Oras
***Stella's POV
Heneral stopped in the middle of our kiss. He step backwards before licking his lower lip. Frustration is very evident in his eyes so I became nervous a bit.
Nagtataka akong bumaling sa kan'ya habang hinahabol ang aking paghinga. Hindi ko napansin na pinipigilan ko pala ang pag hinga nang lumapat ang labi ng Heneral sa labi ko.
My face heated up when I realized what we have done tonight. We kissed. Yes, people. We fucking kissed! He was my first kiss! I gave it to him! Damn! Bakit ako kinikilig?
I pursed my lips while I'm still staring at him. Hindi naman nag salita ang Heneral sa tapat ko kaya't ako na ang nag lakas loob bumasag sa katahimikan naming dalawa.
"B-Bakit...." I slowly asked because I felt awkward when our lips parted, "Bakit ka tumigil.. uhh... mali ba ang pag kiss ko?"
Iyon lang ang natatangi posibleng dahilan na nasa utak ko kung bakit biglang huminto ang Heneral.
As far as I remember I've never been kissed by anyone. Maski si Ate hindi pumapayag na may kissing scene ako sa bawat project na tatanggapin ko kaya naman wala talaga akong background sa kissing na 'yan.
Did I disappoint him?
I bit my lower lip and took a deep breath.
"Uhhh... dapat ba bubuksan ko ang labi ko?" I asked him. Gano'n kasi 'yon sa pagkakaalam ko. "K-Kasi 'di ba gano'n 'yun? Para makapasok ang dila—"
"Binibini!" Kabang kaba na tawag sa akin ng Heneral kaya naman napahinto ako sa pagsasalita.
May mali ba sa sinabi ko? I'm just asking.
He looked at me with his nervous eyes while he kept swallowing hard. Pinahilamos niya naman ang kamay niya sa kan'yang mukha bago takot na bumaling sa akin.
Inilingan niya ako nang paulit ulit para sagutin ang mga nauna kong tanong pero hindi ako roon naniwala.
"Tumigil ka ba k-kasi hindi ako marunong—"
"Hindi binibini..." Heneral gently said.
Nilagay niya naman ang isa niyang kamay sa kan'yang bewang habang ang isa ay sinusuklay niya sa kan'yang basang buhok. He look so frustrated before he turned his back at me.
Matagal pa muli bago niya ako binalingan, at nang ginawa niya 'yon, nag mamadali siyang lumapit sa akin tsaka dumukot ng panyo sa kan'yang bulsa at ipinunas sa mga labi ko nang dahan dahan.
"P-Paumanhin..." Sabi ng Heneral sa akin habang paulit ulit niya pa ring maingat na pinupunasan ang labi ko.
"B-Bakit?" Naguguluhan kong tanong.
"Dapat hindi ko iyon ginawa, paumanhin..." He whispered desperately, "Paumanhin binibini... paumanhin."
He swallowed repeatedly while he's clenching his jaw. He also bit his lower lip while he's trying to avoid my eyes. Pulang pula na ang pisngi at tenga ngayon ng Heneral kaya talaga namang nagtataka ako pero hindi na ako nag salita pa.
"M-Masyado lamang ako nadala ng damdamin, binibini. Patawarin mo ako.... nagulat ba kita? P-Paumanhin..." Hindi mapalagay niyang sabi.
"A-Ayos lang Heneral..." I said, trying to hide how nervous I am too, "Gusto ko rin naman. Gusto ko pa nga eh."
I tried to throw a joke but Heneral didn't get my humor. His face just darkened and his eyes became sharp as he slowly wiped my lips again. I saw how he swallowed hard and how he clenches his jaw repeatedly.
BINABASA MO ANG
Úlitimas Órdenes del General (GLO)
Historical Fiction"If this life isn't for us, then I'll pray that we meet again... in the right time... in the right place, in the right life."