Quién es?
***
Stella's POV
"I'm so tired with this shit! Kaya please.... Do me a favor..." I inhaled before continuing my line, "Leave..."
Ngumisi naman ng hilaw ang lalaking nasa harapan ko. Tila hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.
"I won't." Chris respond. "Hilingin mo na ang lahat sa akin... You can hurt me, punish me.. but hindi ito George, huwag ito. Hindi ko kaya..."
"Kung hindi mo kaya... pwes ako, kaya ko.." I said and looked at his face once again while my tears keep on flowing like a mad rain, "So watch me leave..."
Nag lakad na ako palayo sa kan'ya. Ilang hakbang palang ay huminto na ako. Kahit nakatalikod sa kanya ay patuloy ang pag iyak ko. Dinaramdam ang sakit ng isang taong iiwan ang taong mahal niya.
"Cut!" The director uttered.
"Good take!" Sabi pa ng mga assitant directors and some staff from production management.
Agad kong pinunasan ang luha ko at bumuga ng hangin. Lumapit naman agad si Cecilia, my PA, at inabutan agad ako ng tubig at tissue.
Mabilis ko namang kinuha ang tubig at ininom. Pagkatapos noon ay tissue naman ang inabot ko at agad itinuloy ang pagpupunas ko sa aking mukha.
"You're really good!" Bati sa akin ni Chris, ang aking leading man sa bagong movie na ginagawa.
"Thank you!" I smiled widely.
Nagpaalam din naman ako agad sa kanya dahil kailangan kong pumunta sa tent at makapagretouch.
"CR lang ako." Ang sabi ko sa make up artist ko na si Shawi.
She smiled and nodded so I continue my walk towards the washroom.
Pagkalock ko ng pinto ay agad kong hinarap ang sarili ko sa salamin. Hindi ko na napigilan ang pagbuhos pa ng aking mga luha. Huhu. Why am I crying?
Masyado ata akong nadala sa scene na ginawa namin ngayon. Aish. I want to stop my tears so bad but I can't. Mag mumukha na naman akong pato nito. Pagagalitan na naman ako ni direk dahil sa mga maga kong mata.
Napahawak ako sa dibdib ko at dinama ang sakit na nararamdaman. Hindi ko alam kung saan nanggagaling pero nung sinabi ko yung huling line ko kanina ay para bang pamilyar na sa akin yung ganoong pangyayari. Para bang naranasan ko na masaktan nang ganoon kahit na hindi pa naman ako nagkakaboyfriend!
Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiiyak sa CR. Bumalik na lang ako sa katinuan nang marinig ang katok ni Cecilia.
"Miss Stella, 5 minutes na lang daw po at mag sisimula na ang shooting. Kailangan niyo na pong maayusan." Sabi nito.
"A-ah, sige!" Sagot ko agad at nag hilamos na para hindi masyadong mapansin ang pamumula ng aking mukha.
Nang lumabas ako ay ang nakabusangot na si Ate Maggie, my aunt slash my sister slash my manager.
"Nakakainis ka talaga!" She exclaimed before pinching me.
"Ouch!" reklamo ko.
"Sinabi ko sa'yo na huwag kang iiyak nang iiyak kapag may shoot ka! Ghad! You'll have a puffy eyes!" isang malakas na hampas naman ang iginawad niya sa akin na parang pabiro na hindi.
Hindi ko alam kung pabiro ba talaga o totoo na. Mahirap talaga kasama ang mga volleyball player, gaya ni ate na ganoon ang libangan dati during her college days in Ateneo.
BINABASA MO ANG
Úlitimas Órdenes del General (GLO)
Historische fictie"If this life isn't for us, then I'll pray that we meet again... in the right time... in the right place, in the right life."