Ancestral House of Enriquezes
***
Stella's POV
"Nag tataka ako.. hindi ba't nasunog ang tahanan ninyo noong pag pasok ng isang libo't walong daan at siyam na pu't walong taon?" Tanong ng Heneral kay Vicente.
Napakamot naman ako sa ulo at nilapit ang bibig sa tenga ni Angel tsaka bumulong, "Anong taon daw?"
Vedasto gazed at me and whispered, "1898. Mag aaral ka kasi ha?"
Napasimangot naman ako sa sinabi ni Vedasto. Tumikhim ang Heneral kaya imbes na sagutin ko si Vedasto ay napatingin ako sa kanya. Nakatitig siya sa akin nang nakangiwi. Ano na namang ginawa ko? Itong si Heneral kanina pa weird.
Lumapit ulit ako kay Vedasto at bumulong. "May nangyari ba kanina habang wala ako?"
Yumuko naman ng kaunti si Vedasto tsaka bumulong din sa akin, "Wala naman masyado, bakit?"
"Iba kasi ang kilos ng Heneral kanina..." I whispered back.
Napahinto si Vedasto sa pag galaw tsaka tumitig ng ilang sandali sa kawalan bago sumagot. "W-wala namang nangyari..." He nervously uttered.
Napasingkit naman ang mga mata ko dahil sa naging response niya. "Yung totoo?" I whispered again.
"Totoo nga." Sagot niya.
"Sigurado ka?" I whispered again.
"Binibini." Malamig na tawag ng Heneral sa akin. Hindi ko napansin na kanina pa pala kami pinanonood ng Heneral at ni Vicente.
Tinignan ko ang ayos ko at naka tagilid ako nang kaunti para maabot ang tenga ni Vedaso. Medyo magkalayo kasi kami dahil nakaupo kaming dalawa sa magkahiwalay na sofa kaya pinilit ko siyang abutin. Pero ngayong napansin ko na ang tingin ng dalawa ay bumalik na ako sa pagkakaupo at nginitian sila na may kasamang peace sign.
"Hehe. Bakit?" I asked.
Heneral twisted his lips, "Wala naman...."
Vicente smirked. "Sigurado ka Goyong?"
Inilipat ng Heneral ang tingin niya kay Angel na ngayon ay biglang napaayos ng upo. "Inosente ako." Vedasto uttered.
Huh? Anong pinagsasabi nito ni Vedasto?
Ilang segundong tinititigan ng Heneral ang Angel nang hindi kumukurap. Ang galing!
"Tatanungin lamang kita binibini..." dahan dahang sabi ng Heneral habang hindi pa rin inaalis ang titig kay Vedastong sumisipol sipol na ngayon.
Ako raw tatanungin pero wala naman sa akin ang atensyon, hmp.
"Tungkol saan?" I asked.
Dinala na ng Heneral ang mga mata niyang malalamig sa akin tsaka nag tanong, "Kung nais mo ba ng pudding... gumawa kasi ako kanina mula roon sa mga tinapay na natira noong nakaraang linggo."
Ayun lang pala! Akala ko naman kung ano! Kung makatingin naman nang masama itong Heneral!
"Ahh..." I just respond, "Hehe, maya na lang."
Eh kasi naman kaka-kain lang namin ng hapunan. Nandito kami ngayon sa sala dahil may gusto silang pag usapan tungkol sa bahay ni Vicente. Sabi ko na nga ba't parehas kami ng iniisip eh. Ewan ko ba kay Vedasto, napaka slow talaga. Mabuti pa't mag iiwas na ako dyan mula ngayon.
Heneral nodded slowly before turning to Vicente. Vicente also faced him before answering his question about the house.
"Hindi ko nga rin maintindihan eh." Nalilitong sabi ni Vicente.
BINABASA MO ANG
Úlitimas Órdenes del General (GLO)
Fiksi Sejarah"If this life isn't for us, then I'll pray that we meet again... in the right time... in the right place, in the right life."