Acechador
***
Stella's POV
Nang makapasok ako sa kwarto ay agad ko itong nilock at sumandal sa pinto. "Nakakainis naman 'yung mga 'yun..."
Bugnot akong nag lakad papunta sa kama at ibinalibag ang sarili rito. "As if naman na may maitutulong ako sa kanila,"
Pumikit ako ng mariin tsaka sinubukang icompose ang sariling utak. Ito na naman ako, mula nang dumating ang dalawang 'to sa bahay ko ay hindi na ako nawalan ng iniisip.
Ayaw ko talagang tumulong. Bakit ba kasi sa akin pa sila humingi ng tulong? Tsaka kung gugustuhin kong tulungan sila, ano namang klaseng tulong 'yun? Para sa misyon? Ano namang magagawa ko sa misyon misyon na 'yan? "Hindi naman ako si darna o si wonder wom—"
"Binibini..." rinig kong sabi ng Heneral bago ito kumatok sa pintuan ko. "Hindi ka pa tapos sa iyong brunch.."
I smirked. "Tch. Brunch huh?"
Ang dami na namang natututunan ng Heneral sa Vedastong ito.
"Stella!" Sigaw ni Angel tsaka kinalabog ng sunod sunod ang pintuan ko.
"Anak ng!" Sigaw ko tsaka nag martsa papunta sa pintuan at binuksan ito.
Akala mo may gera na kung makapag inarte itong Vedasto na 'to eh!
"Ano?!" Sigaw ko sa kanilang dalawa nang maabutan sila sa tapat ng pintuan. Hindi ko matandaan kung kailan ba ako nanigaw ng ganito sa buong buhay ko pero wala akong pakialam!
Ang nakasimangot na mga lalaki sa harapan ko ay sabay nanlaki ang mata tsaka dahan dahang ngumiti ng hilaw.
"Marami pa kasing ribs na natira roon, kaya dinalhan ka namin." Kinakabahan at nahihiyang tanong ng Heneral tsaka itinapat sa akin ang isang platong ribs.
"Oh ikaw?!" Baling ko sa Angel na biglang ninerbyos at napakamot pa sa ulo.
"Pasta nga pala.. hehe." Sabi nito, "Dinagdagan ko ng sauce 'yan!"
"Tss!" Sabi ko bago kinuha sa kanila ang mga bitbit nilang alay sa akin tsaka sila binalibagan ng pintuan.
"May pa suhol pa kayo ah?" I whispered.
Dinala ko ang mga pagkain sa mini table ko at naupo sa small couch malapit rito. Mabuti nalang ay dinala nila itong pagkain, sobrang sarap talaga at siguradong sisisihin ko ang sarili ko kung hindi ko masusulit ito.
Ang kaso, hindi ko pa ulit nalalantakan ang pagkain na nasa harapan ko nang may kumatak ulit sa pintuan ko.
"Ano na naman?" Tanong ko.
"Sana'y mabusog ka r'yan binibini.." Sabi nang Heneral, na sa palagay ko ay nakangiti na naman nang wagas,
"Sabihan mo lang kami kung kulang pa!" Sabi ni Angel naman.
Tss. Sipsip.
"Sana'y pag nabusog ka ay pag isipan mo ulit ang pag tulong sa amin..." Ang Heneral.
"Oo nga, hindi naman kami nag mamadali sa sagot." Si Angel.
"Tama. Hihintayin namin ang napakaganda at kaantig antig mong pagpapasya."
"Take your time!"
Napabuntong hininga na naman ako sa iritasyon tsaka sinapo ang mukha ko nang dalawang palad. "Ayaw talaga nila ako tantanan!"
BINABASA MO ANG
Úlitimas Órdenes del General (GLO)
Ficción histórica"If this life isn't for us, then I'll pray that we meet again... in the right time... in the right place, in the right life."