahanin eh alam ko namang busy rin sila sa buhay nila.
"Heneral naman!" Sigaw ko sa kan'ya tsaka siya hinampas sa dibdib. "Tinakot mo 'ko! Akala ko kung sino!"
Heneral twisted his lips and didn't answer. He just stared at me while welcoming all the hit I am giving to him. I bit my lower lip when I felt my eyes started to heat up because of the tears but I just shook my head to stop it from falling.
"Nakakabwisit ka! Nakakairita!" Paulit ulit kong sinasabi habang hinahampas ko siya.
Sobrang na f-frustrate ako sa nangyayari ngayon at wala akong mapaglabasan nito. 'Pag si Ate, alam kong gagawin niya ang lahat para lang wala akong problema sa buhay, kahit ano pa 'yan, at ayaw ko nu'n. Ang dami na niyang iniisip, dadagdag pa ako.
Kung kanila Heneral naman, sobra ko na silang naabala nitong nakaraang araw at naapektuhan na ang trabaho at health nila kababantay sa akin kaya ayaw ko rin silang abalahin pa. Masyado ako nagiging pabigat.
Kaya ngayon, sa sobrang frustration ko ang paghampas sa Heneral ang pinagbuntunan ko. Pero ang Heneral, nakatingin lang sa akin at hinahayaan lang ako sa ginagawa.
Tinititigan niya lang ako mata sa mata at hindi pinuputol ito kahit ano pang hampas ang ginagawa ko sa dibdib niya. Dahan dahan ko namang itinigil ang ginagawa ko nang mapagod at makuntento.
Heneral licked his lower lip while still looking at me intently. Pinagmasdan ko naman siya at kitang magulo ang buhok niya at may onting tubig pang tumutulo mula rito. Mukhang nag madali siya sa pag labas kaya't hindi na napunasan ang kan'yang buhok.
"W-Wag mo na akong gugulatin nang gano'n ha!" Bulyaw ko sa kan'ya.
Hindi siya sumagot. He just grabbed my waist and pulled me for a hug. Para namang bumigat ang pakiramdam ko roon at parang gusto kong umiyak anytime sa yakap ng Heneral.
Kahit kailan talaga 'tong yakap ng Heneral, kung ano ano ang kakaibang pinaparamdam sa akin!
"May problema ba binibini?" He softly asked while hugging me.
My lips started to shake. I badly want to tell him everything I learned tonight, even my thoughts and feelings right now but I don't think he needs to know.
"Wala Heneral.... Ano naman ang magiging problema ko?" Balik ko sa kan'ya. Sinubukang maging matatag ang boses para hindi niya mahalatang nag sisinungaling ako.
He didn't respond and just hugged me tight. Hindi ko alam kung naniniwala ba siya pero wala na akong pakialam doon. Basta't paninindigan ko na hindi ako magkukwento kahit kanino. Ako na lang ang bahala sa problemang 'to tutal ako naman ang pakay.
Pinilit kong kumalas sa pagkakayakap ng Heneral pero naging hirap ako roon. Ano ba naman 'tong si Heneral! Dapat 'wag niya akong yakapin dito eh! Huhu.
Paano kung nand'yan pa 'yung nag padala ng box at pinagmamasdan pa rin kami? Kukuhanan na naman kami ng picture tapos lalagyan na naman ng X ang mukha niya?
BINABASA MO ANG
Úlitimas Órdenes del General (GLO)
Ficción histórica"If this life isn't for us, then I'll pray that we meet again... in the right time... in the right place, in the right life."