Si Remedios.... ay ako?
***
Stella's POV
"A-Ate Maggie..." I nervously uttered.
Wala naman akong narinig na salita mula sa tatlong lalaki. Ni hindi ko rin sila mabalingan dahil titig na titig ako kay Ate Maggie na hindi inaalis ang nakakakilabot niyang tingin sa akin.
"K-kailan ka pa nakauwi?" Tanong ko sa kanya but she refused to answer.
"Kanina pa ako tumatawag sayo ah?" Malamig na sabi sa akin ni Ate imbes na sagutin ako. Bigla naman akong napapikit nang maalala ang phone call na hindi ko nasagot kanina.
"U-Uhh.. s-sorry Ate.. I was just busy doin—"
"Doing what?" Iritado niyang tanong sa akin tsaka bumaling sa tatlong lalaking nasa likod ko na ngayon.
"Magandang gabi ho Binibin—"
"Hindi ikaw ang kinakausap ko." Banat ni Ate Maggie sa Heneral tsaka ito binigyan ng malamig na tingin.
"Ate..." Saway ko sa kanya.
"Ano?" Galit niyang tanong sa akin.
Hindi naman na ako sumagot at bumuntong hininga na lang. Alam ko namang hindi ako mananalo kay Ate Maggie lalo na kung ganito siya kagalit. Bakit ba kasi ang secretary niyang si Via ay hindi ako tinimbrehan man lang na uuwi si Ate? Akala ko ba umagree siya sa akin na babalitaan niya ako pag pauwi na si Ate? Hay.
"Sino sila?" Tanong sa akin ni Ate at pinagtuturo sila Heneral sa likod ko.
"Madame! Vedast—"
"Stella, ikaw ang tinatanong ko." Pag putol ni Ate Maggie sa sinasabi ni Angel, "Sino sila?"
I swallowed hard before answering her question, "They are my friends Ate. Pauwi na rin sila..."
Nilingon ko naman ang tatlo sa likod ko at pinandilatan, "Diba pauwi na kayo?"
Mukhang hindi pa nagets ng tatlo pero maya maya rin ay sabay sabay silang tumango at umoo sa akin. Nilingon ko naman si Ate Maggie at nginitian siya, "See Ate? Pauwi na sila."
"Saan? Sa bahay mo? Kung nasaan ang kumpletong nga gamit nila?" Ate Maggie asked me directly. Para namang tumigil ang pag pintig ng puso ko doon dahil mukhang nabuking niya nang kinukupkop ko ang tatlo sa bahay.
"You can't fool me." Ate Maggie added.
"Ate... just hear me out firs—"
"Let's talk inside." Putol niya sa akin tsaka dumiretso na papasok sa bahay. Nilingon ko naman ang tatlo na nasa likod ko tsaka kumamot sa ulo.
"Sorry... Hindi ko alam na nakauwi na pala si Ate." I said. "Pagod pa naman ang lahat tapos ganito ang magiging salubong..."
Tumango lang si Vedasto tsaka ako tinapik sa balikat. Ang Heneral naman ay ngumiti lang at hindi na nag salita pa, habang ang Vicenteng nananahimik naman ay biglang nag tanong sa akin.
"Siya ba 'yung manager mo?" He asked.
I nodded, "At ate ko rin. Siya lang kasi 'yung naiwan kong guardian nung nawala ang mga magulang ko."
Tumango tango naman ang tatlo sa akin.
"Kaya pala't gano'n na lamang siya kung mag alala sa iyo..." Nakangiting sabi ng Heneral sa akin.
I smiled back before sighing. "Tara na't pumasok sa loob. Alam naman na rin ni Ate na dito kayo nakatira eh."
Tumango naman ang tatlo tsaka nag sabing sabay sabay na lang silang papasok pag tapos i-park ni Vicente ang kotse sa loob. Hinayaan ko naman sila at pumasok na lang sa bahay para puntahan at makausap si Ate Maggie na ngayon ay nag hihintay na sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Úlitimas Órdenes del General (GLO)
Ficción histórica"If this life isn't for us, then I'll pray that we meet again... in the right time... in the right place, in the right life."