Hombre Misterioso
***
Stella's POV
"Ano?! Pupunta tayo sa bahay niyo?" Pag tatanong ko sa Heneral.
Nakangiti naman siyang tumango sa akin at mabilis ding tumalikod para balikan ang niluluto niya. Patapos na siguro siya at pinakukuluan na lang ito.
"Nahihibang ka na ba?"
"Bakit?" He faced me while frowning.
I sighed and stood up. "Heneral, maaaring kahapon ka lang dumating dito mula sa panahon mo pero jusko naman! 2020 na! 1899 pa ang panahon mo! Isang daan mahigit na taon na ang nakalipas, sa tingin mo ba nandon pa rin yung bahay niyo sa Bicol?"
"Bulacan, binibini." Pag tatama niya sa sinabi ko.
"Oh kahit ano pa man 'yan! Sa palagay mo ba buo pa rin 'yon? Nandon pa rin 'yon? Malamang wasak at sira sira na 'yun ngayon!" Giit ko sa kanya.
Nakatitig lang siya sakin gamit ang mga mata niyang may lungkot. Napakagat naman ako sa labi nang napagtanto ang salitang binitawan ko. Malamang ay nasaktan ko siya sa mga nasabi ko lalo na kung sobrang halaga sa kanya ng bahay na 'yun.
"Paano ka rin nakasisiguro na tuluyan ng nawala ang aming tahanan binibini?" Pagbabalik niya ng tanong sakin nang may lungkot sa boses.
Mas lalo kong nadiin ang pagkagat ko sa aking labi. Oo nga naman, ano ba namang kasiguraduhan ang meron ako na wala na nga yung bahay nila? Puro lang naman ako assumption, puro what ifs, pero wala namang proof. Bakit ba kasi nag dedesisyon ako agad? Mas lalo tuloy akong nilalamon ng konsensya ko dahil sa palagay ko ay nakasakit ako ng tao.
Bumuntong hininga ang Heneral at tinalikuran ako para patayin ang kalan at tanggalin ito sa pagkakasaksak. Pinanood ko na lang siya habang kumukuha ng bowl sa drawer at isinalin ang adobong niluto niya.
Hindi na lang ako nag salita gano'n din naman ang Heneral hanggang sa nailapag niya sa harapan ko ang adobong niluto niya. Mabilis namang nanoot sa ilong ko ang napakabangong amoy nito. Mukhang masarap ah!
"Pinggan..." Bulong ng Heneral sa sarili at akmang aalis na pero hinawakan ko ang mga braso niya.
"Ako na." Sabi ko sa kanya.
Tumitig lang siya sa akin nang walang ekspresyon at ibinaba ang tingin sa aking mga labi. Ano ba 'yan si Heneral! Nakakaconscious tuloy!
"A-ako na ang kukuha ng mga pinggan. Ikaw na kasi ang nag luto eh..." Sabi ko at bumaba na sa high chair.
Bago pa ako makalayo ay agad nahawakan ng Heneral ang mga braso ko. Dahan dahan niya akong inilapit ulit sa high chair at ipinaupo rito.
"Ako na ang kukuha-"
"Ako na." Matigas na sabi ng Heneral. Mukhang hindi siya tatanggap ng kahit anong pangongontra pa.
Tumango naman ako at hinayaan na lang siya sa pagkuha ng pinggan. Alangan makipagtalo pa ako 'no. Paano kung bigla akong barilin ng sundalong 'to pag nagpumilit pa ako? Mahirap na!
Nang makabalik ang Heneral ay may bitbit na siyang two plates, fork and spoon, pati na rin tissue.
Teka. Tissue?
Inilapag niya ang mga plato sa bar table bago ako binalingan ng tingin. Matapos ito ay dahan dahan naman siyang lumapit sa akin na naging dahilan ng pag atras ko.
Napakunot naman ang noo niya sa naging reaksyon ko pero agad ding binalewala ito at lumapit muli sa akin.
"H-Heneral..." Kinakabahan kong tawag sa kanya.
BINABASA MO ANG
Úlitimas Órdenes del General (GLO)
Historical Fiction"If this life isn't for us, then I'll pray that we meet again... in the right time... in the right place, in the right life."