Sundalo
***
Vedasto's POV
"Parang wala sa tono, 'no Goyong?" Tanong ni Koronel sa Heneral.
Inikot ko naman ang mga mata ko sa dalawang 'to. Napakatatagal magkikilos eh. Hays. Buti pa ang cute na ako, kanina pa nakabihis. Nandito kasi kami ngayon sa kwarto ng mga staff sa isang resto bar sa BGC na tumanggap sa amin.
Naririto rin ang uniform namin ng Heneral na susuotin para sa trabaho. Kaso, ito namang si Koronel, ang Heneral pa ang inaabala porket mamaya pa siya tutugtog.
"Wala nga Enteng, malamang sa—"
"Diba matagal ka nang nag gigitara mapa-past life o present mo, bakit mo pa tinatanong ang Heneral? Kala ko pa man din big shot guitarist ka." Naiirita kong sabi sa Koronel.
Ito, mula nung nakita ko 'to ulit nabibwisit ako eh. Ang tagal naming nag sama tapos hindi man lang ako maalala! Huhu. Nakaka-offend ha! Siya pa man din una kong bestfriend na tao! Grr.
"Gago." Koronel Enriquez just said.
Aba't! Kung makamura akala mo walang atraso sa'kin eh!
"Minus 27 ka sa langit." Sagot ko lang sa kanya at nag drawing pa sa hangin ng -27, na hindi na niya pinansin at nagpatuloy na lang sa pag totono ng gitara.
"Nakabihis ka na ba?" Tanong sa akin ng Heneral habang binobotones ang white long sleeve na suot niya.
"Mukha ba akong nakahubad sa paningin mo Heneral?" Badtrip kong tanong sa kanya. Bakit ba nababadtrip ako sa mga 'to? Samantalang tuwang tuwa ako sa mga tao!
He just gave me a death glare with an emotionless face. Napalunok naman ako roon at napanguso. Bakit ba nananakot 'to? Nagtatanong lang eh, huhu.
Alam kong hindi naman ako namamatay dahil isa akong angel, pero bakit nakakatakot talaga ang tingin ng Heneral? Parang anytime papatayin ako eh! Lagi na lang beastmode sa akin 'to!
Hays. Hirap na nga makisama sa normal na tao, lalo na pala sa minsang namatay at muling nabuhay na tao.Tsk tsk.
"Bakit ba nagmamadali ka? 6 pm pa bukas nito." Tanong ng Koronel sa akin.
"Eh sa excited na ko mag hagis hagis ng bote eh." I said.
Tsaka 6 pm pa pala bukas, bakit 5 pm kami pinapunta?! Lakas pala ng mga 'to eh hay!
"Tss. Maghanap ka muna ng pagkakaabalahan mo, hindi 'yung pineperwisyo mo ang nananahimik naming utak." Masungit na sabi ng Heneral.
"Tss. Kala mo may utak."
"Mayroon talaga." Heneral told me arrogantly.
"Bakit 'di ka umilag sa bala kung gano'n?" I just whispered.
Napatingin naman ako kay Koronel na biglang ngumiwi, mukhang ayaw niya talagang pinaguusapan ang pagkamatay ng Heneral. Partida at wala pa siyang naaalala niyan, paano pa kaya kung nagkaroon na? I'm sure mas masasaktan siya roon dahil siya ang kasama ng Heneral nung nawalan ito ng buhay, siya rin ang... hays.
Mabuti na rin pala ang wala siyang naaalala para hindi siya masyadong masaktan, at hindi masyadong makaabala sa misyon ng Heneral. For sure kung naaalala ng Koronel ang lahat, mas mahihirapan kami at duda akong tutulungan niya kami.
Hindi na sumagot ang Heneral sa naging bulong ko pero binato niya na naman ako ng nakamamatay na tingin. I pouted. Nag sasabi lang ng totoo eh. Tss.
Ngumuso na lang ako lalo tsaka kinuha ang remote sa gilid ko at binuksan ang tv na nakadikit sa wall ng room na 'to. Baka sakaling may tagalized na kdrama rito na pwede kong mapanood.
BINABASA MO ANG
Úlitimas Órdenes del General (GLO)
Historical Fiction"If this life isn't for us, then I'll pray that we meet again... in the right time... in the right place, in the right life."