Unang Kautusan
***
Stella's POV
Nag simula nang magkagulo ang bahay na ito dahil sa bakbakan nila Heneral laban sa mga kaaway ni Telesforo. Pinanood ko kung paano Nung una ay hindi ko pa maisip kung panonoorin ko lang ba sila o makikisali sa gulo, pero sa huli, nag desisyon na lang ako na sundin si Vicente at tumawag ng mga pulis.
"Sir! May nagkakagulo po dito sa may—"
"Miss baka mamaya gulo lang sa liga 'yan, nagkasikuhan at nagkapikunan lang, hindi kami rumeresponde sa gano'n."
"Hindi po!" Giit ko. Ang dami namang sinabi hindi muna makinig, "May mga armas po ang mga lalaki rito, may dinukot silang fisherman—"
"Armas? Mga pulis ba 'yan?" Police officer asked.
"Hindi po—"
"Mga sundalo kung gano'n?"
I frowned, "Hindi rin po Sir! Mga masasamang tao na gusto pumatay ng isang inosente!"
"Saan banda 'yan at reresponde kami?"
Teka. Saan nga ba banda 'to?
"Batangas ho."
"Oo nga Miss, saan sa Batangas? Ang laki laki ng Batangas."
Saan nga ba 'yung sinet ni Vicente kanina sa Waze? Aish...
"Laiya...." Dahan dahan kong sabi habang iniisip ang lugar, "Aplaya..."
"Ah! Sa San Juan?" Tanong ng pulis sa akin.
"Oo sir tama! Galing mo!" I said.
"Ako pa ba?" Sagot ng pulis sa akin, "Ano bang street niyan?"
Syet, ayon lang.
"H-hindi ko alam eh. He-he." Kamot ulo kong sabi.
"Pinagtitripan mo ba kami?" Tanong ng pulis.
"Hindi ho!" Natataranta kong sabi, "Sinunduan lang ho namin siya hindi ko alam saan kami napadpad! Basta may malaking bahay dito na nag iisa at luma ho, naririto kami ngay—"
"Ang lumang bahay ng mga Carrasco?" Gulat na sabi ng pulis sa akin. Lumang bahay pala ito nila Telesforo? Wow... what a coincidence. "Papunta na kami d'yan."
Para naman akong nakahinga nang maluwag doon. Pinatay ko na ang tawag at bumuntong hininga at nanalangin na sana ngayon din dumating na ang mga pulis. Muli ko namang ibinalik ang tingin ko kala Heneral at doon nakita si Vicente na hawak hawak ang isang lalaki sa kwelyo at sinasampal ito ng paulit ulit gamit ang kanyang cap. Si Vedasto naman ay busy iwasan ang mga sumusugod sa kanya kaya ang ending ay nasusubsob ang mga ito at nagkakapatong patong.
"Talagang wala siyang balak manakit ano?" I whispered.
Ang Heneral naman ang binalingan ko ngayon na may sobrang bilis na galaw. May lulusob kasi sa kanyang isang lalaking may dalang kutsilyo pero agad niya itong hinawakan sa braso at pinilipit ito para mabitawan ang hawak na patalim. Habang ginagawa niya iyon ay may sinipa siyang isang lalaki na lulusob din sana na naging dahilan ng pag talsik nito sa mga lumang box na kahoy, binuhat niya naman ang lalaking hawak hawak niya sa braso tsaka ito ibinalibag papunta sa tatlong susugod sa kanya.
"Woah. Cardo Dalisay..." Hindi ko makapaniwalang sambit.
Nakita ko naman ang mga sahig na maraming baril. Mukhang hindi nakaporma ang mga kalaban nila Heneral sa pagbunot at pagkalabit ng baril kung kaya't nasa sahig na ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Úlitimas Órdenes del General (GLO)
Historical Fiction"If this life isn't for us, then I'll pray that we meet again... in the right time... in the right place, in the right life."