Kabanata 10

138 4 0
                                    

Tulong

***

Stella's POV

Galit na naman ang bumalot sa aking puso at unti unting namuo ang aking mga luha. Hindi ko maintindihan 'yung nararamdaman ko, galit na galit ako sa hindi ko malamang dahilan. Galit na galit ako to the point na gusto kong umiyak, gusto kong sumigaw.

"S-Stella? Bakit?"

"Binibini..."

Tinaas ko ang kamay ko para ipahiwatig na ayos lang ako. Hindi naman na sila pa nag salita  at pinanood na lamang ang bawat galaw ko. Sinubukan kong tumayo pero biglang nanghina ang tuhod ko. Mabilis naman akong sinalo nang Heneral at napatakbo papalapit agad si Vedasto sa amin.

"Binibini... ayos ka lang?"

Napatingin ako sa Heneral na ngayon ay salo salo ako.  Ang mga luhang namuo sa aking mata ay tuluyan nang bumuhos nang titigan ko ang mukha nang Heneral. Napahawak agad ako sa dibdib ko at dinama ang sakit na bumubuhos sa aking puso.

Hinayaan ako nang Heneral na umiyak sa bisig niya habang si Vedasto ay kumuha ng walis at dustpan para walisin ang nabasag na baso dahil sa gulat niya. I sighed. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa Heneral. How could I feel hurt and safe with him at the same time?

Nang mahimasmasan ako ay inalalayan ako ng Heneral at Angel na maupo muli sa sofa. Inabutan ako ng tubig ng Angel at ang Heneral naman ay pinunasan ang luha ko.

"Ayos ka lang ba?" Mahinahong tanong ng Heneral, tila ba'y nag iingat siya na baka umiyak ulit ako pag napataas ng konti ang tono niya.

I chuckled a bit and slowly nodded, "Natural lang sa akin ito. Mula bata ako bigla bigla na lang akong naiiyak sa hindi malamang dahilan."

Mukhang hindi naniniwala ang Heneral kaya itinuloy ko ang kwento ko.

"Minsan pag umuulan, madalas pag kumukulog, pag maraming bituin, kapag pasko, bagong taon... bigla bigla na lang ako nakakaramdam ng lungkot tapos iiyak nalang ako bigla." I said, "Weird right?"

Nakatitit lang sa akin ang Heneral at parang gulat sa sinasabi ko. Paulit ulit siyang napalunok at napatingin kay Vedasto. Nagkibit balikat naman ito at sabay muli silang tumingin sa akin. Humalakhak naman ako nang malakas dahil sa weird na tingin nila.

"Okay nga lang ako!" Natatawa kong sabi, "Normal lang 'to promise!"

Ilang beses ko pa silang kinumbinsi bago sila tuluyang naniwala sa akin. Hindi na lang sila ulit nag salita at dumiretso na sa kani-kanilang mga kwarto para makaligo dahil amoy pawis daw sila mula sa pagt-trabaho.

Inabala ko ang sarili ko sa panonood ng TV at sinubukang abangan ang balitang patungkol sa anak ng Senator. Ilang sandali pa ay ipinalabas na nga ang naging interview sa lalaking nameet ko sa gasoline station at convenience store.

Lumabas ito mula sa isang pinto na sa palagay ko ay ang municipal hall sa Bulakan, Bulacan at doon hinarap ang napakaraming reporter na nag hihintay sa kanya.

"Totoo bang mag reretire na ang uncle mo sa pagiging Mayor?"

"Ikaw daw ang gusto ni current Mayor Enriquez pumalit sa puwesto niya bilang Mayor ng Bulakan, Bulacan. Ano pong masasabi niyo rito?"

"Ikaw na ba ang susunod na tatakbo bilang Mayor sa darating na election?"

"Mr. Vince, gaano katotoo na gusto mong palitan ang uncle mo para sa pansariling interes?"

Nakangisi lamang ang anak ng Senator habang patuloy siyang tinatanong ng mga reporters na nakapaligid sa kanya.

"Whatever my decision is, you don't have to know about it." He cooly said, "But if you're really curious, then go and find it out."

Úlitimas Órdenes del General (GLO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon