Cellphone
***
Stella's POV
"Binibini?"
Napatigil ako sa pag iyak nang marinig ang boses ng Heneral. Isang oras mahigit na akong ngumangawa rito pero ngayon pa lang siya dumating.
"Heneral..." Sabi ko pag bangon ko mula sa pag dukdok ng mukha sa lamesa.
Tinignan niya ako nang may nag aalalang mukha. May mga bitbit siyang mga plastic ng kung ano habang nakakunot ang noo.
"Anong nangyari?" Nag aalalang tanong niya.
Tumakbo agad ako papunta sa kanya tsaka siya niyakap. "Saan ba kayo nag punta..."
"H-huh?" Nagtataka niyang sagot, "Sa palengke. Balak sana kitang lutuan ng ginataang hipon. Ang s-sabi mo kasi noong nakaraang araw ay hinahanap iyon ng iyong panlasa."
Mas lalo ko siyang niyakap nang mahigpit at nag patuloy sa pag iyak. Wala akong pakialam kung anong isipin ng Heneral. Mula nung dumating sila, roon ko lang naramdaman na hindi ako mag isa... at iniisip ko palang na aalis sila, parang hindi ko na kakayanin pang mag isa ulit. They made me feel so alive for the whole month, I can't see myself being alone again and crying.
"Binibini.. nag aalala ako." Sabi ng Heneral nang mas mahinahon ngayon, "Anong nangyari?"
Binaba ng Heneral ang mga plastic na bitbit niya tsaka ako hinawakan sa balikat para makita ang aking mukha. Hinigpitan ko naman ang yakap ko sa kanya para hindi niya makita ang haggard ko feslak. Nakakahiya, huhu.
"Tumingin ka sa akin, binibini... Nais kong masilayan ang mga mata mo..." Bulong niya.
Unti unti akong bumitaw sa pagkakayakap at hinarap siya nang nakayuko. Hinawakan niya ang chin ko at inangat para maging magkalevel ang mga mata namin.
"Anong problema?" He asked softly. "Hmmm..."
Biglang namuo na naman ang luha ko at sunod sunod na namang pumatak. Napalunok ang Heneral habang tinitignan ang mga mata ko, napaigting din ang mga panga niya habang pinanonood ako, tsaka niya pinunasan ang mga luhang patuloy bumabagsak mula sa mata ko.
"Ayaw kong tumatangis ka..." He said, "Pakiusap, sabihin mo sa akin kung ano ang problema..."
I tried to stop myself from sobbing, pero nang nag salita ako, puro hikbi pa rin ang naririnig.
"Kasi.. a-akala ko, u-umalis n-na kayo.. nang h-hindi nag p-papaalam." Iyak nang iyak kong sabi.
"Umalis nga kami binibini...." Mahinahong sabi ng Heneral, pinipilit niyang ngumiti sa akin kahit kita naman sa mukha niya na mas nangingibabaw pa rin ang pag aalala.
"H-hindi..." Bugnot kong sabi.
"Ipaunawa mo sa akin... hmmm..." Malambing na sabi ng Heneral habang pinupunasan niya ang mga luha ko gamit ang kanyang thumb.
"A-akala ko aalis n-na k-kayo tapos h-hindi na k-kayo babalik habang b-buhay..." Sabi ko tsaka humagulgol ulit.
The General chuckled. "Bakit mo naman naisip 'yan?"
Sasagot pa sana ako nang may biglang sumulpot na dalawang lalaki.
"Hoy Heneral! Narito na si Coronel! Nakauwi na!"
"What's up?"
Bati ni Vedasto at Vicente habang papalapit sa amin. Napatigil silang dalawa nang makita akong umiiyak sa harapan ng Heneral.
"Anong nangyari?" Nagtatakang sabi ni Vedasto.
"M-may problema ba?" Naguguluhang tanong ni Vicente.
BINABASA MO ANG
Úlitimas Órdenes del General (GLO)
Historical Fiction"If this life isn't for us, then I'll pray that we meet again... in the right time... in the right place, in the right life."